CHAPTER 22

1.6K 64 2
                                    

CHAPTER 22: HEAT OF SENSES

Ihip ng malakas ng hangin. Pilantik ng mga sangang nababali. Mga dahong nahuhulog mula sa tuyong puno. Dagundong ng kulog at pagguhit ng kidlat.

Isang muwestra ng lalaking nakatayo sa harapan ng isang bata. Ayon sa pakiramdam ko nag-aalala ang lalaking ito. Sa kabila ng kanyang pag-aalala ay may kaakibat na takot.

"Dito ka lang. Wag na wag kang aalis," bilin nito.

Walang humpay sa pag-iyak ang batang babae habang nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang tenga.

"Papa, si Mama. Si Mama," palahaw ng bata. Humawak ang batang umiiyak sa manggas ng jacket ng kanyang Ama.

"Dito ka lang. Kahit anong mangyari wag kang aalis rito." Niyakap ng lalaki ang batang umiiyak at hinalikan ito sa noo.

Pinaupo ng Ama ang bata sa gitna ng malaking banil. Hindi mahahalata ang bata kung hindi ito lalabas sa pinagtataguan nito.

"Tandaan mo anak, mahal na mahal ka ng Papa." Wika ng lalaki ay muling sinulyapan ang anak bago ito tumayo. Hinubad nito ang kanyang jacket at isinuot sa anak. Nang masiguradong maayos na itong nakasuot ay mangiyak-ngiyak na tiningnan ng lalaki ang bata.

Sumenyas ang ama na huwag maingay. Humakbang ito palayo sa batang impit kung umiyak. Hindi man malinaw ang kanyang mukha ramdam naman ang kalungkutan sa kanyang ikinikilos. Tumalikod na ito at humakbang palayo. Nakakailang hakbang pa lamang ang Ama ay huminto na ito.

Sa kabila ng kanyang paghinto, kasabay nito ang malakas na pagbuhos ng ulan at pagdagundong ng kulog.

"Kahit na anong mangyari, wag na wag mo kaming hahanapin. Ito lang ang paraan para mailigtas ka namin ng Mama mo."

---

Agad akong napamuklat mula sa pagkakahimbing ng tulog. Hindi agad ako nakapagsalita at nakagalaw. Pakiramdam ko ay tatakas ang puso ko sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

Bangungot, isang bangungot. Laking pagtataka ko lang ay ang itsura ng bata. Ang batang nasa panaginip ko ay walang iba kundi ako.

"Masama ba pakiramdam mo?" Napalingon ako kay Inara na biglang nagsalita sa tabi ko. Nakaupo siya at nakasandal sa pader.

Agad akong napabangon nang makita ko kung ano ang nilalaro ni Inara sa kanyang kamay. Katulad ito ng yelo ngunit kulay itim.

"A-ano 'yan?" tanong ko sa kanya.

"My kind of ability. I wonder why its color is crystal black?" Aniya. Titig na titig siya sa kanyang kamay na mayroong yelong itim na hugis parisukat. Sinisipat niya ang bawat kanto ng bagay na nasa kamay niya.

"Kailan mo pa nalaman?" tanong ko muli.

"Matagal na," kaswal niyang sagot. Napatingin ako kay Inara na seryuso ngayon. Kung susuriin ang ugali niya ngayon ay hindi katulad ng dati. Dati ay malambing siya kung titingnan pero ngayon ay iba. Iba ang awra niya.

Walang emosyon ang mukha niya. Tamad ako nitong tiningnan. Agad na pinaglaho ang yelo sa kamay niya. Nagulat ako sa biglang pagbabago niya. Ang kaninang seryuso at parang hindi ko kilala ay bumalik sa dati.

Matamis itong ngumiti. Maya-maya'y hinawakan niya ang noo at leeg ko.

"Wala ka namang lagnat. Ayos ka lang ba?"

Hindi ako maayos. Kanina pa kumikirot ang dibdib ko. Napatingin ako sa pintuang bukas. Maaliwalas na ang labas siguro ay tapos na si Chase maghasik ng kanyang masamang panahon.

Yugen University - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon