CHAPTER 9

2.4K 91 3
                                    

CHAPTER 9: THE INDICATION OF DANGER

Monday, normal na araw mga estudyante. Ngayong araw rin ay makakasalamuha namin ang mga estudyanteng katulad namin ngunit hindi isang Yugen Class A. Sa madaling sabi ay makakasalamuha namin ang mga ordinaryo at iba't ibang estudyante mula sa bang Class.

Hindi ko kasama si Inara ngayong araw dahil iba ang schedule niya sa akin. Bukas ko pa siya makakasama hanggang sa Sabado. Maaga akong nag-asikaso. Hindi na ako nagluto ng almusalan ko. Napagpasyahan kong sa cafeteria na lang ng campus mag-almusal.

Gusto kong maglibot-libot at mapuntahan ng maaga ang unang room na papasukan ko. Kalahating oras na mula nang magpakita si Haring Araw. Malamang ay may mga tao na rin sa loob ng cafeteria.

Tahimik akong naglakad sa pasilyo. Sarado ang kwarto nina Thalia at ng kambal. Napatingin ako sa isang pintuan na nakasara rin. Dalawang hakbang ang layo ko rito bago matapatan ang pintuan niya. Nagulat ako rito nang bigla itong bumukas. Sa tingin ko ay nagulat rin siya sa akin.

Walang imik na lumabas ito at isinara ang kwarto niya. Tiningnan lang niya ako bago ito tumalikod sa akin at naglakad na.

Napangiwi ako dahil sa inasta niya. Balak ko pa namang batiin siya pero binabawi ko na. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at tinahak ang daan papunta ng cafeteria. Nawala na sa paningin ko si Chase. Ang bilis naman niyang maglakad.

Nang makarating ako sa cafeteria, may mangilan-ngilan nang estudyante ang naririto. Nakapila na ang iba at ang iba naman ay nag-uumpisa nang kumain. Pagpasok ko ay parang nasa akin ang spotlight. Lahat sila ay napatingin sa akin.

Parang ginigisa ako ng mga tingin nila. Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na rin ako at pumila.

"Ate, ikaw 'yon. Ikaw 'yong babae na nakulong sa capsule at nawalan ng malay," wika ng isang binatilyo na lumapit sa akin.

Hindi ko alam kung mahihiya ako o ewan. Kaya ba nila ako pinagtitinginan dahil doon? So, kumakalat ang nangyari na 'yon? Tumango na lang ako at matipid na ngumiti.

"Ate, hindi ka dapat pumipila," aniya. Ngayon ko lang napansin na nakatingin pa rin sila sa akin maging ang mga nasa pila. Hinawakan ako ng binatilyo sa braso ko at hinila papunta sa unahan.

"S-salamat," anas ko. Tumango lang siya sa akin at muling bumalik sa mesa niya. Nahagip ng paningin ko si Chase. Umiwas ito ng tingin sa akin nang mapadapo ang tingin ko sa kanya. Tamad na tamad itong kumakain.

Nag-order na ako sa tindera at kaagad naman nitong ibinigay. Inabot ko ang card ko.

"Balance, fifteen thousand and three hundred sixty-five pesos." wika ng tindera at inabot na sa akin ang card ko. Naghanap ako ng mesang bakante. Hindi naman ako nabigo dahil mayroon pang isang mesa na walang nakaupo. Naglakad na ako papunta sa mesa. Tahimik na akong kumain. Pakiramdam ko ay nakatingin pa rin silang lahat sa akin.

"Hello, Ate." bati ng binatilyo. Siya rin iyong binatilyo kanina na humila sa akin sa pila.

"Tanji nga po pala, Ate." pagpapakilala niya. Inalok niya ang kamay niya sa akin. Aabutin ko na sana ito at magpapakilala nang biglang may bumagsak sa mesa. Tamad na umupo si Chase at doon kumain.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Chase. Bakit ba ganito ang ugali niya?

"Kuya Chase, S-sorry. Hehe. Have a great morning, Ate and Kuya." tumayo na ito. "See you around, Ate." wika pa nito at saka nagmamadaling umalis.

"Para saan 'yon, Zemixton?" tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa pagkain. Napairap na lang ako dahil sa inis.

Nawalan tuloy ako ng gana.

Yugen University - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon