CHAPTER 19

1.9K 69 0
                                    

CHAPTER 19: THE FIREBALL

Mula noong malaman namin ang dahilan ng pag-iyak ni Thalia naging malayo na siya sa amin. Hindi na siya nakikisama sa amin nang madalas. Kung makasama naman namin siya ay isang metrO ang layo niya sa amin at hindi na nagsasalita.

Magsasalita lang siya kung kinakailangan ang opinion niya at kapag tinatanong siya ni Mr. Escletus o Mr. Hayatou sa discussion namin. After that, mananahimik na naman siya. Tila ba hindi namin siya kasama at hangin lang siya na nagmamasid sa amin.

Gusto ko siyang lapaitan at kausapin nitong nakaraang araw ngunit sadya siya lumalayo sa tuwing nakakaramdam siya na lalapit ang isa sa mga kasamahan niya sa kanya.

She tried to train herself into different weapons but she ended up into crying. Ang sabi ni Chase ay hayaan na lang muna namin si Thalia hindi naman siya nagpapabaya sa tungkulin niya. Lagi siyang nagbabasa sa tabi ng mga librong pang medisina.

Nanatili ang routine at schedule namin para mapanatili at malpractice nang husto ang ability na mayroon kami pero hanggang ngayon nganga pa rin ako at nangangapa kung anong kakayahan ang mayroon ako sa katawan.

Kasalukuyang nasa P.E Room kami ngayon. Nasa tabi lang kami ni Inara habang pinapanuod ang kasama namin na kanya-kanyang pinalalabas at tinatantya ang kanilang kakayahan. Si Verux nasa mga sandata. Si Chase ay nasa isang gilid at nagme-meditate habang si Ferux naman ay nasa gitna't pinalalabas ang kanyang nakakapasong apoy.

"Go, Ferux." Inara's cheer him. Napatingin ako sa bata na ito at napailing na lang.

Hindi siya nilingon ni Ferux bagkos nagpatuloy lang ito sa kanyang ginagawa. Nakataas ang braso nito hanggang sa kanyang dibdib at seryuso niyang tinitingnan ang kanyang mga kamay. Ibinaba niya ang kaliwang kamay niya at pinanatili ang kanyang atensyon sa kanang kamay niya.

After a few minutes there was a small lit of fire in the middle of his palm. The small lit started to become bigger and bigger until it was turn into fireball.

Halos maningkit si Ferux sa kanyang titig sa kamay niya na nag-aapoy.

"Throw it!" sigaw ni Verux sa kakambal. Bigla niya itong ihinagis at kung saan lang ito tumama. Napailing-iling si Ferux at muling sinubukan muli sa kanang kamay niya. Sa ngayon, mabilis niya itong napalabas sa kamay niya.

"Throw to your target!" muling sigaw ni Verux. Nanlaki ang mata ko nang itaas ni Ferux ang kamay niya na mayroong apoy papunta sa direksyon ni Verux.

"Hoy! Wag ako." bulyaw ni Verux at agad na napatago sa ilalaim ng mesa. Ang kaninang gulat kong reaksyon ay napalitan ng halakhak dahil sa hindi maipintang mukha ni Verux sa takot na siya ang target ng kanyang kakambal.

Agad naman itinapon ni Ferux ang bolang apoy sa harapan niya na isang standy at may ekis ang mukha.

Napaupo si Ferux at parang pagod na pagod ito. Agad naman nain siyang pinuntahan. Thalia check his heartbeat ang lungs.

She's acting like a doctor and record what she noticed.

"Anong nangyari?" bungad na tanong ni Chase.Umupo ito sa harapan ni Ferux at hinawakan ang balikat. "Tell me." Malumanay na sabi nito.

"Hindi ko macontrol nang husto ang apoy. Pakiramdam ko kapag ibinigay ko nang todo at palabasin lahat ay sasabog ang puso ko," hinihingal na sabi ni Ferux.

"What does it mean?" tanong ni Inara.

"Ang nangyayari sa kanya ay pagtaas ng temperature ng katawan n'ya na maaring mapunta sa heart attack o 'di kaya at stroke kapag hindi nakontrol. Dahil sa init, his heart pumps faster lalo na't pinipigilan n'yang palabasin ang apoy sa katawan n'ya. Pinipigilan niyang dumaloy ang dugo." paliwanag ni Thalia.

Yugen University - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon