Marvin Gaye by Charlie Puth, hope you enjoy!
Epilogue
"Nix! Pakopyahin mo nga ako sa English" tawag sakin ni Kuya, kumunot lang ang noo ko sa kanya bago ko ibigay sa kanya yung notebook ko sa English.
At dahil umalis yung teacher namin, halos buong klase na ang kumopya nun. Hindi ko nalang sila pinansin. Wala naman akong pakealam.
Bumalik lang sila sa mga upuan nila nang paparating na ang English Teacher namin.
"Salamat" bulong ni Seb sakin at binalik sakin yung notebook ko, napapikit nalang ako dahil sa irita nang malukot ang notebook dahil pinagpasahan nila.
"Ehem, let's check your works" sambit ni Teacher English at nagpalit kami ng notebook ni Kuya dahil siya yung magchecheck ng akin.
Halos sabunutan ko ang buhok ko nang ma-Zero ako at ang buong klase ay nakaperfect. Bakit nakalimutan kong lagyan ng ganun?! Bwesit!
"Mr. Phoenix Montefiore?" tawag sakin ng Teacher ko para alamin kong ilan ang score ko.
"Z-Zero" agad napalingon sakin lahat ng kaklase ko sa sagot ko. Bwesit!
"How come?" tanong ng Teacher namin.
"Nalimutan ko pong icapital ang first letter ng sentence tsaka yung period at exclamation mark" sagot ko at napailing-iling nalang siya at nagpatuloy sa pagtatala ng mga score namin.
NAGMANO kami kay Tatay Jeku nang makauwi na kami sa mansyon. Nagagalak niya namin kaming sinalubong.
"Kamusta ang pag-aaral niyo?" nakangiti niyang tanong samin.
"Okay lang po"
"Nazero si Nix sa English, Tay"
Napalingon kaming pito kay Zy nang sinumbong niya ako kay Tatay. Walang utang na loob, hindi siya makakakuha ng perfect score sa English kong hindi ko siya pinakopya.
"Aba! Kung hindi dahi-"
"Opo, Tay. Nazero po si Nix, naawa nga po ako sa kanya" pagpuputol ni Lantz sa sasabihin ko. Mga walangya!
"Pinagalitan nga po siya ng Teacher namin" dagdag ni Seb at tumungo. MGA LAPASTANGAN!!!
"Sinabihan ko nga si Nix na sabay kaming mag-aral sa susunod para hindi na siya makakuha ng Zero" napalingon ako kay Kuya, paano nila nagagawa sakin 'to?
"Kami na nga po ang nag-ako ng parusa niya dahil kawawa naman po siya" mapait na ngumiti si Yuan kay Tatay saka tumingin sakin habang ako naghihintay lang namatapus sila sa pagtataksil nila sakin.
Mga plastik! Mga pekeng kaibigan! Mga walang utang na loob!
"Wag kang mag-alala, Tay. Pagbubutihan naman ni Nix sa susunod!" sambit ni Ry at hinawakan ang magkabilang balikat, gustuhin ko mang itabig ang kamay niya ay hindi ko na magawa. I feel betrayed.
"Tuturuan ko na lang po siya" sambit ni Uzriel, isa pa ang gagong 'to! Akala niya naman sobrang talino niya! Ihampas ko sa kanya yung mga perfect score ko sa ibang subject eh! Nangopya lang naman din siya sa English ko!
NAKAKRUS lang ang braso ko habang nakatingin sa pitong mga traydor ng buhay ko.
"Sorry na, Nix. Ginawa lang namin para hindi malaman ni Tatay nangopya kami sayo" umirap lang ako sa dahilan ni Lantz. Kaya ba pinagtulungan nila?! Mga walangya.
"Ikaw kasi, Zy! May pasumbong-sumbong ka pa!" sambit ni Ry at dinuro-duro si Zy.
"Hala, naging honest lang naman ako"
BINABASA MO ANG
Hidden View
Teen Fiction[ COMPLETED: November 12 2020 - June 05 2021 ] Baize is an ordinary nerd at Serendipity University kaso nabangga niya ang isa sa mga babaerong lalaki sa university na yun. Since Baize transfered at Serendipity University and after she encountered th...