CHAPTER 1

5.6K 158 4
                                    

CHAPTER 1: ENTERED

Umagang-umaga ay nag-iimpake ako ng aking mga damit. Pinili ko lang ang paborito kong isuot. Ang iba siguro ay ipamimigay ko na lang sa mga nangangailangan.

Kahapon lang ay nakatanggap ako ng Email mula sa paaralang papasukan ko ngayong taon. Pinili ko ang paaralang ito dahil hindi ito pang-karaniwang paaralan. Nang makita ko ang paaralang ito sa internet, hindi na ako nagdalawang isip na kumuha ng requirements para sa online admission test. Nag-search ako tungkol sa paaralang ito. May ilang article akong nabasa na gawa rin ng mga estudyante na sa tingin ko ay nag-aaral dito.

Ayon sa mga nabasa ko, maganda ang kalidad ng paaralan. Mataas rin ang ratings nito pagdating sa ISO dahil sa sobrang ganda ng pamamalakad nito. Ayon pa sa mga nabasa ko ay almost perfect university ito. Kaya naman na-enganyo akong kagatin ito at mag-take ng admission test. Isa pa sa mga nabasa ko ay tinitingala nang ilan ang Class A, ang napapabilang sa klase ay nakaka-minus gastos.

Hindi pa ako nakakabisita sa paaralan na papasukan ko, siguro ay bukas na lamang, kailangan kong ayusin ang mga gamit ko. Hindi ko pa rin nakikita ang itsura ng lugar, tanging logo lamang ng paaralan ang nakalagay sa page na dinudumog ng reactions and comments sa tuwing magbubukas ang paaralan.

Kakaunti pa lang ang alam ko tungkol sa paaralang ito katulad ng requirements, stay-in at ang ilang rules nila na nabasa ko sa isang online article.

Nang matapos ko ang pag-iimpake ko ay binuksan ko muli ang email ko at binasa ang ilan sa mga requirements nito. Kukuha na lang ako ngayong araw ng ilang requirements na hinihingi para makapasok at makapagpa-register. I heard several knocks behind my door. Bumungad sa akin si Tita nang buksan ko ito.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong niya sa akin. Pumasok siya sa loob at umupo sa kama ko.

Buong buhay ko ay sa kanya ako tumutuloy. Siya na ang tumayong magulang ko mula noong mamatay ang nanay ko. Ang tatay ko? Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo siya nagsusumiksik. May parte sa alaala ko na iniwanan niya ako pero hindi ako sigurado. Kapag tinatanong ko naman si Tita ay hindi niya ako sinasagot at palaging iniiba ang usapan.

"Opo, Tita. Para rin naman po 'to sa 'yo. Makabawas gastos ka man lang dito sa bahay. Wag kang mag-alala, bibisita naman ako kapag walang pasok," nakangiti kong sabi sa kanya.

Ang plano ko ay magtatrabaho ako hanggat kaya kong pagsabayin ang pag-aaral ko. Iyon naman rin ang nakagawian ko dahil hiyang-hiya ako sa gastusin ni Tita. Ayaw ko naman maging pabigat sa kanya. Balak ko ring pilitin na makapasok sa Class A. Base naman sa nabasa ko ay totoo ang mga 'yon kaya marami ang gustong pumasok rito.

"Basta ba kapag hindi mo kaya ay bumalik ka rito ha. Ayaw kong multuhin ako ng Mama mo," pagbibiro niya pa. Natawa naman ako sa itsura niya. Bakas ang pag-aalala roon ngunit nakukuha niya pang magbiro.

Tumango ako at saka siya tinabihan at niyakap. Ayon sa napagkasunduan namin ni Tita, kapag eighteen na ako ay hahayaan niya na akong magdesisyon para sa sarili ko. Pumayag siya na mag-take ng exam dahil tumutupad lang daw siya sa naging usapan namin.

"Mag-enjoy ka lang do'n, ha," aniya. Ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

"Aye, Tita Ganda."

"Ikaw talagang bata ka. Wag mo nga akong maganyan-ganyan ngayon. Mami-miss ko ang presensya mo," aniya. Lalo ko lang siya niyakap at sininghot ang kanyang amoy.

"Everything has a reason. Alam kong minsan ay pinagduduhan mo ang pagkatao mo. Soon, you will found who you are. You will know your purpose," aniya na ipinagtaka ko. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan siya ng diretso. She smiled and gently cares my cheeks.

Yugen University - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon