CHAPTER 10

2.2K 83 3
                                    

CHAPTER 10: THE GOVERNMENT

Sa gitna ng kumpulan habang nakatingin sa binatilyong nakabitin ang katawan may biglang humawak sa kamay ko at kinaladkad ako nito palayo sa karamihan.

"Chase," tawag ko sa kanya. Dinala niya ako kung nasaan sina Thalia.
Binitawan niya ang kamay ako. Napahawak siya sa bewang niya at humahangos pa ito. Hinayaan lang muna namin siya makabawi ng hangin. Sa tingin namin ay tumakbo siya nang tumakbo.

"Damn it! I thought I lose you," sigaw niya. Ako ba ang tinutukoy niya? Tahimik lang ang mga kasama ko. "Simula ngayon, maghihiwa-hiwalay lang tayo kapag babalik sa kanya-kanyang silid. Naintindihan n'yo?"

Nalilito man ay tumango na lang rin ako katulad ng mga kasama ko.

"Tara sa opisina. May mahalaga akong sasabihin sa inyo." Nauna na siyang maglakad kaya sumunod na kami. Tahimik naming tinahak ang pasilyo papunta ng Yugen Class A building. Sa opisina.

"He's worried. Don't mind him." biglang sabi ni vErux na tumabi sa akin. Tumingin ako sa kanya. Seryuso lang ang mukha niya habang iretsong nakatingin kay Chase.

"Ano ba ang nangyari kung bakit nagkaganyan s'ya?" Mahinang tanong ko kay Verux. Tiningnan ako nito sandal at muli ring ibinalik ang atensyon sa daan.

"Nawala ka bigla. Nakasunod ka lang sa amin kanina ngunit nawala ka sa paningin namin. Si Inara, hindi ka mahanap. Pinilit pasukin ni Chase ang kumpol. Wala s'yang pakialam kung makakasakit na ba s'ya sa ginagawa n'ya o hindi," paliwanag ni Verux.

"Nando'n lang naman ako. Oo no'ng una ay katabi ko sina Inara at Thalia pero dumami lalo 'yong mga estudyante at nagtulakan hanggang sa napahiwalay ako sa kanila. Napunta ako sa unahan kung saan kitang-kita ng dalawang," Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil pinutol agad ni ito ni Verux.

"Hayaan mo na muna lumamig ang ulo n'ya. Medyo nagalit din, e. Pasensya ka na. He doesn't want to lose another member," wika ni Verux.

Napalingon ako sa kanya. Ganoon pa rin siya, nakatingin lang sa unahan habang naglalakad.

Chase doesn't want to lose another member?

Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Nakarating kami sa building nang walang imikan. Isa-isa naming in-scan ang ID at marka namin sa pulso.

Pabagsak na umupo si Chase. Rinig naming lahat at pagbuntonghininga niya. Napasabunot pa ito sa kanyang buhok dahil sa inis.

"Chase, anong nangyari kanina? Bakit may gano'ng eksena sa ibaba?" Tanong ni Thalia.

"Nagsisimula na naman sila," Inis na sabi niya. His fist clenched because of anger.

"Mahigit dalawang taon na tayo rito. Wala tayong nakukuhang lead. Wala ni-isa sa atin ang nakakaalam kung sino sila at ano sila." Giit ni Ferux.

Nagpalipat-lipat lang ang tingin namin ni Inara sa apat. Wala kaming ideya tungkol sa sinsabi nilang apat. And then, they paused for a few seconds. Now, their gaze was on us.

"It's time to tell what Yugens does. What was the real Yugens." suhestyon sabi ni Ferux.

Malakas na hinampas ni Chase ang mesa. "I don't want them to get in trouble. I don't want... ayoko nang ma-involve pa sila rito," sigaw ni Chase.

Nagulat ako nang biglang mamuo ang tila isang hamog sa paanan naming lahat. Unti-unti itong tumataas sa binti namin. Nanlaki ang mata ko dahil sa nasasaksihan ko.

"Tanga ka ba, Chase? The moment they are in this class. Being a member of Yugen Class A, they are involved here. They need to know what are we. They need to know what was the mission of this class." inis na bulyaw rito ni Ferux.

Yugen University - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon