CHAPTER 29: GIRL IN THE MASK
Tatlong araw na ang nakalipas mula nang matapos ang event. Katulad ng dati tila normal lang ang mga kilos ng mga professor at mga estudyante na para bang walang nangyari. Kaming Class A ay abala sa mga datos na nakalap namin noong araw na 'yon. Ano nga ba ang nangyari sa kalagitnaan ng event?
----
Matapos magtanghal nina Verux, Ferux at Chase agad na lumapit sila sa amin at pinagyabang ang ginawa nila. Inutos ng Emcee na igilid ang mga mesa at upuan upang magkaroon ng malaking espasyo sa gitna ng gym. The music turns into mellow. All males will be given a white rose. Ibibigay nila ito sa babaeng gusto nilang maisayaw.
Sa mga oras na 'yon, hindi ko alam kung matatawa ba ako o madidiri sa mga babaeng estudyante na hinarangan si Chase. Kitang-kita namin ang reaksyon ni Chase nang harangin siya ng mga ito. Parang gusto niyang itulak ang mga nasa harapan niya at nang tumingin siya sa amin ay tila sinasabi ng kanyang mga mata na tulungan siya. Bago siya tulungan ng kambal ay pinagtawanan muna siya.
Nagkaroon pa ng katyawan sa pagitan namin, wala nang nagawa pa si Chase kundi ibigay sa akin ang puting rosas. Napakamot pa siya sa kanyang noo nang tanggapin ko ang rosas.
"Hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo na sa akin ibigay. Kung ayaw mo sa akin ibigay, okay lang naman sa akin." Malumanay kong sabi sa kanya. Doon siya napatingin sa akin nang diretso sa mata.
"Hoy! Malamang sa'yo ko 'yan ibibigay. Kilala kita, kasamahan kita. Isa pa, wala talaga akong magagawa dahil sa kalokohan ng kambal. Alam ko namang itutulak at itutulak nila ako sa'yo," untag niya sa akin.
Napatawa na lang ako dahil sa sinabi niya. Ayo slang naman sa akin na hindi ako ang i-sayaw niya. Sumimangot siya bago inalok ang kanyang kamay. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano ba? Ayaw mo o ayaw mo?" Inis niyang sabi. Napangiwi ako dahil sa inasta niya. Hindi na lang ako nagsalita at inabot ko na lang ang kamay niya na kanina pa nakabitin sa ere.
Katulad nina Verux, Thalia, Ferux at Inara ay sumayaw na rin kami sa gitna. Pakiramdam ko ay lahat ng tingin ng mga babae ay nasa amin lalong-lalo na sa mga tinanggihan ni Chase. Napadako ang mata ko kay Verux na kasayaw si Thalia. Malapad ang ngiti nito habang kausap si Thalia. Napa-angat ito ng tingin at dumapo sa amin ni Chase. Ngumisi ito at kumindat.
"Can't you just focus on me?" rinig kong sabi ni Chase. Napatingin ako sa kanya at seryuso lang ang mukha nito
"Alam kong nakatingin sila sa atin, but please, focus on me. Focus on us."
Dahil sa sinabi niya mas lalo ako nagkaroon ng dahilan para ayusin ang pagkakahawak sa balikat niya at titigan siya ng diretso sa kanyang mga mata."Hindi ko akalain na marunong ka pa lang kumanta."
"I am Zemixton Chase, you just know my name and how rude I am. You don't know who is Zemixton Chase Galvez Bonterio and the other side of him."
I look straight into his eyes until I noticed myself staring on his lips. I gulped as he slowly leaned his face towards me. Before our lips landed on each other, the crowd reacted as the lights disappear inside of the gymnasium. Wala kaming maaninag na liwanag at tanging reklamo lang ng mga estudyanteng narito.
"Dito ka lang sa tabi ko," bulong ni Chase. Ramdam ko ang paghawak niya sa baywang ko. Marahan niya akong hinila para lalong mapalapit sa kanya. Walang anu-ano'y bigla akong kinabahan. Kakaibang kaba ang nasa dibdib ko ngayon. Kaba na hindi ko madalas maramdaman. It feels like something will happen in a minute or an hour.
BINABASA MO ANG
Yugen University - [COMPLETED]
خيال (فانتازيا)Isang kilalang paaralan sa bansa dahil sa magandang kalidad ng kanilang sistema ng edukasyon at dahil sa kanilang Special Class na tinitingala ng lahat. Sila ay hinahangaan at kinaiinggitan ng ilang paaralan, kaya naman pilit itong pinababagsak at h...