CHAPTER 3

3.7K 127 11
                                    

CHAPTER 3: PREPARATION

Maaga kaming nagising ni Inara. May sinag na ng araw kaya pwede nang lumabas, katatapos lang rin ng university alarm. Nagtataka talaga ako kung bakit kailangan hintayin ang sinag ng araw bago lumabas.

Katatapos ko lang mag-ayos ng sarili nang biglang may kumatok sa pinto. Si Inara na ang bumukas at kumausap rito.

"Bontanilla, diretso raw tayo sa gym. Doon na lang daw mag-almusal." aniya.

"Tara na, tapos na rin naman ako mag-ayos," aya ko sa kaniya. Lumabas na kami ng silid. Kapansin-pansin ang tulad namin sa labas ng kanya-kanya nilang silid.

"Alam n'yo ba kung saan ang gym?" tanong ni Inara sa isang babae na may itim na lipstick.

Tinaasan lang siya nito ng kilay habang ngumunguya ng bubblegum.

"Tanga ka ba? Parehas lang tayong bago rito sa campus na ito tapos tatanungin mo ako kung alam ko kung nasaan ang gym na 'yan." mataray na sabi ng babae.

B*tch!

Hinila ko na lang si Inara at inilayo sa babae. Baka magkaroon pa ng gulo, mukha pa namang palaban ang dalawa.

"Bring out your cellphones, kukunin namin 'yan ngayon. Remember, we have rules here." anunsyo ni Hayatou-sensei.

Bumalik ang ilan sa amin sa kanilang silid para kuhanin ang cellphone nila. Hindi na kami bumalik ni Inara dahil nasa bulsa na namin ang aming mga cellphone.

"Sundan n'yo si Chase, ihahatid n'ya kayo papuntang gym," sigaw pa nito bago gumilid at naroon iyong lalaki na nakabangga ko kahapon. Wala pa rin itong emosyon. Tumalikod na ito at nagsimulang maglakad.

Sumunod naman kami sa kanya.

"Talandi naman ng ibang babae dito. Mukha namang hindi sila papansinin nitong Cheers," bulong ni Inara. Napatingin ako sa mga babae na mukhang kilig na kilig kay Chee–Chase.

"Chase not Cheers." I corrected her. Natawa naman siya at napailing.

We're finally here inside the gymnasium of Yugen University. Quite huge Parang one-fourth ng field ang sukat.

"Napansin ko lang parang naging triple ang bilang natin kumpara sa dumating sa atin kahapon. Pansin mo rin ba, Bontanilla?"

Iginala ko ang mata ko. Tama siya, triple ang dami namin ngayon.

"Ang tahimik mo naman, Bontanilla." puna niya sa akin.

"Stop calling my surname. Ang cringe." pagsusungit ko sa kanya. Wala naman akong negative aura sa surname ko pero naiirita ako sa tuwing inuulit-ulit iyon.

"Apelyido lang alam ko sa'yo. Hehehe, Sorry." naiilang niyang sabi.

Napairap ako sa sinabi niya. Akala ko ba alam niya. Hindi naman pala.

"It's Sorin Venix, call me Sorin."

"Okay, Sorin." nginitian niya ako at tsaka niya ikinawit ang kanyang braso sa braso ko.

Hindi ko siya masisisi. Hindi kami nag-usap kagabi dahil tutok siya sa cellphone niya habang ako naman ay sa libro kong dala. Hindi ko alam kung anong oras siya natulog gayong wala namang signal sa loob ng campus.

What's with her? Napaka-friendly naman ata nito.

Katulad nga ng sinabi, dito na kami binigyan ng pagkain. Nang matapos kumain ay tinipon kaming lahat at pinaupo sa sahig.

Hintayin lang daw namin si Hayato-sensei. Si Mr. Hayatou raw kasi ang magbibigay ng instruction at may importante itong sasabihin.

Ilang minuto pa ang itinagal kaya naman nakipagkilala ang iba. Baka raw kasi maging magkaka-klase kami. Nanahimik lang ang gymnasium nang dumating na si Hayatou-sensei kasama iyong si Chase. Hindi lang si Chase may kasama pa itong babae na laging seryuso at dalawang lalaki na halos magkamukha.

Yugen University - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon