Chapter 46 - Past

12 2 9
                                    

Chapter 46

Bwesit na Aiden, hindi ko alam kong bingi ba siya o ano. Sabi ko 'sisisihin' hindi 'sisisirin'! Sarap nito ihagis sa sapa!

Nakarating naman kami sa resthouse dahil nahimasmasan siya at tinuro sa akin ang daan. Hindi niya daw maalala kong paano ako naging driver niya ngayon.

Syempre, siya yung kutsero namin eh. Natural na magtaka siya kasi dapat ako yung nakaupo dapat sa pwesto niya.

"Aalis na ako" paalam ko sa kanya, aakmang bubuksan ko na yung pinto nang hawak niya ang kamay ko.

"Wag mong sabihin kotse ko gagamitin mo?" tanong niya, humarap naman ako sa kanya at pinagkrus ang braso ko.

Wow, ang tapang pero nanginginig na sa takot yung lamang loob ko. Kaya nga gusto ko na umalis dito, kung ano pa masabi ko!

"Hindi, magbubus na lang ako" sagot ko at lalabas na sana nang biglang bumuhos ang ulan.

Ang galing, sobrang galing ni Tadhana noh. Sa lahat ng araw na dadaan, ngayon pa ako minalas ng sobra.

"Dito ka nalang muna magstay" sambit niya at humikab, agad naman akong napalingon sa kanya.

"Ano?! Wala akong damit dito!" sagot ko, pansin ko naman siyang umirap. Wow, hindi ko alam na umiirap pala ang isang 'to.

"May uniform ka naman dito" sagot niya, naalala ko bigla. Hindi ko pala nadala yung uniform na suot ko nung araw na umalis kami dito.

"Gago ka ba? Hindi na kasya sa akin yun" sagot ko, bumuntong hininga naman siya bago siya pumasok sa kwarto at hinagis sa mukha ko yung gray na t-shirt niya.

"Walang modo" bulong ko at kinuha sa mukha ko yung t-shirt niya.

"May sinasabi ka?" nakataas kilay na tanong niya, naiilang naman akong ngumiti sa kanya.

"Wala po" sagot ko na para bang isang mabait na bata, umirap lang ako sa kanya nung tumalikod na siya sa akin.

"SA couch na lang ako matutulog" sambit ko at pinagpagan ang couch. At dahil siya si Aiden, at taglay niya ang pagkakagentledog. Hindi niya inoffer sa akin ang nag-iisang kwarto ng rest house.

"Sige, ingat ka na lang sa ipis" sambit niya at isinirado ang pintuan ng kwarto. Pinandilatan ko lang ng mata yung pintuan at parang gusto kong sundan si Aiden doon at bugbog.

Kaso na paayos ako ng upo sa sahig nang biglang bumukas ulit ang pinto.

"May kailangan ka?" tanong ko na para bang walang balak patayin siya.

"Sa totoo lang, meron. Wag kang mag-iingay" sambit niya at agad sinirado ulit ang pinto.

Pinalubo ko naman ang pisngi ko dahil sa inis. Kahit kailan ang gentledog ng isang yun.

Humiga na ako sa couch at sinubukang matulog. Nakatagilid ako at kaharap ko ngayon ang coffee table. Hindi ako mapakali, nasa teritoryo pa naman ako ng kupal kong ex na kutsero namin noong sinaunang panahon at muntik na akong masukahan kanina na ngayon ay nabingi na.

Napapikit nalang ako nang maalala ang nangyari kanina. Napabuntong hininga naman ako at kasabay nang pagpikit ng mga mata ko ang pagkidlat at ang pagkulog.

Parang kailan lang, nangyari din 'to sa amin noon. Doon sa bahay ko, siya nga lang yung nasa sofa habang ako nasa kama.

Tanda ko pa non na—

Agad kong minulat ang mga mata ko nang maalalang may takot si Aiden sa kidlat at kulog.

Bumangon ako at walang pasabing binuksan ang pintuan, kumabog pa yun kaya napalingon si Aiden sa akin.

Habang ako napapikit-pikit. At sa muling pagkidlat ay lumiwanag ang kwarto ng rest house at nakita ko ang pakunot ng noo ni Aiden at ang pagtama ng mga kulay abo niyang mga mata sa mata ko.

"May kailangan ka?" panggagaya niya sa tanong ko, napalingon ako sa bintana niya at binalik ko ang tingin ko sa kanya.

Napansin kong napangisi siya "W-Wala akong kailangan" nauutal kong sagot at malakas na isinirado ang pintuan.

Sumandal naman ako doon at napahawak sa dibdib ko. Ang lakas talaga ng kabog.

Hindi ko alam kong kaba ba yun o ano. Basta ang alam ko, hindi ako kinikilig sa kanya. Nakamove on na kaya ako.

Oo, nakamove on na ako. Takot lang siguro ako sa kanya.

Ngumiti ako na parang timang at napabuntong hining—

"KYAAAAA!" napasigaw ako nang mawalan ako ng balanse dahil biglang bumukas ang pinto.

Akala ko babagsak ako sa sahig pero may braso'ng sumalo sa akin. Napalingon ako sa kanya at nagtama muli ang mga mata namin.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko, tangina. Hindi ko alam kong kailan kakalma ang pagkabog ng puso ko.

Ngumisi siya sa akin at inilapit ang bibig niya sa tenga ko kaya napahigpit ang hawak ko balikat niya.

"Kaya ka ba pumasok sa kwarto kasi nag-aalala ka sa akin?" nakangisi niyang tanong, napakagat naman ang pang-ibabang labi ko at napapikit.

"H-Hindi noh, assuming mo" tanggi ko at tumayo na saka siya tinulak.

Heads up nga ako kaso yung mga mata ko na sa sahig nakatingin kaya narinig ko siya tumuwa.

"Lyra" tawag niya sa akin at hinawakan ang baba ko saka pinatingin sa mga mata niya.

Hindi ko alam kung ilang segundo kaming nagtitigan sa isa't isa, at tanging kabog lang ng puso ko ang naririnig ko.

Dahan-dahang inilapit ni Aiden ang mukha niya kaya napapikit ako at hinihintay ang labi niya sa labi ko.

Pero kasabay ng pagkulog ay biglang bumalik sa alaala ko ang mga eksena noon.

"Lyra, stop! We're over"

Agad ko siyang tinulak at napayuko, pansin ko na nagulat siya sa ginawa ko.

Hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha sa mga mata ko.

"Kailan mo sasabihin na dare lang lahat?"

"Naghihintay lang ng tyempo, Kuya"

"Akala ko ba sa graduation mo sasabahin?"

"It's getting bored, you know. At ipakikilala raw niya ako sa mga magulang niya, ayoko naman yun. Baka mag-expect sila na... Alam mo na"

Napapikit na lang ako habang lumandas sa pisngi ko ang luha na siyang akala ko na hindi nababalik dahil sa kanya.

"Matutulog na ako" tanging mga salitang lumabas sa bibig ko at bumalik sa pwesto ko kanina.

Ayokong pag-usapan ang nakaraan, mas magiging awkward kong mag-aaway kami doon.

Bumuntong hininga naman siya bago pumasok sa loob ng kwarto niya pero may sinabi siyang hindi na matanggal sa isip ko.

"Babawiin kita, mahal ko"

Hidden ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon