Tatlong araw makalipas ang panloloob sa bahay namin na gawa ng mga Fuentes hindi maayos ang tulog naming lahat sa di malamang dahilan. Baka sadyang nagaalala lang kaming lahat. Masyadong occupied ang isip ko kaya halos hindi ko marinig ang sinasabi ni Tita sakin. She's scolding me. Umalis ako, hindi ko alam kung bakit siya ganun magreact. Kasama ko naman si Konan.
Ginagamot ni Vian ang braso kong may sugat dahil sa away na pinuntahann namin kagabi. Mahigit ssampu sila at dalawa lang kami ni Konan kaya nagkagalos ako ng kaunti.
"Venice!" sigaw ni Vian sabay yugyog sakin
"Nakikinig ka ba?!" inis na sigaw niya
"Yung cellphone mo kako kanina pang nagvvibrate!"
Natauhan ako. Yung phone ko! Baka si Oreo 'yon! Shucks!
Binuksan ko ang messages at tama nga ako, si Oreo ang nagtext.
Oreo:
hey, let's talk.
Oreo:
are you busy? give me a minute, we'll talk about something.
Tumaas ang kilay ko sa nabasa ko. Anong paguusapan namin? Pinagpatuloy ko ang pagbabasa.
Oreo:
c'mon, may mahalaga akong sasabihin.
Oreo:
Venice...
Ngayon lang siya nagreply samga texts ko. Ang masama pa ron hindi maganda ang pakiramdam ko doon sa may mahalaga siyang sasabihin. Tumayo na ako saka pumunta sa kwarto ko. Humiga sa kama ko saka muling humarrap sa phone ko.
Ako:
I'm busy. Later na.
Napabuntong hininga ako saka tumayo na para maligo, ang kirot ng sugat ko dahil binuhusan lang naman ni Vian ng alcohol. Nasa pinto na ako ng cr ng may biglang mahulog, may nasagi yata ako. Pinulot ko naman agad yon. Yung picture namin nina Mommy. May naramdaman akong kakaiba. Pangitain ba 'to? No. Hindi yun totoo.
Binalewala ko nalang yun saka naligo. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina hanggang sa matapos akong maligo. Imposible, hindi totoo yon.
"Venice!"
Bumukas ang pinto. Via lang pala. HUmarap ako sakanya saka ko siya pinagmasdan. Umiiyak? Taka ko siyang pinagmasdan.
"What happened to you?" I asked
"S-si M-mommy.."
Natigilan ako.
"W-wala na s-sila."
Natulala ako. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung paanong tatanggapin ng utak ko ang mga sinabi niya. Nanghihina ako. Nanglambot ang tuhod ko dahilan para bumagsak ako sa sahig. Naramdaman ko ang paglapit ni Via. Inaalalayan niya ako. Unti unting bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan ang pagiyak ko. Walang ibang ginawa si Via kung hindi yakapin ako.
Sabi nila aantayin nila akong makagraduate. Susunod sila dito. Bakit ganito? Bakit? Hindi ko matanggpap. Hindi ko na alam ang gaggawin ko. Gusto ko silang puntahan.

BINABASA MO ANG
Chasing the Sun
Non-FictionVenice Aryn Gervacio, she was known for being rude and disrespectful. She's goddamn good at fights too. It runs in their blood. Her parents were killed for unknown reasons. So, she came back for her revenge. She didn't know that her ex is connected...