Chapter 16
Nandito kami sa GAS room namin at sobrang kinakabahan ako!
"D-Dapat ba talagang nandito ka, Ciana?" tanong ko sa pinsan ko na s'yang nagmamake up sa akin.
"Of course! Even our strand is magkalaban, ako lang dapat ang magmamakeup sayo, duh" sagot na ikinairap ko.
This is the day! And the first day na sumali ako sa isang ganitong bagay!
"Punta na daw yung mga contestant sa back stage, sabi ni Pres!" sigaw ni Marlo kaya napatayo na ako, umalis na din si Ciana kasi baka kailangan siya don.
"Ready?" napatingin ako kay Harry na nakangiti sa akin, kanina pa siya na nasa tabi ko kasi inaasar niya si Ciana pero hindi ko na yun napansin kasi kinakabahan ako.
Ngumiti lang din ako at tumango. Hindi ko maiwasan maisip si Aiden.
Harry is so handsome! Babaliktad ang mga babaeng makakakita sa kanya, I think even my old self, maybe.
Paano pa kaya si Aiden? Gwapong gwapo na nga ang kakambal niya, paano pa kaya siya?
Inilahad ni Harry ang braso niya sa akin at naiilang na humawak dito. Sabay kaming pumunta sa back stage, at alam kong napapansin niyang kinakabahan ako.
"Breathe" natatawang usal niya dahil parang pinipigilan ko ng huminga dahil sa nerbyos.
Huminga ako ng malalim nang pumasok na kami sa back stage, ewan ko lang dito kay Harry ng tumawa siya. Kaya napanguso ako.
"Bakit?" tanong ko dito.
"Nothing, you're just adorable" he chuckled and make my face redden, and if I were the old me, tumili na siguro ako sa kilig.
"Tumigil ka nga" saway ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin, pero napansin kong may nakatingin sa akin kaya napalingon.
And for the second time, I met his cold stares with his gray ones kaya napanalunok ako sa kaba.
Pero nawala ang kaba ko nang makita ko kong sino ang katabi niya, the bitch. Napatingin ulit ako kay Aiden at inirapan siya.
"Someone is jealous" bulong ni Harry at hinigit ang bewang ko, kaya napatingin ako sa kanya.
They both have gray ones, but Harry got the mysterious ones. Hindi mo madaling mabasa kung anong nasa isip niya, while Aiden. He's fragile.
Ngumuso lang ako kay Harry nang tumuwa ulit siya sa akin. He's friendly while Aiden is troublesome.
Tangek! Ba't ko ba sila kinukumpara sa isa't isa?!
"Be ready contestant, magsisimula na within 25 minutes" saad ni Harold, kasama niya si Ciana kasi sila ang magiging Emcee.
Pansin kong umasim ang mukha ni Harry nang makita niyang inakbayan ni Harold si Ciana.
"Someone is jealous" panggagaya ko sa sinabi niya sa akin kanina, at siya naman ngayon ang ngumuso kaya napatawa ako.
Hindi ko nalang pinansin ang matatalim na tingin niya sa likuran. I admit he's hot today pero hindi ako marupok, sorry siya.
Kung meron mang marupok sa aming dalawa, siya yun.
Naalala ko yung nangyari kahapon, as if naman na totoong mangyayari yun noh.
May pa little bear pa siyang nalalaman, isaksak ko yun sa baga niya eh. Landi pa siya ng landi.
Umupo nalang kami sa tabi, halos nandito silang lahat except kay Ryder. Siya lang yung hindi kasali.
Napairap nalang ako sa nakikita ko, tahimik lang kami ni Harry- not to mention. Parang gusto na niyang pumatay habang nakakatitig kay Harold na nakikipagtawanan kay Ciana.
Si Aiden naman, ayun hindi ko pinansin. Nakaakbay lang siya kay Lisa na kung makadikit sa kanya parang linta, dakdak ng dakdak si Lisa pero hindi siya pinapansin ni Aiden. Nakakatitig lang sa akin ang gago.
Si Zyrell at Seb, ang mga dakilang babaero. Ayun nakikipaglandian sa mga partner nila, kung pwede lang akong umalis, kanina ko pa ginawa.
Si Erlantz, ayun dakdak din ng dakdak kay Aliza at hindi pinansin ang partner niya na nakadikit sa braso niya. Si Aliza naman nakapoker face lang sa kanya.
Si Yuan, ayun nagpapaganda- este nag-aayos ng sarili. At hindi din pinansin ang partner niya. Mas mahalaga daw ang itsura niya kaysa sa partner niyang clown.
Si Uzriel nakikipagkwentuhan lang kay Stacy, minsan nga napapaisip nalang ako kung bakit naging babaero ang isang 'to?
Napatingin kami sa pintuan ng bumukas ito at pumasok si Prez, si Ian, yung isang lalaki at isang babae.
Bigla naman nanlaki ang mga mata ni Zyrell at Seb at agad humiwalay sa mga partner nila.
"H-Hi Fayre"
"S-Saph?"
"Wala na, finish na" natatawang saad ni Yuan sa dalawa na napalunok ngayon sa kaba. Ghe landi pa!
"Hello Keith" nakangiting bati nung babae pero yung ngiti niya parang sinasabi niya kay Zyrell na 'Magtutuos tayo mamaya'
"Hello?" nakataas kilay na sagot ni Pres sa bati ni Seb, napatingin naman si Seb sa katabi ni Pres- yung lalaki.
I guess taga Ferias sila. Pansin din sa uniform nila, taga Ferias rin kasi si Ian.
"Bakit sila nandito?" tanong ni Stacy kay Pres, bumuntong hininga naman si Pres bago sagutin si Stacy.
"Silang tatlo ang magiging judges. So, maghanda na kayo" saad ni Pres at lumabas, nakita ko namang kumaway sa akin si Ian kaya kumaway din ako sa kanya.
Pero natigil yun sa ere nang makita ng peripheral view ko ang mga malalamig na mata no Aiden, kaya napalunok na naman ako.
Napahinga naman ng maluwag si Seb at Zyrell nang tuluyan nang lumabas ang apat.
"Kinabahan ako don, ansama ng tingin ni Nereus sa akin" sambit ni Seb.
"Di pa ako safe, pre" giit ni Zyrell at napaupo at sumandal sa upuan.
"Yan landi pa" singit ni Stacy at umirap.
PARA kaming temang na nakasilip sa back stage, nagsisimula na kasi at nag-spespeech pa sila at pinapakilala ang nga judges.
"Our first judges is Mr. Ian Louis Sanchez, oh Mr. Ian, wag mong kampihan ang pinsan mo ah" biro ni Ciana kay Ian kaya napatawa ito ng mahina.
"Second is Ms. Janiah Sapphire Villanueva, and the third is her cousin and Pres' big brother, Mr. Nereus Timothy Fuentebella!" saad naman ni Harold, at nagpalakpakan ang mga estudyante.
Napulunok ako sa kaba, hindi ko alam kung mamakayanan ko 'to lalo na hindi ko suot ang eyeglasses ko. Napabuntong hininga ako, at napatingin ako sa kabila at sumalubong ko ang mga mata niyang nag-aalala sa akin.
Tipid akong ngumiti sa kanya, ngumiti lang din siya sa akin. And he mouthed "Good luck, my princess"
BINABASA MO ANG
Hidden View
Teen Fiction[ COMPLETED: November 12 2020 - June 05 2021 ] Baize is an ordinary nerd at Serendipity University kaso nabangga niya ang isa sa mga babaerong lalaki sa university na yun. Since Baize transfered at Serendipity University and after she encountered th...