Chapter 29 - Tatay

7 1 2
                                    

Chapter 29

"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni Aiden kay Jeffrey, teka magkakilala sila?

"Oh, Hi bunso!" masiglang bati ni Jeffrey kay Aiden saka tumayo para yakapin si Aiden kaso tinaas lang ni Aiden ang middle finger niya sa pagmumukha ni Jeffrey. A-Anong bunso?!

"T-Teka?! Magkakilala kayo?" tanong ko sa kanila nilang dalawa, napatingin naman silang dalawa sa akin.

"Yes, tatay-tatayan namin. Tatay-tatayan naming matigas ang ulo at isip bata"

"Uhm, yep. Mga anak ko sila!"

Sabay na sagot nilang dalawa kaya nawindang ako. Kung magbatian sila kanina para lang silang magkabarkada tsaka mukhang naman magkasing edad sila eh.

"Bunso, ba't ka nandito?" nakangusong tanong ni Jeffrey kay Aiden, nakakunot parin ang noo niya dito habang hawak hawak parin ang kamay ko.

"Eh, ikaw? Bakit ka nandito?" pabalik na tanong ni Aiden kay Jeffrey habang ako palipat-lipat lang ng tingin sa kanilang dalawa.

"Kinikilala lang ang future bride ng baby bunso namin!" masiglang giit ni Jeffrey, halos mawindang na si Aiden sa pinagsasabi ni Jeffrey.

"Tigilan mo nga yang pag-bubunso mo sa akin" nahihiyang giit ni Aiden at umupo sa bench saka ako hinila para paupuin ako sa kandungan niya.

"A-Aiden, geez" sita ko sa kanya, pansin ko namang napalinga-linga si Jeffrey sa magkaibang direksyon.

"Nasa dulo siguro yung Eden cheese dito" bulong niya kaya napakunot ang noo ko, pinagsasabi niya? "Nix, gusto yata ng baby mo ng Eden cheese" giit ni Jeffrey at tumingin kay Aiden.

"Gagi! Ako ang gusto niya at hindi yang Eden na pinagsasabi mo!" iritadong sigaw ni Aiden kay Jeffrey, napakurap-kurap naman si Jeffrey sa sinabi ni Aiden. Pati ako hindi gets, anong Eden cheese pinagsasabi nila?

Natahimik kaming tatlo hanggang sa maintidihan ko na ang ibig sabihin ng Eden cheese na pinasasabi nila. Seriously? Ngayon ko lang napansin.

"Ibig mong sabihin, pangalan mo yung binanggit ni Baize kanina at hindi Eden cheese?" inosenteng tanong ni Jeffrey bago umupo sa tabi namin na parang bata "Aiden pala pangalan mo noh, hehe" dagdag ni Jeffrey na parang ngayon lang naalala ang buong pangalan ni Aiden.

Geez, ang gulo nila.

"Lyra, akala ko ba wala ka ng bibilhin o dadaanan?" tanong ni Aiden tsaka hindi na pinansin si Jeffrey na nagsasalita mag-isa.

"Ah, bibili lang naman ako nang pentel pen tsaka malapit lang naman ang bahay ko dito" sagot ko sa kanya, napansin ko na ngumuso siya bago tumingin kay Jeffrey pero agad naman niyang binalik ang tingin niya sa akin.

"Sana nagtext ka nalang saakin para di mo na nakita ang isa yun" giit niya, bakit parang ayaw na ayaw niyang magkakilala kami ni Jeffrey?

"Bakit naman?" tanong ko sa kanya.

Bumuntong hininga muna siya bago ako sagutin "Kasiraan lang siya sa grupo namin" sagot niya agad ko naman napansin ang pagngiwi ni Jeffrey.

"Aba, anong kasiraan? Tandaan mo tatay niyo ko" giit niya pero sa boses niya para siyang batang ayaw isali sa laro.

"Matanong ko lang, paano niyo siya naging tatay-tatayan ni Harry? Eh magkasing edad lang naman tayo" tanong ko, pansin ko namang ngumiwi si Aiden at napangisi Jeffrey.

"Gurang na yan, wag kang magpapaloko sa isang yan. Nasa singkwenta na yan" sagot ni Aiden, agad naman kumunot ang noo ni Jeffrey.

"Singkwenta mo mukha mo, kaka-30 ko lang" katwiran ni Jeffrey, hindi ko tuloy alam kong kanino ako magtitiwala. Sa mukha palang nila di na sila katiwa-tiwala eh "Saka hindi lang sila Harry ang mga anak, ko pati na sila Lantz, Riel, Ray... Uhm, si Seb, Zay at si—"

"Sabihin mo nalang kasi na kaming lahat" pagpuputol ni Aiden at halatang iritado na 'to kay Jeffrey. Napanguso lang si Jeffrey sa kanya.

"Ang sungit mo talaga bunso" giit ni Jeffrey kaso di na siya pinansin ni Aiden kasi tumayo na kami at dinala ako sa may School supplies na stall.

"Ilan ba gusto mo?" tanong ni Aiden, hindi parin niya binibitawan ang kamay ko.

"Uhm, isa lang" giit ko at napahikab. Inaantok na tuloy ako, mga nasa 7 na ngayon eh.

Maaga naman ako natutulog lalo na at wala akong tv, dagdag bayarin lang yun sa kuryente.

"Sure ka?" tanong niya na parang bang sinasabi niyang 'Dagdagan mo, para di ka na bumalik dito at makita ang lalaking yun'

"Oo, isa lang" sagot ko sa kanya at tipid na ngumiti, ngumiti lang rin siya sa akin at kumuha ng isang pentel pen bago kami pumunta sa casher.

Napangiwi naman ako nang makita si Jeffrey na nagbabayad doon, at ang nakakagulat ay andami niyang biniling Eden cheese, seriously?

"Pinaggagawa mo, Tay?" tanong ni Aiden ng makitang nagbibilang si Jeffrey ng barya.

"Ah nagbabayad ako, bunso" nakangiting sagot ni Jeffrey "Pero kong gusto mo, ikaw nalang magbayad" dagdag ni Jeffrey at binalik sa wallet ang mga baryang inilabas niya.

"Tsk" inis na bulong ni Aiden "Ako na rin magbabayad sa pentel pen mo, Lyra" giit ni Aiden, tumango lang ako at hindi na nakipagtalo sa kanya kasi inaatok na ako.

Binayaran lahat ni Aiden lahat ng binili ni Jeffrey, hindi lang pala Cheese binili niya pati pala Mayonnaise na Eden.

Nang makapasok kami sa kotse ni Aiden, don na nilantak ni Jeffrey yung cheese at mayonnaise. Tuwang tuwa pa ang matanda sa back seat habang kumakain.

Tatanggihan ko nga sana si Aiden ng niyaya akong niya sumakay sa kotse niya para ihatid ako, kaso baka uminit na naman ang ulo kaya pumayag nalang ako.

"Alam mo, Baize! Ang bait rin ng babae ni Seb tsaka ni Zay. Tas ang ganda pa katulad mo!" giit ni Jeffrey, at parang bata kung magkwento "Wag ka rin mag-alala, Baize! Kahit babaero yang si Bunso! Di ka niya lolokuhin! Dahil sa lahat ng babae niya, ikaw lang ang kinikwento niya sakin!"

"Tay!" sita ni Aiden na parang hiyang-hiya sa pinagsasabi ni Jeffrey kaya mahina akong napatawa.

"Oh, ano? Totoo naman ah! Kayo ngang lahat! Dami niyong kinikwento! Teka pinsan ni Baize si Ciana, diba?" tanong ni Jeffrey kay Aiden pero binaling niya rin ang paningin niya sa akin "Baize! Gusto ko rin makilala si Ciana!" tipid lang akong tumango kay Jeffrey at tipid ring ngumiti.

"Nako, Tay! Di mo magugustuhan si Ciana. Ang arte-arte" hinayaan ko nalang sila magbangayan.

Hindi na ako magtataka na siya ang nagpalaki kina Aiden, kahit hindi siya ang totoong ama ng mga 'to, pansin na pansin parin na ang ibang mga kilos ng Zephyrus ay sa kanya mismo nanggaling.

Hidden ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon