Chapter 54 - Blessed

22 2 16
                                    

Chapter 54

Naalimpungatan ako sa sinag ng araw. Kinusot ko ang mga mata ko at tinignan ang kabuuan ng kwarto.

Nandito nga pala ako sa bahay ni Aiden.

"Saan ako matutulog?" tanong ko kay Aiden.

"Sa kwarto ko" tipid niyang sagot kaya kumunot ang noo ko.

"Baliw ka ba?!"

"Baliw sayo"

"Bwesit! Nakakabad mood ka!!!"

"T-Teka Hoy!"

Napahawak nalang ako sa noo ko nang mahilo ako, may anemia na ba ako?

Agad akong pumunta sa banyo at nagduduwal. Bwesit! Anong gamot ba ang kailangan kong inomin para mawala ang sakit na 'to?! Ilang araw na akong ganito.

Sumasakit pa tyan ko.

"Lyra!" gulat na sigaw ni Aiden at agad lumapit sakin at inalalayan ako. "Okay ka lang? May sakit ka ba? Dahil kita sa ospital?"

Napahilot nalang ako sa noo ko, "Alam mo, ang ingay mo... Tsaka..." Inamoy ko ang damit niya bakit ang baho. "Naligo ka ba?"

"Oo, kakatapus ko lang" sagot niya at inamoy ang damit niya.

"Maligo ka ulit, ang baho mo. Promise" matamlay kong sabi sa kanya.

"Aba—" angal niya pero natahimik naman siya nang sinamaan ko siya ng tingin. "Opo, boss"

NAPANGIWI na lang ako habang nakatingin sa pagkain na hinanda ni Aiden.

"Ano ba yan?" tanong ko at tinuro yung ulam namin.

"Ulam" tipid niyang sagot kaya sinamaan ko siya ng tingin, napansin ko naman na napalunok siya "Kalderita"

"Panis ba yan? Bakit ang baho?" nakakunot noo kong tanong, narinig ko naman na huminga ng malalim si Aiden.

"Alam mo kanina ka p—"

"Ano?" pagpupuntol ko sasabahin niya at tinaasan ko siya ng kilay, pilit naman siyang ngumiti sakin at inilayo sakin yung kalderita.

"Sabi ko, anong gusto mo?"

"Cheese na cake na may strawberry" nakangiti kong sagot, napangiwi naman si Aiden sa sinabi ko.

"Naglilihi ka ba?" napakunot naman ang noo ko sa tanong.

"Paano ako maglilihi kong hindi ako buntis, bobo" sagot ko.

Mas napakunot ang noo ko nang madramang hinawakan ni Aiden ang dibdib niya.

"Ouch, sa buong buhay ko. Ikaw pa mismo ang nagsabing bobo ako"

"Anong ako lang? Narinig ko kaya si Zy na tinawag kang bobo, pati si Lantz at Ry narinig ko na tinawag ka ng bo—"

"Okay, okay, tama na" pagpuputol niya sa sabihin ko at tumayo na. "May gusto ka pa bang idagdag?"

"Pati narin strawberry jam, peanut butter at nutella! Tsaka hilaw na mangga at hipon" sagot ko at ngumiti sa kanya.

"Anong kapalit?" ngisi niyang tanong kaya napakunot ang noo ko. Anong trip niya?

"May kapalit?" seryoso kong tanong sa kanya, napakamot nalang siya sa ulo niya.

"Wala, joke lang yun"

NAPALINGON ako sa pintuan nang bumukas yun, akala ko si Aiden na pero nakita ko lang si Seb at Zy.

"Wow, live in na kayo? Bakit hindi kami inform?" tanong ni Zy, pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

Hidden ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon