8

8 0 0
                                    


Maaga akong nagising kinabukasan. Sabi ni Tita dsapat maaga kaming magising para mabilis kaming makarating sa training ground ng mga Santiago. Pagkababa ko nandoon na silang lahat at ako nalang raw ang hinihintay nila. Ang aga na nga ng 6 am para sakin eh. 

Malapit lang naman pala ang sinasabi nilang lugar. Malawak at malinis. May mga nagtatraining bumaril at iba pang ginagawa ng mga sumasabak sa laban. Siniko ako si Vian kaya napatingin ako sakanya.

"Kinakabahan ako." sabi niya

"Oh eh anong magagawa ko dyan sa kaba mo?" tanong ko

" Yeah righht Gervacio." umiling iling siya saka sumunod kina tita na nauuna na sa paglalakad.

Sumunod ako sa kanila. Pumunta kami sa isang opisina. Siguro nandito ang may ari. Kumatok si Tito agad namang bumukas 'yon. 

"Oh! Villaloreal!" masayang bati ng isang lalaking matangkad

"Santiago." tumango si Tito at Tita sakanya.

"Pasok kayo."

Pumasok kami sa loob. NIlibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng malaking kwarto. Parang sala na namin 'to dahil sa sobrang lawak. May nakita akong pictures sa side table kaya pinagmasdan ko 'yon. Namumukhaan ko 'yong lalaking katabi ni Mr. Santiago. Pamilyar siya sakin.

"Anong tinitignan mo dyan?" tanong ni Konan

Hindi ko siya sinagot kaya kinalabit niya ako

"May crush ka ba dyan?"

"Sino 'to?" tanong ko

"Hindi mo ba siya naalala?"

"Magtatanong ba ako kung naaalala ko?" inis na sabi ko na ikinatawa niya

"Siya si Ford. Isa siya sa mga kaagaw ko pagdating sayo."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ngumiti siya habang pinagmamasdan ang picture ni Ford. Ngingiti tapos biglang hihinga ng malalim at yuyuko. Nababaliw na ata to.

"Stop staring at my picture."

Humarap agad si Konan doon sa nagsalita ganon din ang ginawa ko. Nakangisi siya sakin kaya tumaas ang kilay ko. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang itsura ni Konan na hindi maipinta. Lumapit sakin yung sinasabi ni Konan na si Ford.

"It's nice to see you again, my life." nakangiting sabi niya

"Kailan pa ako naging buhay mo?"

"Last month?" 

Napailing nalang ako bago ko siya nilagpasan. Sumunod naman sakin si Konan. Tumakbo si Ford papunta sakin, ang dami niyang sinasabi pero hindi ko naman maintindihan. May sa impakto ata tong hudlong na 'to. Nang napansin niyang wala akong pakialam sa sinasabi niya pumunta siya sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"You're not listening."

"Pwede ba kotse,tigilan mo ako." inis na sabi ko

Tinignan niya ako ng may halong pagtataka saka nilipat ang tingin kay Konan na parang nagtatanong sa sinabi ko.

"W-what? Kotse?"

"Ford pangalan mo hindi ba?" Agad naman siyang tumango. " Edi kotse ka nga."

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sakin saka mabilis na lumapit kina tita. Tinignan ako saglit ni Vian pero umiwas ako ng tingin. Nagtuloy lang sina Tito sa pakikipagusap doon sa Mr. Santiago na sinasabi nila. May biglang tumabi sakin at agad akong kinalabit.

"Hey.."

Tinignan ko siya. Si Ford,nababanas ako sa pagmumukha niya. Parang gusto ko siyang bugbugin non-stop. Nagpout pa si gago, akala niya natutuwa ako sa pagganon ganon niya. Hindi niya alam na mukha siyang natatae dahil sa pagpout niya.

"Tigilan mo nga akong peste ka." Inis na sabi ko

"Bakit ba?!" sigaw niya

Aba aba, sinisigawan ako.

"Hindi kita kilala kaya kung pwede, layuan mo ako. Baka masapak kita ng wala sa oras."

Rinig ko ang tawa ni Konan kaya napakunot ang noo ni Ford. Tumingin  siya ng masama doon kay Konan kaya anatigil yung baliw sa pagtawa niya. Binalik sakin ni Ford ang tingin niya.

"Ako si Ford." sabi niya sabay turo sa sarili niya

"Ano naman kung ikaw si Ford?"

"Magkaibigan tayo."  sabi niya saka angiwas ng tingin

Nagbuntong hininga siya saka muling tumingin sakin. Kita ko ang luungkot sa mga mata niya. Ramdam ko rrin ang mabigat na awra sa aming dalawa.


"Noon." sabi niya saka muling napabuntong hininga


 "Magkaibigan tayo noon."



Chasing the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon