CHAPTER 42

1.4K 46 3
                                    

CHAPTER 42: MONSERUS UNIVERSITY

Ilang minuto pa kami nanatili sa pagkakahiga namin sa damuhan habang pinanunuod ang nagkikislapang mga bituin. Kung minsan ay nagpapatawa si Verux at bigla-bigla na lang nanahimik.

Paghikab ng isa ay sinundan na ito nina Thalia kaya naman tila isang virus na nahawaan kaming lahat kaya naman napagpasyahan naming magpahinga na.

"Fighting!" sigaw ni Verux.

"Ang ingay mo!" bulyaw naman ni Thalia para sawayin si Verux.

Hindi ko alam kung bakit lahat kami ay natawa. Matutulog na lang nagbabangayan pa itong dalawa.

"Goodnight, Love."

"Yieehaaa." Sigaw naman nina Ferux at Chase.

Napakagat ako sa labi para pigilan ang tawa. Alam kong maasar sa akin si Thalia sa oras na tumawa ako.

Maaga kaming nagising at inasikaso ang sarili. Ngayong araw ang alis namin sa loob ng Yugen.

Ramdam ko sa mga kasamahan ko ang pagkabagabag. Hindi man nila sabihin, bakas naman 'yon sa kanilang mga ikinikilos.

Naabutan namin ang ilang mga lalaki sa loob ng safe zone. Isa-isa nila itong dini-disinfect at saka ito babalutan ng makapal na plastic. Maging an gaming mga sandata ay hindi nakaligtas ngunit binigyan kami nito ng permisyon na kami ang magdadala nito at hindi sila.

Isinuot na namin ang mga PPE bago tuluyang lumabas ng safe zone. Muli kong sinulyapan ang loob nito.

Napabutonghininga na lang ako sa isiping, hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako sa lugar na ito.

"Tara na," ani Inara na bahagyang hinila ang braso ko. Hindi lang pala ako ang lumingon sa pinanggalingan namin dahil lahat kami ay nakatingin rito hanggang sa nauna nang naglakad si Chase kasunod ng dalawang tao na hindi namin kilala.

Sumunod lang kami sa kanila hanggang sa makalabas kami sa shortcut. Laking gulat namin nang makita ang lugar.

Ang dating luntiang kapaligiran ay naging tuyot magmula sa damo hanggang sa mga puno.

"Anong nangyari rito?" gulat na tanong ni Verux.

Wala ni isa sa amin ang sumagot dahil mismong kami ay walang eksaktong sagot.

"Bilisan n'yo na, naghihintay na ang sasakyan sa kabilang gate." Kalmadong saway sa amin ni Chase.

"Kabilang gate? Mayro'n no'n?"

Pumantay sa paglalakad ko si Ferux. "Oo, alternative route 'yon kapag hindi p'wedeng daanan ang main gate. Isa pa, baka mas malapit ang daan na 'yon papunta sa venue."

Tumango-tango na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Ang buong akala ko ay alam ko na ang pasikot-sikot sa unibersidad ngunit mukhang nagkamali ako.

Mula sa hindi kalayuan ay kitang-kita namin ang apat na tao na nakasuot ng PPE na may dalang pang-spray. Kahit na natatabingan ng plastic ang paligid malinaw naman na naaninag namin sila. Lumabas ang apat na tao at hinarap kami.

"Huhubarin n'yo ang mga PPE n'yo rito. Wag kayong mag-alala dahil sa loob lang ng unibersidad kayo magsusuot n'yan bilang proteksyon sa inyo." Pumwesto ang apat na lalaki at nag-spray sa amin. Mabilis naming hinubad ang suot naming PPE at pumasok sa kaninang pwesto nong apat. May scanner na bumungad sa amin. Agad na nag-scan si Chase.

Dahan-dahang gumalaw ang sahig. Bumukas ito at nagkaroon ng daanan papunta sa ilalim.

Inutusan kaming i-scan ang marka namin na siya naman naming ginawa. Agad na bumaba kami at sinundan si Chase hanggang sa makakita kami ng liwanag.

Yugen University - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon