CHAPTER 24

1.7K 72 4
                                    

CHAPTER 24: WORRIED BEAST

Isang linggo halos hindi kami nagkikita-kita ng Yugen Class A. Ibinigay sa amin nina Mr. Hayatou at Mr. Escletus ang isang linggo para bigyan ng atensyon ang academic namin.

Ngayong linggo ay examination namin. Ang schedule ng Class A na katulad ko ay whole day mag-exam para matapos ng dalawang araw ang subjects na pinapasukan ko. The remaining three days ay mukhang magiging preparasyon namin iyon para sa foundation day.

Last day na ng exam ko ngayo pero mukhang aabutin ako ng four thirty ng hapon dahil sa rami ng sasagutan at mga ipinapahabol na output.

"Sorin," tawag ni Verux sa hindi kalayuan. Tumakbo ito para makalapit agad sa akin.

"Anong schedule mo ngayon?" tanong niya.

"Philosophy and World literature. Medyo masakit sa ulo dahil nagsabay pa silang dalawa," sagot ko sa kanya.

Inakbayan niya ako. Hindi naman na ako umarte pa dahil madalas niya itong ginagawa hindi lang sa akin kundi pati na rin kina Inara at Thalia.

"Ala una pa naman ang exam mo. Sabay-sabay na tayo kumain. Nasa cafeteria na sila." aniya. Tiningnan ko siya. Malapad itong nakangiti.

Nagsimula na siyang humakbang kaya naman nahila niua ako. Wala na akong nagawa kundi ang sumabay sa kanya. Inalis na niya ang pagkaka-akbay sa akin.

Nakita ko namang nasa isang sulok na sina Inara at Thalia. Habang tamad na tinitingnan ni Chase ang pagkain na nasa harapan niya. Si Ferux naman ay parang may hinahanap.

"Hey," ani Ferux nang makita ako. Nginitian ko lang siya. Gumilid siya para bigyan ako ng upuan.

"Order lang ako ng makakain." paalam ko sa kanila at akmang tatayo na ako ay nagsalita si Chase.

"Umupo ka na at kumain," malamig ang tono ng kanyang pananalita.

Sumenyas si Verux na umupo na ako ng maayos.

"Anong mayro'n?" tanong ni Thalia.

"Malapit na raw kasi matapos exam natin ngayon kaya kailangan kumain tayo ng marami. Para maramung tamang sagot rin ang makuha natin mamaya," sabi ni Ferux na kasalukuyang kumukuha ng pagkain.

Hindi na ako umimik. Lahat ng pagkain na kinakain namin ay narito sa hapag.

"Ate Sorin, bakit parang namamalat boses mo kanina pagsalita mo?" usisa ni Inara.

Namamalat talaga ang boses ko noong linggo pa. Mabuti nga ay hindi tumutulo ang sipon ko katulad kahapon.

"Baka nanibago lang ako sa panahon," palusot ko.

Apat na araw nang masama ang pakiramdam ko ngunit pilit ko pa rin iginagalaw ang sarili ko. Wala namang tutulong sa akin kundi ang sarili ko lang. Patuloy lang akong manghihina kung hihilata lang ako. Isa pa, examination ngayon kaya kailangang pilitin ko ang sarili ko.

"Kumusta ang exams n'yo?" masayang tanong ni Verux.

"Ang hirap no'ng akin pero nakakayanan naman. Sure naman akong may tama ako do'n," ani Inara. Natawa naman kami sa sinabi niya. Hindi mi alam kung okay oa ba siya dahil sa itsura niya.

"Yung akin ngayon medyo mahirap, Philosophy kasi tapos World Literature." wika ko. Napasipol naman ang kambal.

"Mabigat nga 'yan. Nakakalito." puna ni Verux.

"Kaya mo' yan. Ikaw pa!" ani Thalia.

"Whoa! She's really good now. Hindi na siya tahimik and I can feel siya na ang Thalia na naabutan ko dito sa Yugen.

Yugen University - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon