CHAPTER 47: THE TRUTH UNTOLD
Binuksan niya ang cabinet at isinilid ang mga ito sa drawer at nang maisara niya ito ay itinago niya ang susi sa itaas ng cabinet.
"Chase, ano ang itinatago mo?"
Matapos niyang itago ang susi ay bumalik siya sa pwesto niya at taimtim akong pinagmasdan habang ako'y natutulog. Unti-unting sumisikip ang dibdib ko. Napuno nang usok ang paligid at unti-unting nilamon ang imahe naming dalawa ni Chase.
Napahawak ako sa aking dibdib at napaupo. Paunti-unti itong kumikirot na tila tinutusok ng daan-daang karayom.
Muling umaliwalas ang paligid ngunit tanging ang cabinet na lang ang nasa harapan ko. May kung anong tumutulak sa akin na lapitan koi to at buksan. Tumayo ako at lumapit sa cabinet. nasa tapat na ako ng pinto nito, huminga ako ng malalim bago ko kinapkap ang susi sa itaas nito. Nang makuha koi to ay agad kong binuksan ang cabinet at ang drawer nito kung saan ko nakitang inilagay ni Chase ang mga papel.
Kinuha ko ang dalawang expanded portfolio. Laking pagtataka ko nang mapansin ang mesa sa aking likuran nang ako'y humarap. Kanina lamang ay nawala ito at tanging ang cabinet lang ang nakikita ko.
Dinala ko ang mga papeles sa mesa at inilabas ang mga papel. Napakagat ako sa aking daliri nang hindi ko mabasa ang nakasulat sa papel dahil blurred ito. Kinuha ko muli ang isang expanded portfolio at tiningnan ito. Malinaw na malinaw naman ang nakasulat sa isang hawak ko.
Pinagkumpara ko ang dalawa. Tanging ang isa lang ang malinaw.
YUGEN CLASS A STUDENT PROFILE
SY:2020-2021
Binuklat ko ito at tumambad sa akin ang student profile ni Thalia. Inisa-isa ko itong basahin.
Name: JIMENEZ, NATHALIA L.
Nickname: THALIA
Birthday: APRIL 07, 2000
Gender: FEMALE
Class: YUGEN CLASS A
Student ID: 19-164233
Blood Type: A+
Father's Name: GREGORIO N. JIMENEZ
Mother's Name: TALA G. LORNDEZ
Email: nathaliajxx@gmail.com
Ability: PSYCHOMETRY
Percentage: 94%
Isa itong student profile namin kung saan nakatala ang tungkol sa aming mga sarili.
***.***
Name: GOMEZ, INARA A.
Nickname: INARA
Birthday: JANUARY 19, 2001
Gender: FEMALE
Class: YUGEN CLASS A
Student ID: 19-1765700
Blood Type: AB+
Father's Name: EDGAR S. GOMEZ
Mother's Name: LYNA C. ABELLA
Email: gomez1nara@gmail.com
Ability: CRYOKENESIS
Percentage: 95%
***.***
Name: SANTIAGO, FERUX JADE D.
Nickname: FERUX
Birthday: MARCH 16, 2000
BINABASA MO ANG
Yugen University - [COMPLETED]
FantasyIsang kilalang paaralan sa bansa dahil sa magandang kalidad ng kanilang sistema ng edukasyon at dahil sa kanilang Special Class na tinitingala ng lahat. Sila ay hinahangaan at kinaiinggitan ng ilang paaralan, kaya naman pilit itong pinababagsak at h...