CHAPTER 49: LAST CONFESSION
Nagpatuloy kami sa pagtakbo ni Thalia. Pabilis nang pabilis ang pagsunod sa amin ng usok na tila may nagko-kontrol dito.
Panay ang tingin ko sa aking likuran at sa aking paligid, naghahanap ng lugar kung saan maaring dumaan. Lumalaki ang sakop ng usok at malaki na rin ang nasisira nito sa buong kagubatan.
"Sorin, kung iniisip mong nasisira ang kapaligiran, isipin mo na lang nap eke lahat ng ito. Nakita mo naman noong bago tayo pumasok rito." Humahangos na sigaw ni Thalia at patuloy pa rin sa pagtakbo na nasa unahan ko.
Nakaramdam ako ng presensya na hindi katulad ni Thalia, payapa ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko si Thalia at hindi mabigat.
"Thalia, bilisan mo, hindi lang usok ang sumusunod sa atin." Hindi na ito nagsalita. Mas lalo pa nitong binilisan ang pagtakbo at pagtalon sa mga sangang nakaharang sa daanan.
May kung anong matulis na bagay ang naging dahilan ng sugat ko sa pisngi. Ramdam ko ang hapdi at pagdaloy ng dugo nito.
Sunod-sunod na blade ang papunta sa akin. Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko. Sobrang bilis nito at mahirap iwasan. Tiningnan ko ang usok sa likuran ko. Unti-unti itong bumabagal dahil sa kapal nito. Yumuko ako para iwasan ang tatlong blade kaya naman sa puno ito tumusok.
"Sorin," tawag ni Thalia sa akin ng mapansin niyang hindi na ako nakaalis sa aking kinatatayuan. Ramdam ko ang takot niya habang lampas ang tingin sa akin. Muli akong lumingon at ilang metro na lang ang layo nito sa akin.
Dali-dali kong hinugot ang dalawang blade na nakatusok sa katawan ng puno. Mabilis akong tumakbo para lapitan si Thalia. May isang lalaki na nakatayo sa tagiliran niya na may hawak na pana.
Nang ma-estimate ko na sapat na ang distansya ko ay hinagis ko sa ere ang isang blade papunta sa direksyon ng lalaki. Natamaan ng blade na ihinagis ko ang kamay ng lalaki kaya naman nabitawan nito ang hawak na pana at napadaing sa sakit.
Ihinagis ko pa ang isa at tumama ito mismo sa noo ng lalaki na siyang naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.
"Sorin, ang usok," Sigaw ni Thalia. Agad akong dumapa, may ilang pulgada sa ibaba bago ito maabot ang lupa. Hindi naman ganoon kalaki ang katawan ko para maabot ng usok. Agad kong tinakpan ang aking ilong para hindi malanghap ang usok.
Ang problema ko na lang ay kung paano ako makakaalis sa gitna ng lasong usok na ito.
Hiyaw ni Thalia ang narinig ko. Bigla akong kinabahan. Manipis na usok ang naiwan sa ibabaw ko. Pilit kong inabot ang sanga sa kanan ko at unti-unti itong inangat hanggang sa maabot nito ang usok upang matiyak kung may mangyayari ba na kakaiba rito.
Naningkit ang aking mga mata nang pagmasdan koi to, mas mabagal kaysa sa epekto nito kanina. Mabilis kong isinuot ang hoodie ko at saka tumayo. Mainit ang singaw nito sa loob ng aking jacket at ang mata ko ay tila nanlalabo.
Naglakad-lakad ako at sinundan ang makapal na usok. Ang makapal na usok ang mas matinid ang epekto sa nadaraanan nito. Muli, narinig ko ang tili ni Thalia. Napatakbo ako sa kaliwang direksyon dahil doon ko narinig ang sigaw ni Thalia.
Napabuntonghininga ako nang maisip ang kahahantungan ng aking desisyon. Pumikit ako at sinugod ang makapal na usok. Napasigaw ako nang maramdaman ang hapdi sa aking mukha. Hindi ko maimuklat ang aking mata dahil sa sakit na dulot ng lason ng usok.
"Sorin,"
"Kita mo nga naman, may gana ka pang sumugod sa usok na gawa ko para lang iligtas itong mahina mong kaibigan."
Nanatili akong nakapikit at base sa kanyang pananalita ay isa siyang malaking tao.
"Sorin, wag kang magbalajk na kalabanin s'ya. Hindi mo kaya ang katawan n'ya."
BINABASA MO ANG
Yugen University - [COMPLETED]
FantasyIsang kilalang paaralan sa bansa dahil sa magandang kalidad ng kanilang sistema ng edukasyon at dahil sa kanilang Special Class na tinitingala ng lahat. Sila ay hinahangaan at kinaiinggitan ng ilang paaralan, kaya naman pilit itong pinababagsak at h...