Chapter 50
"Hey!" natauhan ako sa sigaw ni Ciana sa video call, napakurap-kurap ako at napatingin sa kanya.
"Ah, sorry" sambit ko, umirap naman siya at pinagkrus ang braso niya.
"You're spacing out na naman, what's on your utak ba?" tanong niya kaya umiling-iling ako.
"Wala, may naalala lang ako" sagot ko, at napabuntong hininga. "Nga pala, ano yung sinasabi mo?"
"Nevermind, he's not important naman" kumunot ang noo ko sa sagot niya "By the way, when ka uuwi?" tanong niya kaya napaisip ako. Kailangan ko siguro magbook ng flight sa June, kaso masyado naman yatang advance.
"In the end of June, siguro. Nakaleave naman ako ng three months" sagot ko, tumango naman siya sakin.
"Uhm, couzy?" tawag niya sa akin, I hummed as response. "Nagkita ba kayo ni Birdy? You seems lutang, ever since you step back in Philippines" nagulat naman ako sa tanong niya, pero napabuntong hininga ulit ako at sumandal sa sofa.
"To be honest, yes." umirap naman at napasandal din sa upuan niya sa opisina niya.
"I heard he cancelled his wedding, you should be careful. Cause I know, Lisa have a plan. Siya pa ba" she sounds serious kaya tumango ako, nung nakita ko nga si Lisa sa may parking lot parang gusto na akong patayin.
Ang hindi ko maintidihan kong paano sila naengaged? At bakit kinacelled ni Aiden ang kasal niya?
Napilitan lang ba siya don?
"N-Natatakot akong m-may gawin sila sayo, ayoko n-na... N-na may mawawala... D-dahil sakin"
"Wala pa akong magagawa sa panahong yun, Lyra! Masyado pa akong mahina. Hindi kita kayang protektahan!"
Di kaya? Blinackmail nila si Aiden, at sinabing sasaktan ako kapag hindi siya sumunod.
Ang despirada naman ni Lisa.
Napairap naman ako at tumingin ulit kay Ciana.
"I will, couz"
NAGLAKAD-LAKAD ako sa may beach kung saan rin kami nag-usap ni Tatay Jeku kahapon.
Nandito rin sila para icelebrate ang birthday week ni Tatay Jeku, sa 21 pa kasi ang birthday niya. Ang special siguro nun kasi ang haba ng celebration nila.
"Ang lalim yata ng iniisip mo?" napalingon ako sa likuran ko. Magulo ang buhok niya at mukhang kakagising lang.
Napalunok nalang ako nang bumilis ang tibok ng puso. Mas lalong kumabog ang puso ko nang humikab siya. Para siyang inosenteng bata.
Napatalikod ako sa kanya nang tumingin siya sakin.
"Hindi naman" sagot ko sa tanong niya kanina at nagsimula ulit akong maglakad.
Pero mas lalo akong kinabahan ng sinabayan niya ako sa paglalakad.
Parang nasa masikip na kwarto kami kasi halos hindi na ako huminga dahil nasa tabi ko siya.
Habang naglalakad kami ay ang tunog lang ng alon, at yapak ng paa namin sa buhangin ang namayani sa awkward na katahimikan.
"I cancelled my wedding" pambabasag niya sa katahimikan, napansin kong lumingon siya sa akin habang ako parang nakastiff neck dahil pinipigilan ko ang sarili kong lumingon sa kanya.
"Why?" tanging tanong ko sa kanya, alam ko naman na kinancelled niya. Ang hindi ko lang alam ay kong bakit?
"Because of you" doon na ako napalingon sa kanya, his eyes softened while staring at me. Habang ang puso ko walang tigil sa pagkabog.
Umiwas ako ng tingin at tinignan ko ang dagat, "Baliw kaba?" sambit ko, gusto kong sabunutan ang sarili ko kasi may bahid ng kaba ang pagsasabi ko nun.
Narinig ko namang napatawa siya ng mahina, "Siguro, pero sayo lang ako nabaliw" napakagat ako sa pang-ibaba kong labi.
"Anong dahilan? Bukod sa takot ka sa kanila." seryoso kong tanong, narinig kong napabuntong hininga siya.
Alam ko naman na, alam niya ang ibig kong sabihin.
"I guess, you already know that they threatened me" sambit niya kaya ako naman ngayon ang napabuntong hininga.
Napalingon ako sa kanya, habang siya nakatingin lang sa mga paa niya.
"At first, hindi ako masyado nagpaapekto. Hindi ko lang yun pinansin hanggang sa malaman ko na si Lisa ang nagpakana doon sa birthday" paliwanag niya. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi ng maalala ko ang debut ko.
Akala ko mga obsess na fangirl lang yun ni Aiden- well, obsess rin naman si Lisa sa kanya. Kaya nga despirada.
"She said that she'll hurt you, kapag hindi ako sumunod sa kanya. Pero nag-iba ang isip ko nung nagkasakit ka kaya iniwan ko siya university at pinuntahan kita sa bahay niyo. Doon ko napagdesisyonan na poprotektahan kita kahit anong mangyari" dugtong niya at napalingon sakin.
Puno ang mata niya ng lungkot, sakit at poot. Hindi ko alam pero nasasaktan rin ako, masyado na yung mabigat. Hindi man niya lang sinabi sakin ang lahat.
"Aiden..."
"Pero, hindi ko inaasahan yung sinabi ni Principal sakin. May mga lalaking nakaitim sa opisina niya nun"
"Paiyakin mo ulit ang unica hija ko, at sisiguraduhin kong mawawala ang babaeng pinakamamahal mo pati ang pamilya niya"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang pagbabata sa kanya ng principal. Paanong may ganong tauhan ang principal?
"At paparating palang nun ang mga magulang mo, Lyra. Kapag hindi ko daw sinunod ang sasabihin niya. Hindi mo daw sila makikita ng buhay dito sa pilipinas kaya walang akong nagawa" napakuyom ang kamao ko dahil sa sinabi niya.
Hindi ko maiwasang magalit sa kanila, bakit pati pamilya ko dinadamay nila. Ano bang pinag-iisip nila mag-ama?
"Yung dare?" tanong ko, curious pa rin ako don dahil sa sinabi ni Harry noon.
"Totoo yun" sagot ko ni Aiden at huminto siya kaya napahinto din ako at tumingin sa kanya, "Hindi ako sumangyon don kaso persistent ang pito kaya ginawa ko nalang"
Sinamaan ko siya ng tingin, ngumisi naman siya at itinagilid niya ng kunti ang ulo niya.
"Sabi nila, kailangan daw kitang saktan" tatadyakan ko na sana ang paa niya dahil sa inis kaso nailagan niya, na para bang inaasahan na niyang gagawin ko yun. "Wala naman talaga akong balak sumunod sa kanila, kasi ang gusto ko lang mapalapit ka sakin. At kapag naging sakin ka, hindi na kita papakawalan" napatingin ako sa kanya.
Napahawak ako sa balikat niya nang hinila niya ako at niyakap ang bewang ko.
Napakagat ako sa labi ko nang inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.
"Tulad ngayon"
BINABASA MO ANG
Hidden View
Teen Fiction[ COMPLETED: November 12 2020 - June 05 2021 ] Baize is an ordinary nerd at Serendipity University kaso nabangga niya ang isa sa mga babaerong lalaki sa university na yun. Since Baize transfered at Serendipity University and after she encountered th...