CHAPTER 18

2K 72 4
                                    

CHAPTER 18: SHE CAN SEE THE PAST

Pawis na pawis ako habang nagpapahinga, kanina pa ako panay ang suntok sa punching bag. Hindi ko tinitigilan ang pagsuntok at pagsipa rito. Limang araw na rin ang nakalipas magmula noong magsimula kaming mag-training.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos na maisip na may alam na sila sa kakayahan ko samantalang ako ay walang kaalam-alam.

Sa loob ng limang araw iba't ibang sandata na ang nahawakan ko at nariyang ang kambal para tulungan kami sa tamang posisyon at i-discuss kung paraan saan ang mga ito. Kung tutuusin ay ang buong Biyernes at Sabado namin ay doon lang umiikot.

Sa umaga ay sarili namin ang buong classroom. Iba't ibang depensa ang ginagawa namin at sa hapon naman ay ang paggamit ng iba't ibang sandata.

Tila ba bihasa na ang lumang miyembro ng Yugen Class A sa ganito lalong-lalo na si Zemixton.

"Guys, alam n'yo na ba ang sandatang para sa inyo o sa tingin n'yo ay bihasa na kayo?" biglang tanong ni Verux na kapapasok lang ng silid. Kasunod niya ang kambal at si Zemixton.

Hinanap ng mata ko si Thalia ngunit wala ito. Hindi nila kasama. Tumabi sa akin si Inara habang hawak-hawak ang isang dagger at sinisipat ang talim nito.

"Hoy bata, Ibalik mo 'yan do'n. Mamaya sapian ka pa ng masamang espiritu, mapatay mo pa kami," saway ni Verux kay Inara. Sinamaan naman siya ng tingin ni Inara bago napatingin sa akin. Marahan akong tumango hudyat na hindi niya kailangan 'yon habang wala sa training.

Agad na tumayo si Inara at ibinalik ang daggee sa isang mesa kung saan naroon nakalatag ang iba pang sandata.

"Si Ate Thalia nasaan?" tanong ni Inara.

"Susunod na lang daw s'ya," malumanay na sagot ni Ferux.

"Kausapin n'yo nga ang isang 'yon. Namumugto ang kanyang mata no'ng puntahan namin s'ya sa dorm n'ya." Ani Verux.

Umupo ang kambal sa sahig at ginaya ang pagkakaupo ko. Naka-indian sit habang nakatukod ang dalawang kamay sa likuran.

"Chase, dito ka bilis," yaya ni Verux dito. Katulad ni Inara kanina sinisipat niya rin ang talim ng dagger at hinihimas-himas pa.

"Yan ba ang sa'yo, Chase?" tanong ni Ferux. Hindi man lang nag-abala si Chase na lingunin si Ferux. Nanatili ang tingin namin sa kanya habang naghihintay ng sagot.

"Verux, anong sandata ang pinili mo?" Walang emosyong tanong nito.

"Pana pero hindi ko pa gamay. Bakit?" Mabilis na hinagis ni Chase ang dagger mabuti na lang ay mabilis na umiwas si Verux. Tumama lang ito sa foam ng pader.

"Loko ka, Chase. Bakit mo ginawa 'yon? Papatayin mo ba ako?" inis na bulyaw ni Verux. Natawa naman ang kakambal nito kaya naman lalo itong nainis.

"Hindi pana ang kailangan mo kundi ito." muling naghagis si Chase ng kutsilyo. Nagkaroon ng daplis sa damit si Verux dahil sa bilis ng lipad ng kutsilyo. Halos mapatakip naman si Inara sa kanyang mata dahil sa pinaggagawa ni Chase.

"Sa bilis ng tapon ko ng kutsilyo nagawa mo pang makailag. Ang bilis mo ay katulad ng lumilipad na kutsilyo na ihinagis ng kalaban. Kaya mong makapatay ng ilang tao sa isang segundo. Ang kakayahan mo ay kaya makapatay ng sampung tao sa loob ng anim na segundo gamit ang isang 'to," tukoy ni chase sa hawak niyang dagger.

Napanganga ako sa sinasabi ni Chase. May punto siya. Ilang beses ko nang nakita kung paano kumilos ng mabilis si Verux. Kalkulado niya rin ang bawat galaw nito.

"Ikaw Ferux?" baling naman dito ni Chase.

"Sa tingin ko ay sa akin ang pana." sagot ni Ferux. Napatango naman si Chase at naglakad papunta ng mesa. Kinuha niya ang palaso at ang pana. Inabot niya ito kay Ferux. Tumayo si Ferux at agad na inayos ang posisyon. Target niya ang isang manika na palagi naming pinatatamaan kapag oras na namin sa weapons. Hindi naman na iba sa amin ang hawakan ang mga ito dahil lahat kami ay kinakailangang matuto sa paggamit nito.

Yugen University - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon