Pumasok ako sa kwarto na sinasabi ni Tita. Agad naman akong humiga doon. Inilibot ko ang pangin ko sa kabuan ng kwarto habang nakahiga ako. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Hinndi ko idinilat ang mga mata ko, hinayaang ko siyang maupo sa dulo ng kamang hinihigaan ko.
"Tired huh?"
"Yeah." I answered
"Get up."
Hindi ako sumunod sakanya kaya tinapik niya ang paa ko. Dumilat ako saka tumingin ng masama sakanya. Tinaas niya ang kilay niya. Umayos ako ng upo saka huminga ng malalim.
"Sabi ng mga kapatid mo magdamag kang tulog sa biyahe."
"Eh sa inaantok ako anong magagawa ko?" taas kilay na tanong ko
"Gervacio ka ngang talaga, so rude." natatawang sabi niya
"Atleast hindi nila iisiping ampon ako."
lagi nilang napupuna na hindi ko kamukha ang mommy at daddy ko, pati rin ang mga kapatid ko. Iniisip nila na baka ampon raw ako o hindi kaya anak sa labas. Marami ring nagsasabing nasa akin ang mga katangiang meron ang Pamilya Sedilla at Gervacio. Natawa naman si Tita sa sinabi ko.
"Anyways, are you ready?"
"As always."
"Stop being arrogant, Gervacio." ngumiwi siya
"I'm not. I'm just saying the truth, Mrs. Carmina Sedilla Villaloreal."
Napailing nalang siya sa sinabi ko. Suko na siya, wala siyang magagawa."
" Konan is planning to join that training too."
Tumango ako saka humiga. " Good for him."
Nakangiti siyang tumayo saka lumapit sa pinto.
"Bumaba ka maya maya, kakain tayo."
Tinanguan ko siya at agnon din siya sakin. Kinuha ko ang phone ko na nasa side table. Tinignan ko ang chat box namin ni Oreo na wala paring reply hangganng ngayon.
Ako:
Eat.
Tumingin ako sa kisame saka nagisip kung anong pwedeng mangyari bukas. Simula na ng training, ano kayang mangayayari? kakayanin ko kaya? May parte saking kinakabahan at natatakot. Sigurado naman akong hindi ako kinakabahan sa training at mas lalong hindi ako natatakot sa kung ano ppwedeng mangyari bukas. Ang bigat sa pakiramdam, hindi ko maipaliwanag.
Malkas na katok nakapabangon sakin dahil sa gulat.
"Kakain na!!!" sigaw ni Via
lintek sa kaepalan.
tumayo ako saka lumabas. Malaki ang ngiti ni Via sakin pero nilagpasan ko siya. Tumabi ako kay Vian na busy sa pagcellphone. Kaharap ko ngayoon si pesteng Konan na ngiting ngiti. Umiwas ako ng tingin.
"Let's eat." si Tita
Naunang kumuha sina Tito Zandro at Tita Carmina, sumunod yung tatlo. Pinauna ko sila para di hassle sa pagkuha kung sabay sabay. Kumuha ako ng kaunting kanin at ulam. Susubo na sana ako ng mapansin kong natigil sa pagkain si Via at titig na titig sakin. Binaba ko ang kutsara at tinidor ko saka sumandal sa upuan.
"Taste it." nakangiting sabi niya
" I lost my appetite." umiling ako
"Sige na please."
Tumaas ang kilay ko nang magpuppy eyes si Via. Nandidiri ako sa totoo lang, hindi na bagay sa edad niya ang magpuppy eyes, nakakasuka.
Napilitan akong sumubo ng pagkain saka sumandal ulit.
" Anong lasa?" nangiting tanong ni Via
"Lasang Kaldereta."
Sinamaan ako ng tingin ni Via kaya napangiwi ako.
"Lintek na panlasa mo nga naman oo."
"Tinatanong mo kung ano lasa hindi ba?" taas kilay na tanong ko. "Sumagot lang ako ng maayos."
Inirapan niya ako kaya palihim akong napangisi.
Nakapangbwisit din sa wakas.
BINABASA MO ANG
Chasing the Sun
Non-FictionVenice Aryn Gervacio, she was known for being rude and disrespectful. She's goddamn good at fights too. It runs in their blood. Her parents were killed for unknown reasons. So, she came back for her revenge. She didn't know that her ex is connected...