18

6 0 0
                                    


"HAPPY BIRTHDAY!"

Minulat ko ang mata ko saka takang tumingin sakanila. May hawak silang limang cake saka mic at mga lobo. 

"What the fuck. Inistorbo niyo tulog ko." inis na sabi ko

Umupo sila sa kama ko kaya nagsalubong ang kilay ko. Ginulo ni Ford ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Birthday na birthday ang init ng ulo." sabi ni Kacie

"Nang bubulabog kayo eh. Kita niiyong ang himbing ng tulog ko."

Lumapit sakin ang iba para batiin ako. Si Via naman sinisigawan ako. Nang umalis sila sinubukan ko ulit matulog kaso hindi na ako makatulog! pakiramdam ko kasi anytime may bubulabog sa akin. Kainisss.

Naligo nalang ako saka bumaba. Nasa sala silang lahat, nandoon na din sina Tita. Lumapit sa akin si Tita para batiin ako. HInalikan niya ang pisngi ko. Ganon din ang ginawa ni Tito. Umupo ako sa sofa. Katabi ko si Ivan na busy sa cellphone niya. Kinalabit ko siya kaya napatingin siya sa akin. 

"Saeng-il chughahae babo." nakangiting sabi niya   (Happy birthday stupid.)

"Wag ka ngang magkorean, nasa Pilipinas ka tanga."

Ngumuso siya kaya pinitik ko ang mahaba niya nguso. Sinamaan niya ako ng tingin saka umalis sa tabi ko. Isinandal ko ang likod ko sa upuan nung kumuha ako ng beer. Umagang umaga alak nanaman ang almusal ko.

"Tita-Ninang!" sigaw ni Hunter na papalapit na sakin.

Tumayo ako para salubungin siya. Niyakap niya ako kaya kinarga ko siya. Hinalikan niya ako sa pisngi kaya napangitin ako.

"Happy bi.... birthd-day." 

Ngumiti siya ng napakalapad kaya hinalikan ko ang pisngi niya. Nakita kong papasok na si Nari kaya napatingin ako sakanya. NGinitian niya ako saka siya lumapit sa akin para halikan ako sa pisngi.

"Happy birthday Vening."

Nagsalubong ako kilay ko. Bwisit na 'to. 

"Vening?" takang tanong ni Kacie

"'Yon ang tawag ko kay Venice noon pa man."

Sinipa ko siya kaya napasigaw siya sa sakit.

"Salamat." sarkastiko kong sabi

Kay Hunter ko nalang itinuon ang atensyon ko habang sila busy sa pagkukwentuhan. Humikab si Hunter kaya idinukdok niya ang ulo niya sa braso ko. Sinutsutan ko si Nari pero hindi niya ako nililingon. Balak ko na sana siyang sipain kaso may biglang dumaan sa harapan ko. Epal.

"May ikukwento ako!" sigaw ni Via

Lumapit ang iba kaya dahan dahan akong lumapit sa gawi nila.

"Alam niyo bang naaksiddente noon si Venice nung nasa US kami."

Taka ko siyang tinignan. Wala naman akong naaalala na naaksidente ako. Napatingin sa akin si Via saka ako kinindatan. 

"Nung nalaman niyang patay na sina Mom galit na galit siya lalo na nung makita niya ang video nina Mommy na pinapahirapan. Umalis siya tapos nagpakalasing. Tapos nabalitaan nalang namin na  naaksidente siya. Wasak yung unuhan ng kotse niya. Tumama kasi sa puno tapos  limang araw siyang tulog. Inuwi namin siya nung di pa siya gising kaya di niya alam." si Via

Napatingin sa akin ang lahat. Gulat na gulat dahil sa kwento ni Via na wala namang katotohanan. Napailing nalang ako sa reaksyon nila.

"Naaksidente ka pala, ba't 'di mo man lang ikinuwento?" tanong ni Kacie

Chasing the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon