CHAPTER 33

1.4K 41 5
                                    

CHAPTER 33: MAD ICE

Kasalukuyang nakahilera kami sa tapat ni Mr. Hayatou at Mr. Escletus. Ramdam namin ang hapdi ng aming mga balat dahil sa init ng sikat ng araw na direktang tumatama sa aming balat.

Sa harapan namin ay mayroong isang mahabang mesa na naglalaman ng mga gamit at sandata na pinili naming gamitin sa araw ng labanan.

"Magandang tanghali, Yugens," bati ni Mr. Hayatou.

"Magandang tanghali, Sensei," sabay-sabay naming bati at yumuko bilang paggalang sa kanilang dalawa ni Mr. Escletus.

"Ang mga gamit na nakikita n'yo sa inyong harapan ay ang mga gagamitin n'yo sa araw na ito at sa araw ng pagtutuos." Panimula ni Mr. Escletus. Lahat kami napatingin sa mesa. Nakikita ko na ang tunay na katana na mayroong pulang palawit sa hawakan nito.

"Ibig sabihin ba Mr. Escletus ang pagsasanay naming ngayon araw ay gagamitin namin ang mga sandata na 'yan?" Itinuro ni Inara ang mga sandata sa ibabaw ng mesa.

Tumango naman si Mr. Hayatou, ganoon rin si Mr. Escletus.

Lumapit si Mr. Escletus sa mesa at kinuha ang mga supot na naglalaman ng itim na tela. Isa-isa niya itong ibinigay sa amin.

Sabay-sabay naming inalis sa supot ang tela at tumambad sa amin ang isang itim na jacket na mayroong logo ng Yugen University sa kaliwang dibdib. Habang ang pang ibaba ay isang simpleng jogging pants lamang ngunit babagay sa hoodie jacket na katerno nito.

"Yan ang magsisilbing uniporme ninyo sa araw ng battle. Siguro naman lahat ay mayroong uniporme kaya ipinagpagawa na namin kayo." Ngumiti si Mr. Hayatou at tumapat sa mga sandata.

"Ang mga sandatang ito ang s'yang magiging saksi ng pagdanak ng dugo sa araw na itinakda."

Ang kaninang nakangiti ay napalitan ng lungkot.

"Maari n'yo nang kunin ang mga sandata n'yo" utos ni Mr. Escletus.

Lumapit na kami at dinampot ang mga sandata. Wala man akong kaagaw ay agad kong kinuha ang katana. Tumingin ako kay Mr. Hayatou, nakatingin lang ito sa ibaba at tila itinatago ang lungkot sa kanyang mukha.

"Baka p'wede man masuot itong uniform. Ang ganda kaya." Pahaging ni Verux.

"Oo nga, sayang naman kung sa mismong araw pa namin isusuot saka para makita na rin namin kung bagay ba sa amin." gatong pa ni Ferux.

Wala nang nagawa pa sina Mr. Hayatou at Mr. Escletus. Pumayag na itong isuot namin ang jacket at pants na magsisilbing uniporme namin. Matapos magbihis ay agad kaming humilera sa harapan ng dalawang nag-uusap na guro namin. Base sa aking pakiramdam labag sa kalooban ni Mr. Hayatou ang gagawin naming ito.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at sa kakayahan ko. Ilang araw na rin akong binabagabag nito. Sa tuwing nakakaharap ko ang isang tao at napapansin ang mga ekspersyon ng kanilang mukha ay para iting kuryente na kokonekta sa akin at doon ko na lang malalaman kung ano ang nararamdaman nila.

"Handa na ba kayo?" Biglang sigaw ni Mr. Hayatou.

"Hai!" Sabay-sabay naming sagot. Isa lang ang tatandaan nyo sa labanang ito, NO KILLING! Sa araw na ito pansamantalang magiging magkaka-kalaban kayo at dahil isang team kayo sa aktwal na labanan mahigpit naming ipinagbabawal na patayin nyo ang isat isa."

Habang nagpapaalala si Mr. Hayatou pansamantalang umalis si Mr. Escletus at may kinuha na isang supot. Muling bumalik si Mr. Escletus sa tabi ni Mr. Hayatou. Inalis niya ang bagay sa supot at base sa tunog nito ay binuksan niya ito.

"Hindi pa dapat ngayon ang araw na gagamitin natin ito pero dahil gusto nyong subukan ang uniporme nyo sa tingin ko ay kailangan na rin iting masubukan. Ang uniporme nyo ay may nakakabit na Body Monitoring Device. Mula sa jacket hanggang sa pantalon n'yo ay mayroon nito para magkaroon kami ng dahilan at koneksyon sa lagay ng katawan ninyo. Paliwanag ni Mr. Hayatou.

Yugen University - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon