21

10 0 0
                                    

Maaga akong nagising dahil sa ingay nina Via. Umagang umaga ang lakas ng sounds sa bahay, bulabog pati kapit bahay.

Nagunat muna ako bago pumunta sa banyo para maligo. Sinuot ko ang uniform ko saka bumaba ng sala. Naabutan ko sa sala si Vian na nagsusuot ng sapatos.

"Good morning." nakangising bati niya sakin

Tinanguan ko lang siya saka ako dumiretso sa kusina. Nagluluto si Devi ng almusal kaya naupo na ako sa upuan. Nauna na akong kumain para maaga akong makapunta sa school.

"Aalis ka na?" Devi asked

"Hindi ba obvious?"

"Aga naman. Excited ka siguro no?"

"Ang aga aga ang ingay mo." sabi ko

Tinalikuran ko na siya. Lumabas ako saka sumakay sa kotse ko. Pinaharurot ko ang koste. At dahil malapit lang ang school mabilis akong nakarating don. Kailangan ko pang pumunta sa Dean's Office para makuha ang schedule ko. Pagkababa ko dumating na rin ang iba. Sumenyas ako na mauuna na ako sakanila.

Pagkapasok ko palang ramdam ko na ang mga tingin sakin ng estudyante. Nagbubulungan pa.  Ngumiwi ako, ang daming chismosa.

"Good morning Miss Sedilla. Pleasure to meet you." nakangiting bati ni Klea

"Come on Vargas, stop it."

Tumawa siya kaya napangiwi ako.. Nagsimula na kaming maglakas papunta sa Dean's Office. Klea is my cousin. Secretary siya ng Dean ng school at ang Dean ng school ay tita ko. Vanessa Borne.

"How are you?" she asked

"Fine."

"I see. Same old habits huh?" natatawang tanong niya

"So?"

"Cute."

"I know." I smirked

Umacting siyang parang anduduwal kaya nahampas ko siya. Himas himas niya ang braso niya ng papasok kami ng Dean's Office.

"Good morning!" bati ni Klea

"Oh, Venice?"

Tumayo si Tita saka ako sinalubong ng yakap. Palihim akong napangiti. Ahh, i missed her. Kumalas siya sa yakap saka ngumiti sakin.

"It's been a while, princess." nakangiting sabi niya

"I'm not a fucking princess anymore."

"Yeah yeah, I know." tumawa siya "Sit down."

Binigay niya sakin ang schedule ko at ang id ko. Sedilla ang ginamit kong apelyido para wala akong hadlang sa pagkilos laban sa mga Fuentes. Nagsidatingan ang iba pata kunin ang id nila. Nauna akong lumabas ng office. Tinignan ko ang schedule ko. English ang first class ko kaya pumunta ako sa second floor ng building na kaharap ng DO.

Hinarang ako ng isang grupo ng babae kaya napahinto ako. Nakita ko si Ava na nangisi sa'kin. Start na ba ang laro?

"Hi there transferee. Welcome to my kingdom."

Tinignan ko lang siya. Alexa Fuentes.

"Pipi ka ba?" natatawang tanong niya

"No."

"Is that so? Bakit di ka sumasagot? Hindi ka ba tinuruan ng magulang mong rumespeto sa mas nakakataas sayo?"

Don't you dare bring up my parents.

"Nakakataas?" I sarcastically smiled

"I'm the queen here." maarteng sabi niya

"As if I care."

Bababaka rin sa trono mo.

Nagsalubong ang kilay niya kaya nginisian ko siya. Pinanood ko ang unti unti niyang paglapit sa kin. Hindi naman ako natinag. I crossed my arms.

"Baguhan ka lang, hindi mo lang kung ano ang kaya kong gawin sayo." nakangising sabi niya

"Hindi mo rin alam ang kaya kong gawin sayo."

"Oh! I'm scared! Is that a threat?" natatawang sabi niya

"No. That's a warning."

Tinalikuran ko na siya. Nagsimula akong maglakad para umalis na at hanapin ang room ko. Rinig ko ang mga mabibilis na yabag niya papalapit sa kin.

"HEY! WE'RE NOT YET DONE!" sigaw niya

Naramdaman kong susugod siya sakin kaya iniiwas ko ang sarili ko. Ayon! Dapa sa sahig. Nakapalibot na rin samin ang ibang estudyante.

"Transferee? Shit baka kung ano gawin sakanya ni Alexa."

"Oo nga, ginalit pa naman niya."

I smirked when I heard that. Ang kapal ng mukha ng Fuentes na to para maghari harian sa teritoryo ko.

"DAMN YOU!"

"Thank you for your warm welcome Fuentes. Nagkita rin tayo sa wakas." nakangising sabi ko

"What do you mean?Who are you?!"

"I'm your fucking grim reaper. Gotta go, fix yourself you like a trash."

Iniwan ko na sila doon. Nakasalubong ko si Via na nakangiti sakin.

"Wow, nice scene." si Via

"She started it."

"HAHAHAHAHA ang galing mo doon ah?"

"I know."

"Yabang talaga."

Nginisian ko lang siya. Sabay sabay naming hinanap ang room namin, magkakapareho ang schedule namin.

"Where's Konan?" I asked

"He's with Zach. You know, girl hunting." sagot ni Kacie

"Eh ba't nandito yan?" turo ko kay Ivan

"Baka mapatay ko siya kapag sumama siya."

"Scary." I  sarcastically said

Natawa si Kacie kaya tinap niya ang balikat ko. Nandito kami ngayon nakaupo sa likurang bahagi ng room. Napapagitnaan ako  ni Via at Vian. Natahimik ang paligid ng dumating ang grupo ni Alexa.

Nilibot niya ang tingin niya, nahagip ng tingin niya sina Via at Vian na nakangisi sakanya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya.

"Hey, Lexa what happened to you?" rinig kong tanong ng kasama niya

Hindi sumagot si Alexa, nanatili ang tingin niya sa mga kapatid ko. Dahan dahan akong tumayo, nilagay ko sa bulsa ko ang kamay ko saka siya nginisian.

"Suprised?" natatawang sabi ko

"You.."

"Nakakita ka ba ng multo?" tanong ko

"How..."

Ngumisi ako.

"Let the game begin."

Chasing the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon