CHAPTER 16

2K 82 15
                                    

CHAPTER 16

SHIELD

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog. Matapos kong i-check lahat kung naka-lock ba ang mga bintana at pinto ay kumain ako. Pakiramdam ko ay tatakasan ako ng lakas dahil sa sobrang takot.

Nag-asikaso na ako ng sarili ko. Ang alam ko ay wala kaming pasok ngayon kay Mr. Escletus at Mr. Hayatou. Pahinga ang kailangan namin ngayon matapos ang sunod-sunod na exercise namin. Paglabas ko ng dorm ay agad na bumungad sa akin si Inara.

"Good Morning, Sorin. Nakatulog ka ba ng maayos?" Her sweet smile makes me calm. Nakatulog nga ba ako ng maayos?

"Good morning, Inara. Nakatulog naman kahit papaano." Ngumiti ako sa kanya. Ikinawit na naman niya ang kanyang braso sa braso ko.

"Wala si Mr. Escletus ngayon 'di ba?" tanong niya.

"Oo, magpahinga lang daw muna ang lahat. Relax daw muna ata," natatawa kong sabi. Nasa tapat na kami ng pintuan ni Thalia. Eksakto namang lumabas na si Thalia. Binitawan ako ni Inara at lumapit ito kay Thalia.

"Good Morning, Ate Thalia." Yumakap rito si Inara. Hindi na nakareklamo pa si Thalia. After all, she's soft and kind. Itinatago niya ang tunay na sarili niya sa pagsusungit niya.

"Good Morning, Ladies," bati ni Verux. Isa-isa kaming naghigh-five sa pangunguna ni Verux. Wala nang nagawa ang kakambal niya kundi ang makisabay sa isa niyang kakambal.

"Baby Chase," tawag ni Verux rito. Kalalabas lang niya ay pang-aasar na agad ang sumalubong sa kanya. "Good Morning," bati ni Verux sa kanya at nakipaghigh-five rin.

Napatingin sa akin si Chase. "Good Morning," I mouthed to him. I smiled when he nodded his head. Inakbayan siya ni Verux. Nagtaka naman ako kung bakit napangiwi si Chase.

Katulad ng nakaugalian ng grupo. Mag-aalmusal ulit sa cafeteria. Hindi na naman maawat ang bulungan at ang iba ay pigil ang pagtili nang makita si Chase.

Bitches!

Ang kambal na ang nag-order ng pagkain namin. Ipinadala na lang namin ang cards namin maliban kay Chase na nauna na sa counter.

Naupo si Chase sa harapan ko at parang bata na umiinom ng kape.

"Psst!" sitsit ko kay Chase. Malikot ang mga mata niya at halatang nagmamasid sa karamihan.

"Hoy," tawag kong muli sa kanya. Napatigil siya sa kanyang ginagawa. Tinaasan niya lang ako ng kilay at hindi nagsalita. "Okay ka lang?" mahinang tanong ko sa kanya.

Napaiwas siya ng tingin sa akin at muling sumimsim sa kanyang kape. Dumating na ang kambal dala ang pagkain naming lima. Tumabi sa kanya si Verux at Ferux. Nagsimula na namang mag-ingay ang bunganga ni Verux at kung anu-anong sinasabi. Minsan natatawa kami pero kadalasan may pikon sa amin. Si Thalia.

Napagpasyahan ng grupo na tumambay muna sa field. Panay pang-asar pa rin si Verux kay Thalia sa kung anu-anong bagay.

Naghanap ako ng pwesto na hindi masyadong mainit. Kung sa bagay maaga pa naman at maganda pa ang init nito sa katawan. Isinandal ko ang likod ko sa kasunod nitong baitang at saka ipinatong ang aking mga braso rito. Tinanaw ko ang mga atletang tumatakbo sa field at ilang estudyante na mukhang walang ibang gagawin kundi ang magP.E.

Nahagip ng mga mata ko sina Inara sa ibaba ko. Magkatabi sila ni Ferux at nagtatawanan.

"Malala na ito, halatadong masyado," natatawa kong sabi.

Hinanap ng mata ko sina Thalia na biglang nawala sa likuran ko kanina. Iginala-gala ko pa ang mga mata ko hanggang sa natagpuan nito si Verux na sumisenyas. Nangunot ang noo dahil hindi ko ito maintindihan. Sumenyas ako pabalik. Tawa nang tawa si Verux. Itinuro niya si Thalia na nasa tabi niya tapos tumawa na wala namang tunog.

Yugen University - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon