CHAPTER 36: THE SNOW WHO STOLE THE NOTE
Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog. Masinsinang nangpalitan kami ng mga saloobin namin sa nakuha namin mula sa mga kalaban. Mula nang makarating kami sa silid ko ay hindi muna kami natulog dahil sa iba't ibang teoyang nabuo namin.
Sa huli, iisa lang ang napansin namin.Lahat ng nasa listahan ay ang mga pangalan staff at estudyante ng unibersidad ngunit may isa itong kulang na pahina. Isa pang ikinakabagabag ko ay ang pananahimik ni Thalia magmula nang nangyari sa abandonadong lugar. Malimit lang ito kung magsalita at tatango na lang bilang pagsang-ayon sa usapan namin.
Ilang minuto pang akong nahiga bago napagpasyahang bumangon at magluto ng almusalan. Wala na sila mukhang iniwan nila akong natutulog at hindi na nagpaalam pa.
Lumabas ako sa kwarto at dumiretso sa kusina. Laking gulat ko nang mayroong isang supot sa ibabaw ng lababo. Binuklat ko ang supot at bumungad sa akin ang iba't ibang flavor ng noodles. Isa-isa kong inilabas ang noodles at inilagay sa cabinet. nang ililigpit ko na ang plastic ay may nakita akong sticky notes sa ilalim nito.
Sa opisina
– ZC
Dali-dali akong nagpainit ng tubig at nagluto ng noodles. Halos naubos nila ang noodles sa cabinet ko sa mahigit na dalawang gabi na pamamalagi nila rito sa loob ng silid ko.
Nang maluto ay agad ko itong kinain. Dali-dali akong naligo at nagbihis.
Dumiretso agad ako sa opisina. Agad kong ini-scan ang sarili simbolo sa pulsuhan ko. Ilanga raw na ring hindi kami nakakabisita rito."Good morning," bati ko sa kanilang lahat. Si Inara at ako na lang ang wala.
Chase turn his gaze on me. "Let's start," Aniya.
"Teka nasaan si Inara?" tanong ko nang makaupo ako sa tabi ni Thalia.
"Masama raw ang pakiramdam." Sagot ni Ferux.
"Binigyan mo na ba ng gamot si Inara?" tanong ko kay Thalia. Tiningnan lang ako nito at hindi sumagot. Napansin ko ang makapal na gloves nito habang nakasalikop ang kanyang mga kamay sa dibdib. Pekeng umubo si Chase para kunin ang atensyon namin.
"Gusto ko lang sabihin sa inyo na, wala akong balak sabihin ito kay Mr. Hayatou." Seryuso niyang sabi. "Teka, hindi ba't..."
"Safe na dito, Sorin. Lahat ng sulok ay tiningnan na namin bago pa magdesisyon na dito na lang ulit tayo mag-usap. Lalo tayong paghihinalaan ni Mr. Hayatou sa ginagawa natin kapag sa mga dorm natin tayo nag-usap." Putol sa akin ni Verux.
Hindi na ako nagsalita pa matapos masagot ni Verux ang katanungan ko sa utak."Ayaw kong ni-isa sa inyo ang magsumbong, do you know why? I can't trust him for now. Oo, matagal ko na s'yang kasama pero hind ibig sabihin no'n ay hindi na s'ya magbabago. Ang tao nagbabago araw-araw depende sa nararamdaman n'ya." Nanahimik lang kami at nakinig sa kanya. Nasa katawan niya ngayon at pag-uugali ang pagiging leader kaya naman nakakatakot itong baliktarin.
"As you can see, there are dates indicated besides our names at ang date na 'yon ay araw ng battle. Kagabi nasabi nating maaring tayo ang target, well, hindi na ako magugulat dahil sa nangyayari sa University ngayon. So, we need to be aware, maaring mabago ang nakalagay rito lalo na't alam ng kalaban natin na nasa atin ang listahan nila. Hanggat maari ay kailangan nating tingnan at protektahan ang isa't isa."
Matapos ng usapan namin ay napagpasyahan naming kumain muna. Nagpresenta si Verux na siya na ang bibili ng pakain namin. Sumunod naman si Chase rito dala-dala ang envelope na naglalaman ng kwaderno at mapa na nakuha namin kagabi.
Sabay na dumating sina Verux at Chase dala-dala ang aming pagkain. Habang nagkakain ay mayroon akong naalala.
"Salamat po sa nag-donate ng noodles," pagpaparinig ko.
BINABASA MO ANG
Yugen University - [COMPLETED]
FantasyIsang kilalang paaralan sa bansa dahil sa magandang kalidad ng kanilang sistema ng edukasyon at dahil sa kanilang Special Class na tinitingala ng lahat. Sila ay hinahangaan at kinaiinggitan ng ilang paaralan, kaya naman pilit itong pinababagsak at h...