CHAPTER 30: BREAKING THE RULES
Hilong-hilo ako nang ako'y magising. Pakiramdam ko ay nakainom ako ng ilang boteng alak. Pilit kong inalala ang nangyari, walang ibang rumihestro sa isip ko kundi ang pagkainis ko kay Chase kahapon.
Dahan-dahan akong nag-asikaso. May pasok pa kami ngayon at bukas ay trabahong Yugen Class na naman ang aasikasuhin namin.
Napagpasyahan kong sa cafeteria na lang mag-almusal kaya naman naligo na ako at nag-ayos ng sarili. Kinuha ko na ang ID at cards ko. Iginala ko ang mata ko sa loob ng silid ko nang mapansin ko ang nakabukas na bintana nito. Hindi naman ito kalakihan pero sapat na kasya ang isang tao na katamtaman ang laki ng katawan.
"Binuksan ko ba ito?" Kunot-noong tanong ko sa sarili ko.
Lumapit ako sa bintana at sinaraduhan ito. Nang ilo-lock ko na ito napansin kong sira maluwag ang turnilyo kaya naman kahit na paulit-ulit itaas ay hindi ito maglo-lock.
Isang matinis na tunog ang nagpapilipit sa akin. Parang tinutusok nito ang aking tenga sa sobrang lakas at sakit. Napapikit na lamang ako at napaluhod. Tila ba bumalik lahat ang nangyari kahapon, napakabilis ng mga pagkilos ngunit isang parte nito ang hindi malinaw. Ang taong nakatayo sa gilid ng kama ko. Nakasuot ito ng putting mask at itim na hoodie jacket. Masasabi kong babae ito dahil sa tindig at umbok sa kanyang dibdib.
"Hindi, panaginip lang 'yon. Panaginip lang." pangungumbinsi ko sa sarili ko. Unti-unti nang nawawala ang matinis na tunog. Pinakalma ko ang sarili ko hanggang sa maramdaman kong kaya ko na kahit na hindi maalis sa isip ko ang nakita ko.
May kalahating oras pa ako para sa unang subject ko. Lumapit ako sa pinto at binuksan ito. Laking gulat ko nang tumambad sa akin ang mukha ni Chase. Base sa mukha niya tila naiinis ito at nagpipigil lang.
"Bakit ba ang tagal mo?" bungad na tanong niya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at saka muling tiningnan ang mukha niya kasabay ng pagtaas ng aking kilay.
"Good Morning," bati ko sa kanya sabay inirapan. Umatras siya nang umabante ako. Tinalikuran ko siya at isinara ang pinto. Matapos kong maisara nilampasan ko siya at nagdire-diretso sa paglalakad.
"Hindi ka pa nag-aalmusal? S-sabi ni Verux doon na lang daw tayo mag-almusal sa dorm nila. Actually, andoon na ang mga pagkain, naroon na rin sina Thalia at Inara."
Hinarap ko siya at nilapitan, ngunit sa aking paglapit siya naman itong naglakad at nilampasan ako. "Kanina pa nila tayo hinihintay." aniya.
Hindi na ako umangal pa, sumunod na lang ako sa kanya. Nang makarating sa silid ng kambal hindi na naman kami nakatakas sa pang-aasar ni Verux. Habang nag-aalmusal nanatili lang akong tahimik at magsasalita lang kapag may itinatanong sila.
Nakikinig lang ako sa usapan nila at nakikiramdam kung kailan ko bang sabihin ang nangyari sa akin kanina. But, hindi ko mabuksan-buksan ang usapan dahil may parte sa akin na isang panaginip lang ito at baka epekto rin siya ng ability na mayroon ako.
Matapos mag-almusal agad akong nagpaalam sa kanila, ilang minuto na lang rin ay magsisimula na ang klase ko.
Pumasok akong nasal abas ang utak. Wala ang pokus ko sa mga lessons at dini-discuss ng professor hindi mawala-wala sa isip ko ang nakita ko kanina. I think, I need to talk about what I have seen earlier.
Nang matapos ang klase ko agad akong pumunta sa opisina para sana kausapin si Thalia o Inara tungkol sa nangyari kanina. Sa kasamaang palad, tanging si Chase lang ang naabutan ko.
Napatingin ito sa akin nang makapasok ako. Sinulyapan lang ako nito at muling ibinalik ang atensyon sa hawak-hawak niyang papel.
"Anong kailangan mo?" tanong nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Yugen University - [COMPLETED]
FantasyIsang kilalang paaralan sa bansa dahil sa magandang kalidad ng kanilang sistema ng edukasyon at dahil sa kanilang Special Class na tinitingala ng lahat. Sila ay hinahangaan at kinaiinggitan ng ilang paaralan, kaya naman pilit itong pinababagsak at h...