Chapter 25 - Sopas

9 1 18
                                    

Chapter 25

"Umalis ka na kasi, Aiden!" sigaw ko sa kanya at hinahagis yung mga unan ko sa direksyo niya.

"Tama na, Lyra! Nurse mo ako ngayon kaya magpahinga ka!" sigaw niya pabalik sa akin habang binabalik rin niya sa kama ko yung mga unan.

Para kaming mga tanga dito sa kwarto ko, ako taga hagis sa kanya tapus siya hinahagis pabalik sa kama ko.

Pero ako rin yung unang tumigil dahil pagod na ako, kaya napahiga ulit ako sa kama.

"Kainis ka, Aiden" bulong ko at nagpout, bakit ba andito ang lalaking 'to?! Dapat si Ciana yun eh!

"Oh, tubig" inabot niya sa akin yung mineral pero tinaas ko lang siya ng kilay.

"Anong gagawin ko dyan?" tanong ko, first of all, ayoko tumanggap ng tubig galing sa kanya, duh. Hindi ako marupok!!!

"Iinomin, alangan naman isaboy ko 'to sayo" pabalang nasagot niya sa akin, inismiran ko lang siya.

"Edi isaboy mo, yun naman ang ginagawa mo sa akin" giit ko sa kanya, pero ang gago Montefiore na si Aiden, binuksan yung mineral at isinaboy talaga sa akin.

Agad akong napaupo at napaubo, aba gago yun ah!

"Tangna mo—" nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya, h-he kissed me not lustful and rough but a passionate and gentle kiss.

Natauhan lang ako nang maramdaman kong kinagat niya ang pang-ibaba kong labi, at ako naman si gaga, I let his sinful tongue enter and savour my mouth.

"L-Lyra..." sambit niya habang hindi pinaputol ang halik, I kissed back and I snaked my arms around his neck habang nilalaro ko ang buhok niya.

Hindi ko na napansin na basa pa pala ako dahil sa pagsaboy niya sa akin ng tubig.

He slowly placed me in my bed hanggang siya na ang nasa ibabaw ko. Bago pa ako malunod sa halik niya ay humiwalay na siya sa akin at ngumisi.

"Good girl, now rest and let me be your nurse for today" saad niya bago ako dalawin ng antok.

Akala ko gatas lang nagpapaantok sa akin, ang halik rin pala ni Aiden.

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa gutom, babangon sana ako nang maramdaman ko na may nakapatong sa braso ko at nakahawak sa kamay ko.

Napansin ko na natutulog pala si Aiden, ba't mukha siyang anghel pagnatutulog?

Inabot naman ng isa kong kamay ang buhok ni Aiden at hinaplos haplos ito pero napatigil ako nang maalala ko ang nangyari kanina!

WAAAAAAAAAAH!!! H-hinalik—

"G-Gising ka na pala" napalingon ako kay Aiden na kinukusot-kusot ang mata niya, nagmukha tuloy siyang batang kakagising lang.

Tumango lang ako sa kanya at umiwas ng tingin, ngayon ko lang din napansin na may tela pala sa noo ko.

"Aba... Gago ka, Aiden! May lagnat ako tas hinalikan mo?! Paano kong lagnatin ka rin?!" sigaw ko sa kanya at naningkit ang mga mata ko sa kanya, gago talaga!

"Uhuh? Are worried about me, Lyra?" ngisi niya at dinala ang kamay ko na hawak-hawak niya kanina sa mukha niya.

"Anong worried, mukha mo worried! Baka ako ang pagbintangan kapag namatay ka sa lagnat!" giit ko sa kanya pero tumawa lang ang gago.

"No one die because of a fever, Lyra" natatawa niyang saad kaya binawi ko ang kamay ko sa kanya.

"Baka ikaw yung first case na namatay dahil sa lagnat, che!" sagot ko sa kanya saka ako bumangon.

"Saan ka pupunta?" tanong niya at hinuli ang isa kong kamay.

"Kakain, magaling na rin naman ako kaya umalis ka na" mataray kong sagot sa kanya, mabilis naman talaga ako gumagaling sa lagnat, tubig at tulog lang ginagawa ko tas bukas maayos na.

"Nagluto ako ng sopas sa ibaba, wait iinitin ko muna ulit" saad niya at naunang bumaba.

Kumunot naman ang noo ko sa kanya, siya marunong magluto? Huh! Baka may lason pa yun.

Napansin ko na nasa leeg ko na pala yung scarf, s-si Aiden ba naglagay nito?

Isiniksik ko nalang ang sarili ko dito bago bumaba.

Naabotan ko naman si Aiden na pinapainit ying sopas na sinasabi niya, tsaka ambango kaya napalapit ako sa kanya.

"Marunong ka pala magluto?" tanong ko sa kanya, pero naalala ko na hari pala siya ng kamalasan kaya napalunok nalang ako sa naiisip ko. Wag naman sana masunog ang bahay ko sa pagluluto niya.

"Ye" tipid niya sagot, kaya napairap nalang ako.

"Buti hindi mo nasunog ang bahay ko habang tulog ako noh" ismid kong giit sa kanya nang pinatay na niya yung stove.

Sinamaan niya lang ako ng tingin. Umupo nalang ako sa lamesa, mukha kasi masarap.

"Hindi mo ba yan nilalabhan?" napalingon ako kay Aiden natinuturo yung scarf na nasa leeg ko pagkatapus niya ilagay ang kaldero ng sopas at kumuha ng plato.

"Hindi, hindi naman madumi ah! Saka gusto ko yung amoy, amoy chocolate" saad ko at inamoy yung scarf, kahit ilang taon na ang nakalipas.

Gusto ko nga rin sana makita ulit yung lalaki, nasaan na kaya siya?

"Wow" sarkastikong niyang sambit at pumapalakpak.

"Selos ka lang" giit ko sa kanya at kinuha yung plato sa kamay niya at nilagyan yun ng sopas.

"Saan ako magseselos? Sa lalaking yun o sa scarf?" ismid niyang tanong at umupo narin.

"Baka both" tamad kong sagot at hinipan yung sopas.

"Uhuh, asa ka" saad niya at inagaw sa akin yung kutsara ko, magrereklamo sana ako nang itinapat niya yun sa bibig ko.

"Ano ginagawa mo?" nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

"Sinusubuan ka" naningkit ang mga mata ko sa kanya at sa ngisi niya.

"Wag mo nga akong madaan sa ganyan, Aiden" tumawa lang siya sa akin bago niya isubo sa sarili niya yung sopas at kumuha ulit sa plato ko saka niya hinipan.

Itinapat niya ulit ito sa bibig ko pero nakakunot parin ang noo ko sa kanya.

"May sarili akong kamay, Aiden. Kaya kong subuan ang sarili ko" saad ko at aagawin sana yung kutsara pero sinubo niya ulit sa sarili niya bago kumuha ulit at hinipan.

Napahinga ako nang malalim at sinamaan siya ng tingin.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ko, pinagluloko niya ba ako?!

"Sinusubuan ka. Oh, gusto mo ba iba isubo ko?"

Hidden ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon