CHAPTER 50

1.4K 46 3
                                    

CHAPTER 50: HEAL AND SAVE THEM

Sunod-sunod na patalim ang dumako sa direksyon namin. Mabuti na lang at magkakasama kami, kung hindi ay paniguradong uuwi kami ng wala nang malay. Nakapalibot sa amin ang tatlong lalaki at pilit kaming pinoprotektahan. Nasa bisig ko pa rin si Inara na wala nang buhay.

Rinig ko ang mahinang pagmumura ni Verux. Doble ang bilis nito sa bilis niya. Sinasalo niya ito para hindi na tumama sa amin, habang si Ferux ay tinutunaw ang mga ito at si Chase gamit ang isang malakas na hangin ay itinataboy niya ito.

"Aray!"

May isang nakalusot na patalim sa pagitan nina Verux at Ferux. Rinig na rinig ko ang paghabol hininga ni Verux, pagod na ito sa kahuhuli ng mga patalim.

Nakita kong pinunit ni Thalia ang manggas ng jacket, doon tumambad sa akin ang nangingitim na sugat niya sa braso.

"May lason ang mga patalim na 'yan," sigaw ko habang nakatingin sa tatlo. Katulad ito sa akin nangyari sa aking leeg.

"Wag mo akong alalahanin, kaya kong gawin ang ginawa ko sa'yo," aniya.

Napatingin ako sa mga kasamahan ko na nakatayo at halatang pagod na pagod na. Bakas sa pagtaas-baba ng balikat ng kambal ang pagod. Umusog sina Chase at Ferux, sandaling tumago si Verux sa likuran ni Chase para magpahinga muna saglit. Sumingit ako sa pagitan nina Verux at Chase.

"Sorin," tawag sa akin ni Chase at nang lingunin koi to ay nakatingin siya sa akin habang nakakunot ang kanyang noo. Mukhang tutol siya sa ginawa ko.

Nilabas ko ang katana ko at sinalag ang mga paparating na patalim.

"Mukhang bilang ito lahat tayo ay mayro'n nito, tayo ang target ng bawat paparating na patalim, pero dahil sa magkakasama tayo, doble ang bilang nito." Wika ni Chase. Itinaas niya ang isa niyang kamay at lalo pang pinalakas ang hangin kaya naman sa kalahating bahagi namin ay hindi na mahihirapan.

Pabilis nang pabilis ang dating ng mga pataim kaya naman nakakangawit at nakakapagod ang pagwasiwas at pagsalag rito.

"Sorin," Hinila ako ni Verux at siya naman ang pumalit sa pwesto ko.

"Marami pa ba ito? Nakakapagod na ha. Isang araw na lang pero mukhang pahihirapan talaga tayo rito sa loob. Utang na labas!" Reklamo ni Verux.

Napangiwi si Chase nang madaplisan siya sa kanyang balikat.

Hindi maaring wala akong gawin. Hindi pwede.

Umurong ako at lumuhod sa tabi nina Thalia at Inara. Nakatusok ang katana sa aking harapan. Ipinikit ko ang aking mga mata. Huminga ako nang malalim.

Biglang dumilim ang paligid at ilang segundo rin ay napansin ko ang mga patalim na papunta sa akin. Naalala ko na napapaligiran kami nina Chase, Verux at Ferux kaya malabong tumama ito sa akin.

Unti-unti kong nararamdaman ang init sa loob ng aking katawan. Tila ba bumabagal at bumibigat ang mga paparating na mga patalim. Ilang sandali pa ay kita ko na ang mwestra ng katawan nina Chase na nakapalibot sa amin.

Napasinghap ako nang makita ang pagtalsik ng dugo mula sa nilikhang sugat nang nakalusot na patalim sa balikat ni Ferux. Pasin ko ang panghihina nito, wala pa siyang pahinga katulad ni Chase mula noong magdatingan ang mga matatalas na bagay na ito.

Muling pumasok sa isip ko lahat ng nangyari magmula noong pumasok ako sa Yugen University hanggang sa ngayon at kung paano mawalan ng kaibigan.

Ramdam ko ang pagtaas ng init sa dibdib ko, ramdam ko rin ang malakas at mainit na hangin sa paligid ko. Naririnig ko kung paano humugot ng hangin ang kambal at ang pagdaing ni Chase. Unti-unti na silang nanghihina dahil sa sobrang paggamit nila ng kanilang kakayahan. Sa oras na hindi na kaya ng katawan nila ay pwedeng malagay nila ang sarili nila sa alanganin.

Yugen University - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon