"Ginagawa mo?" Devi asked
"Hulaan mo."
Pinalo niya ang braso ko kaya inis ko siyang binalingan.
"Sasagot ka ba ng maayos o hindi?" inis na tanong niya
"O."
Iniwan ko siya sa sala at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Napansin ko si Kacie na nasa high chair at busy sa pagkain niya. Nakangiti siyang nakatingin sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Akala ko beer nanaman gagawin mong panulak."
Binalik ko ang mineral water na kinuha ko saka siya hinarap.
"Pwede rin. Basta ba itutulak kita sa veranda."
Inismiran niya lang ako saka tinulak paalis ng kusina. Nakasalubong ako ng kasambahay kaya napatigil siya at nagaalangang inabot saakin ang telepono.
"Ma'am, may naghahanap po kay ma'am Via kaso wala ho siya."
"Bakit raw?"
"Hindi ko po alam. Importante raw ho."
Inabot niya sa'kin ang telepono kaya sinenyesan ko siyang umalis na.
"Ye?"
"Ms. Via Anne Gervacio?"
Sino kaya 'to?
"Yes, speaking." sagot ko
"Good day! Tapos na ho ang pinapatrabaho niyo sa akin."
Pinapatrabaho?
Biglang pumasok si Via kaya taka niya akong tinignan nang makita niyang nakatingin ako sakanya. Dahan dahan siyang lumapit saakin. Nanatili ang tingin ko sakanya.
"Anong pinatrabaho ni Via?"
Nanlaki ang mata ni Via at pilit inaabot ang teleponong hawak ko. Naglakad ako pabalik ng kusina kayab mabilis naman siyang nakasunod.
"Hey!"
Inirapan ko siya sakaa muling inilagay ang telepono sa tenga ko.
"I'm asking you."
"Eh ma'am naman. Hindi pwedeng ipaalam sabi ni ma'am Via."
"Sasagot ka ba o gagawin kitang mannequin?" inis na tanong ko
"Ma'am naman.."
Kinalabit ako ni Via kaya inis ko siyang binalingan. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa inis.

BINABASA MO ANG
Chasing the Sun
No FicciónVenice Aryn Gervacio, she was known for being rude and disrespectful. She's goddamn good at fights too. It runs in their blood. Her parents were killed for unknown reasons. So, she came back for her revenge. She didn't know that her ex is connected...