Chapter 28
"Natagalan ka yata?" tanong ni Kate sa akin nang makaupo na ako sa tabi niya.
"Oo nga, nagugutom na ako! Ayaw parin mag-order ni Ciana" nakapout na giit ni Lovely habang nakapatong ang ulo niya sa mga braso niya sa lamesa.
"Shut up!" sita ni Ciana kay Lovely kaya natawa nalang kami ni Kate.
"Tara, order na tayo" yaya ko sa kanila at tatayo na sana nang may naglagay ng tray sa table ko.
"Wag na" napalingon ako kay Aiden na nakatayo sa tabi ko habang umiiwas ng tingin sa akin.
"Ayt, sarap maging taken noh. May mag-oorder na para sayo" giit ni Lovely at iniba ang posisyon niya. Kung kanina ay nakapatong ulo niya sa braso niya, ngayon naman nakapatong ang baba niya sa mga kamay niya.
"Oh, Hi girls" bati ni Aiden na parang kakapansin niya lang sa mga katabi ko. Umupo naman siya sa tabi ko at bigla kong naalala si Kate na katabi ko rin pala kaya nilingunan ko si Kate kaso nakita kong hawak ni Yuan ang pulsuhan niya.
"L-Layne... Ano ba!" sigaw ni Kate nang hilahin na siya ni Yuan papalayo.
"Aba!" sigaw ni Ciana at ni Lovely, napatingin naman ako kay Lovely na nagreact din. Kadalasan di yun nagrereact, hahayaan lang na umalis at minsan inaasar.
Tumayo si Lovely at tinaas ang manggas ng uniporme niya "Hayaan mo, Ciana. Babawiin ko si Kate, wag ka rin mag-alala Baize. Ang kapal naman talaga ng lalaking yun na hindi ipagpaalam si Kate sa atin" giit ni Lovely at tumakbo para habulin si Yuan na kinakaladkad si Kate papalayo.
"Wow" mahinang usal ni Aiden sa tabi ko "Sa susunod hindi na kita kukunin ng walang paalam sa kanila" bulong ni Aiden.
"And you!" napatingin naman kami ni Aiden kay Ciana "Bakit ka nandito? After you stole Stacy girl from me, my couzy na naman ang isusunod niyo?! No way!" sigaw ni Ciana kaya nawindang si Aiden.
"Ciana, couzy— este sister— ah sabi ko nga Ciana nalang" napalunok naman si Aiden nang sinamaan siya ng tingin ni Ciana "H-Hindi ko naman ninakaw si Stacy girl mo, s-si Uzriel yun. Maniwala ka, t-tsaka di ko naman nanakawin si Baize, yung puso niya lang" sagot niya kay Ciana at kinindatan ako.
"Puro ka kalukuhan" giit ko at kinuha ang sandwich na nasa tray na nilagay niya kanina, kukuha narin sana si Ciana kaso tinabig ni Aiden ang kamay niya.
"Ouchy!"
"Aiden!"
Sita ko sa kanya at pinandilatan siya ng mata "Lyra, may Harry siya. Doon siya humingi, sayo lang yan" katwiran niya pero di ko pinansin.
"Wag mo siyang pansinin, Ciana. Kumuha ka lang kung gusto mo" nakangiti kong saad sa kanya at hindi pinansin ang nakangusong lalaki sa tabi ko.
"Eh ako?" tanong ni Aiden na nakanguso parin sa akin, umirap lang ako sa kanya. Masyadong childish.
"Ewan ko sayo"
"SIGURADO ka na nawala kang dadaanan?" Aiden asked for the nth times! Bumuntong hininga nalang ako at tinignan siya.
"Wala na, final decision" giit ko sa kanya.
Kasalukuyan lang naman akong hinahatid ni Aiden sa bahay ko, kaya tinatanong niya ako kung may dadaanan pa ba ako.
"Okay" tipid niyang sagot at tinabi ang kotse niya sa tapat ng gate ng bahay ko.
"Bye, mag-ingat ka" giit ko at hinalikan ang pisngi niya bago ako lumabas sa kotse niya.
"Mag-ingat ka din, maglock ka ng pinto tsaka bintana! Wag ka rin magpuyat!" sigaw niya kaya napailing-iling nalang ako.
"Opo, Tay. Wag rin po kayong mambabae ha" asar ko sa kanya, pinipilit niya naman na hindi ngumiti kaya napanguso na lang siya.
Natawa nalang ako sa kanya, hinintay ko muna siyang umalis bago ako pumasok sa bahay.
Nang mawala na sa paningin ko ang kotse niya ay nagsimula na akong humakbang sa papasok sa bahay kaso may napansin akong lalaki. Nakangiti lang siya sa akin. A-Ang creepy.
LUMABAS ako sa bahay dahil wala pala akong extrang pentel pen kaya kailangan kong bumili, malapit lang naman ang mini mart dito sa amin eh.
May ginagawa kasi akong visual para sa reporting namin bukas sa GAS, tas malapit narin yung second exam namin.
Nakasuot lang ako ng jacket, plain white t-shirt tas yung scarf at jogging pants, matutulog rin naman ako pagkatapus ko magsulat. Ayoko magpuyat kakabasa ng irereport ko bukas. Mas sanay akong mag-aral sa madaling araw.
Pagkapasok ko sa mini mart may napansin akong lalaking na nagbabasa ng libro na nakaupo sa isang bench, napatitig lang ako dito. Pero nagulat ako nang ibaba niya yung binabasa niya at tumingin sa akin ng diretso habang nakangiti ng matamis. S-Siya yung lalaki kanina!
"Halika hija, maupo ka muna" aniya niya kaya sumunod ako. Panatag lang naman ang loob ko sa kanya, parang ang gaan-gaan nga eh.
Pero kung makahija parang mas matanda siya sa akin, eh magkasing edad lang naman kami.
"Magandang gabi po" bati ko bago umupo sa tabi niya, binigyan ko lang distansya namin.
"Magandang gabi din, hija" bati niya pabalik, ngumiti naman ako sa kanya. May itsura rin naman siya "Kamusta ka na?" tanong niya kaya napakurap kurap lang ako bago ako naiilang na ngumiti.
"Okay lang naman po, eh ikaw?" tanong ko sa kanya, napakamot naman siya sa ulo niya.
"I'm fine, thank you. By the way, my name is Jeffrey Kurt Ramos. Nice to meet you, ah— it's Baize, right?" nagulat naman ako sa tanong niya, sino ba talaga ang lalaking 'to. Ba't niya alam ang pangalan ko?
"Oo, paano mo nalaman?" tanong ko, tipid siyang tumuwa bago ituro ang scarf ko kaya napahawak ako dito.
"That scarf" giit niya kaya bigla akong kinabahan, a-anong meron sa scarf ko?
"B-Bakit?" nauutal kong tanong sa kanya, napalunok naman ako sa kaba. Hindi naman sa nag-eexpect ako pero parang iba yung naiisip ko sa nagmamay-ari ng scarf na 'to eh.
"Actually—" hindi natapus ang sasabihin niya nang may humila sa akin papalayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hidden View
Teen Fiction[ COMPLETED: November 12 2020 - June 05 2021 ] Baize is an ordinary nerd at Serendipity University kaso nabangga niya ang isa sa mga babaerong lalaki sa university na yun. Since Baize transfered at Serendipity University and after she encountered th...