Chapter 53
Dalawang linggo na kaming hindi nagkikita ni Aiden simula nung malaman ko na siya yung batang lalaki na nagbigay sakin ng scarf.
Pero nagmemessage naman siya sakin, kung anong ginagawa niya at nagtatanong sakin na kumain na ba ako. Ewan ko kong bakit niya yun ginagawa.
Hindi parin ako makapaniwala na may mga illegal transaction ang principal simula noon kaya pala may mga tauhan siya.
Pero narinig ko na binanggit ni Aiden ang pangalan ni Lisa? Kasama ba siya doon? O wala parin talaga siyang alam?
Napabuntong hininga nalang ako at napasandal sa upuan, napatingin nalang ako sa lamesa. Bigla tuloy akong nagcrave sa mangga.
"Lola, aalis muna ako" paalam ko saka ko kinuha ang jacket ko.
"Saan ka naman pupunta, hija?" tanong niya at lumingon sakin, kanina pa kasi siya nanahi ng damit.
"Bibili lang po ako ng mangga, babalik po ako agad" sagot ko, tumango naman si Lola sakin kaya lumabas na ako ng bahay at naglakad papunta sa may prutasan. Malapit lang daw yun dito.
Napahawak nalang ako sa noo ko dahil sumasakit na naman, hindi naman ako puyat o ano?
Nang makarating na ako ay namili na ako ng mangga. Bumili rin ako ng hipon para may pares yung hilaw na mangga na binili ko.
Bumalik rin naman ako ulit sa bahay, pero may nakita akong pamilyar na sasakyan. Nandito na naman siya.
Nang pumasok ako sa bahay ay nakita kong nag-uusap si Aiden at Lola.
"Oh, nandito ka na pala hija. Kanina ka pa hinihintay ni Den" sambit ni Lola nang mapansin ako, lumingon naman si Aiden sakin at ngumiti.
"Ah" tipid kong sagot at ibinaba sa lamesa yung binili ko.
Kumuha muna ako nang tubig kasi nauuhaw ako, anlayo pala ng prutasan dito.
"Hindi mo naman sinabi na manliligaw mo pala yung may-ari nang bahay mo noon, hija" agad kong nabuga sa lababo yung tubig na iniinom ko sa sinabi ni Lola.
"Oo nga po, it's such a coincidence na siya pala yung may-ari ng bahay na binili ko. Siguro destiny yun" agad akong mapangiwi sa sinabi ni Aiden.
Anong destiny?! Plinano niya kaya yan.
Mukha pa siyang goodboy kung makipag-usap kay Lola. Ang plastic.
"Saan ba kayo nagkakila, hijo?" tanong ni Lola kay Aiden. Nasa salas sila habang ako nasa kusina, binabalatan ko na yung mangga.
Pero dinig na dinig ko parin ang pag-uusap nila.
"Nagkita na po kami nung mga bata pa po kami. Ang sungit po talaga ni Lyra sakin nun, parang gusto akong sapakin" napasapo nalang ako sa noo ko sa sinabi ni Aiden, gumagawa na naman ng kwento ang isang 'to.
Anong sinasabi niyang 'gusto ko siyang sapakin' siya nga yung kunot na kunot ang noo sakin!
Hindi na ako nakinig sa kalukuhan na sinasabi ni Aiden kay Lola, puro naman baliktad. Ako ba daw yung patay na patay sa kanya pero nung niligawan niya ako naging pahard to get daw ako.
Kumain nalang ako dito ng mangga sa kusina, hindi ko na sila ginulo doon sa labas. Narinig ko naman na nagpaalam si Lola kay Aiden na mamalengke lang daw siya para may makain kami mamayang gabi.
Napansin ko naman na pumasok sa kusina si Aiden, umupo siya sa kabila ko at itinukod ang siko niya.
Umasim naman ang mukha niya nang sinubo ko yung mangga, "Uhm... Ang asim nyan"
BINABASA MO ANG
Hidden View
Novela Juvenil[ COMPLETED: November 12 2020 - June 05 2021 ] Baize is an ordinary nerd at Serendipity University kaso nabangga niya ang isa sa mga babaerong lalaki sa university na yun. Since Baize transfered at Serendipity University and after she encountered th...