Naghahanda ang lahat dahil pupunta kami sa birthday ni Hunter. KUng hindi pa ako sinabihan baka nakalimutan ko na. Masyado akong busy dahil sa paglilipat ng pera sa account ko, pati na rin ang mga mana na sinasabi nila. Nagsuot lang ako ng jeans saka ako nag oversized t-shirt. Pagbaba ko lahat sila takang tumingin sa akin.
"Bakit ganyan suot mo?" takang tanong ni Via
"I hate dresses, heels, make ups and whatever." I said
"Same old crazy brat."
Nauna na akong pumunta sa van. Ang tagal nilang makapasok dahil naguusap usap pa sila tungkol sa kung ano anong anik. Ang iingay nila. Nakarating naman kami agad sa bahay nina Nari, dinner lang kasama kami dahil mas gusto niyang simple lang. Nandito na kami't lahat wala paring humpay ang ingay nila. Iniwan ko na sila. Nagpauna na ako pumasok saka hinanap si Hunter.
Iginaya ako ng maids papunta sa garden dahil nandoon daw sila. Nginitian ko sila saka ako nagpasalamat. Nang makita ako ni Nari agad niya akong itinuro sa anak niyang busy sa pagkain ng chocolate cake. Nang makita ako ni Hunter, dahan dahan siyang bumaba ng bangko saka tumakbo papalapit sa akin. Muntik pang madapa buti nalang at malapit na siya saakin kaya nahawak ko siya agad.
"Tita-Ninang!" masayang bati niya saakin
Niyakap niya ang legs ko kaya umupo na ako para magpantay ang tingin namin. Ngumiti ako sakanya saka ginulo ang buhok niya.
"Happy birthday baby boy." nakangiting sabi ko
Yumakap siya sa akin. Lalong lumaki ang ngiti ko dahil parang ang saya saya niyang nakita niya ako ulit ngayon. Nahagip ng tingin ko si Nari na masayang nakatingin sa amin. Binelatan niya ako dahilan para mapangiwi ako. Tumawa naman siya kaya inirapan ko siya.
"Thank you. Hunter is happy!" sabi ni Hunter
Kumalas siya sa yakap kaya hinawakan ko ang pisngi niya. He's crying.
"Bakit ka umiiyak?" I asked
"Happy!"
Pinunas niya ang mga luha niya na walang awat na bumabagsak. Napangiti ako. He's so innocent. Pinunasan ko ang pisngi niya kaya yumakap nanaman siya sa akin. Lumapit si Nari saamin kaya napatingin ako sakanya.
"Miss ka na raw niya at ngayon lang siya magbbirthday na nandito ka." she said while smiling
"Really?"
"Really."
Umingay lalo ng dumating sina Via. Nakayakap parin sa akin si Hunter kaya binuhat ko na lang siya. Naririnig ko parin ang mahinang pagiyak niya kaya hinahaplos ko ang ulo niya. Lumapit si Via sa amin kaya napaharap sakanya si Hunter. Ngumiti si Hunter kina Via saka muling yumakap sa akin.
"How old is he?" Vian asked
"3." I answered
"He's smart. Madali niyang nakukuha ang sinasabi natin. Ngumingiti din, ang cute niya." si Via
"Mana raw sa daddy." nakangising sabi ko saka tumingin kay Nari
Sinamaan niya ako ng tingin pero nginisian ko lang siya. Pumunta kami sa table na inihanda nila. Karga ko parin si Hunter.
"Hunter baby, wag na magpakarga." si Nari
Umiling si Hunter kaya tinignan ko si Nari. Sinabi kong ayos lang. Nagsshare kami ni Hunter ng pagkain kaya tuwang tuwa siya. Pagkatapos kong kumain binigay ko muna kay Nari si Hunter dahil may naiwan ako sa kotse. Iiyak pa sana si Hunter ng sabihin ko na babalik din ako agad.

BINABASA MO ANG
Chasing the Sun
Non-FictionVenice Aryn Gervacio, she was known for being rude and disrespectful. She's goddamn good at fights too. It runs in their blood. Her parents were killed for unknown reasons. So, she came back for her revenge. She didn't know that her ex is connected...