"Gising ka na?" tanong ni Kacie
"Anong katangahang tanong 'yan?" taas kilay na tanong ko
"Sagot agad!"
"Makikipagusap pa ako sa'yo kung tulog ako? Magisip ka nga!"
Tumawa siya at pumalakpak pa. Siraulo ata to eh.
"Gising ka na nga."
Hindi ko napigilan ang sarili kong itapon sakanya ang hawak kong charger. Umiwas nman siya habang tawa parin ng tawa. Kukunin ko na sana yung lamp shade para itapon sakanya ng bigla siyang tumakbo papunta sa pinto at nagpeace sign pa siya saakin. Napailing nalang ako dahil sa ginawa niya.
Umupo ako sa kama saka nagsearch sa laptop ko tungkol sa mga Fuentes. Bumukas ang pinto kaya napatigil ako sa paglalaptop.
"Venice.." nakangiting bati sakin ni Nari
Wait.. Nari?
"Gulat ka no?" nakangising sabi niya
"What brings you here?" I asked
"Wala bang 'i missed you' dyan?"
"Asa ka. Bakit ka ba nandito?"
Tumayo ako saka dinala ang laptop sa study table ko. Umupo naman siya sa kama ko.
"May gusto lang akong ipakilalal sayo." nguti siya sakin
Taka ko naman siya tinignan. Tumayo siya saka nagsenyas ng 'wait lang'. Umiiwas ako ng tingin. Lumabas siya ng kwarto ilang minuto lang bumalik siya at may karga siyang bata. Ang taba ng pisngi niya.
"Baby, say hi to your Tita-Ninang."
"What?!" gulat na sabi ko
Natawa siya sa reaction ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Binaba naman niya yung bata sa kama ko.
"How old is he?" I asked
"Turning 3 next week."
3? Kaya ba nawala siya bigla 3 years ago? Buntis siya that time? Tsk tsk.
"Asan tatay niyan?"
Natahimik siya bigla. Nawala na din ang ngiti niya na ikinataka ko. Don't tell me iniwan siya? Or baka fuck buddies sila tas nabuo? Bigla siyang ubo dahilan para tumaas kilay ko. Naiilang siyang tumingin sakin saka nagpilit ng ngiti.
"I.. d-don't know.."
I sighed. I knew it.
"Kami nina Dad lang nagalaga sakanya. Yung tatay niya hindi ko alam kung nasaan. After our break up saka ko lang nalaman na buntis na pala ako. Ayoko rin namang sabihin."
Ngumiti siya sakin.Lumapit ako sa kama ko para lapitan ang bata. Hinawakan ko ang kamay nito kaya napangiti ako dahil lumapit siya sakin.
"Ano pangalan nito?"
"Hunter. Hunter Ramirez."
"Bakit hindi apelyido nung tatay niya ang ginamit mo?"
Nagpakarga sakin si Hunter kaya tumayo ako habang nilalaro niya ang buhok ko. Napangiti ako dahil ang cute niya. Pinipisil niya ang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Chasing the Sun
Non-FictionVenice Aryn Gervacio, she was known for being rude and disrespectful. She's goddamn good at fights too. It runs in their blood. Her parents were killed for unknown reasons. So, she came back for her revenge. She didn't know that her ex is connected...