Chapter 38
Isang linggo matapus kaming mag-usap ni Kate ay umalis na din siya Serendipity at sa SSG. Hindi ko alam kong sino yung pumalit sa kanya sa posisyon.
November, dalawang estudyante ang umalis. Naalala ko tuloy yung nakikipagchikahan si Aliza samin tungkol sa sinabi ni Principal kay Aiden.
Sarap balikan ang mga alala pero hindi na mababalikan.
"Ano gusto mong kainin?" tanong ni Aiden. Magkahawak ang kamay namjn habang naghahanap ng pagkakainin sa labas ng University.
"Kahit ano" tipid na sagot ko sa kanya.
"Ako nalang kaya" napalingon ako sa kanya at kumunot ang noo, ngumisi lang din siya sakin "Masarap ako, Lyra. Alam ko—"
Hindi ko na siya pinatapus sa sasabihin niya dahil tinadyakan ko ang paa niya.
"Aray! Lyra! Okay lang masaktan ang paa ko, pero bagong sapatos ko 'to. Bininyagan mo naman eh, hindi ko nga hinayaan na binyagan nila Zay" reklamo niya.
"So mas mahal mo yang sapatos mo kaysa sakin?" tanong ko sa kanya, at bibitawan na sana ang kamay niya nang higpitan niya ito.
"M-May sinabi ba ako? Wala naman ah, sorry na mas mahal naman kita sa sapatos eh" umiwas ako ng tingin sa sinabi niya, punyawang lalaki. Sanay na ba siyang sabihan ang mga babaeng mahal niya?
"Okay" tipid na sagot ko sa kanya, napansin naman ko naman na sumimangot siya.
"Walang 'I love you too'?" napalingon ulit ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"Baka hindi yan totoo, alam kong madami ka ng sinabihan niyan kaya wag mo kong utuin" sagot ko sa kanya at umirap.
"Luh, hindi naman kami nagsasabi ng ganon sa isang babae ah. Sasabihin lang naman namin yun sa babaeng mahal talaga namin, yun ang tinuro samin ni Tatay" sagot ni Aiden kaya napaiwas ulit ako ng tingin.
"Baka sa kanya rin kayo natutong mangbabae" dagdag ko, natawa naman sa sinabi ko. Hindi naman siya umangal sa sinabi ko.
Patuloy lang kaming naglakad hanggang sa napadpad kami sa McDonald, doon nalang kami kumain at bumalik agad university.
Naglakad lang kami, malapit lang naman eh tas para na din na makapa-exercise daw kami, sabi ni Aiden.
"UUWI po kayo dito, Mom?" gulat na tanong ko kay Mom, napatawag kasi siya. Binilhan naman kasi ako ng selpon ni Aiden nong pagkatapus ng birthday ko.
"Yes, sweety. Advance celebration nalang sa Christmas, alam mo na. Magiging busy kami sa araw na yan" sagot ni Mom sakin, napatango-tango nalang ako kahit alam kong hindi niya yun makikita.
"Ye, I know" sagot ko, palagi naman silang busy. Minsan nga once a year lang sila bumisita dito, like now.
"If you want, pwede ka pumunta dito. You passport and visa is ready, hinanda ko talaga yan" I heard her giggle, kaya napailing-iling nalang ako. Mas gusto ko dito sa pilipinas kaysa sa Canada kaya nagstay ako dito.
"No, Mom. Gusto ko po dito magtapus" at ayaw kong iwan si Aiden. I was planning na ipakilala si Aiden kila Mom at Dad. Sana nga hindi magalit si Dad at hindi himatayin si Mom.
"I know, sweety. Baka mag-iba ang isip mo, sure ka na ba?" pagbibiro ni Mom sa kabilang linya kaya napairap nalang ako.
"Sure na sure" I proudly answer matching taas noo. Natawa naman si Mom parang alam na alam niya kung ano ang posisyon ko ngayon.
"We will be there in December 7" anunsyo ni Mom kaya napalingon ako sa kalendaryo.
"Then kailan kayo aalis?" tanong ko, narinig ko na naman na tumawa ulit si Mom sa tanong ko.
"Sweety, hindi pa nga kami nakakapunta dyan. Tinatanong mo na ang pagbalik namin dito. Ayaw mo bang bumisita kami dyan?"
"No, Mom! Nagtatanong lang naman ako ah" dali-dali kong sagot, baka kasi mag-iba ang isip nila eh.
"Sige na, matulog ka na, Sweety. May classes ka pa ba bukas diba?"
"Yes, goodnight Mom"
"Goodnight too, sweety. Sweet dreams"
NANDITO ako ngayon sa bahay nila Ciana, preparing sa pagdating nila Mom. Ngayon kasi ang pagdating nila.
Also, I told Aiden na uuwi sila sa pilipinas. Okay lang naman siya then he was really nervous and excited at the same time. Sinabi ko kasi sa kanya na gusto ko siyang ipakilala kila Mom.
"Susunduin ba natin sila Mom, Tita?" tanong ko kay Tita. She just looked at me and smile.
"Yes, dear. Alam mo naman yung Mommy mo, nagagalit kapag hindi sinusundo" nakangiting sagot ni Tita.
"Buti nga your not like Tita, Couzy. Maybe that birdy is bugbog sirado na talaga" agad kong pinanglakihan ng mata si Ciana, nangbubuking eh.
"Sino naman 'tong si Birdy, ha? Anak?" tanong ni Tita kay Ciana kaya napalunok ako, kapag ako binuking nito. Sasabihin ko rin kay Tita na may nanlalandi sa kanya.
"Shawn's twin, Mom. But Shawn's cuter than him" kinikilig na sagot ni Ciana, napailing-iling naman si Tita kay Ciana. Napabunting hininga nalang ako. Ano pa naman kasi ang aasahan ko kay Ciana? Sa kadaldalan niya palagi niya nalang kinikwento ang nangyari sa kanya buong araw kay Tita. Kaya hindi na ako magtataka na alam ni Tita na may something sila ni Harry.
"Kayo ha, kambal pa talaga ang pinagtripan niyo" napangiwi ako kay Tita, kami pa talaga nangtrip.
"That's the cousin goal, Mom. We caught same genes" kumindat naman si Ciana sa akin kaya ako na yung napailing-iling sa kanya.
Noon tudo bash siya sa kambal, ngayon halos ikwento na niya sa buong angkan namin na nakabingwit kami ng kambal.
"TITA!" sigaw ni Ciana at unang sumalubong kina Mom, agad naman siyang niyakap pabalik ni Mom.
Sinalubong ko naman si Dad at binigyan ng isang yakap "I miss you, Dad" usal ko.
"I miss you too. Ang laki laki na ng prinsesa namin, eh noh" natawa naman ako sa sinabi niya, ginulo niya lang ang buhok ko at hinalikan ako sa noo "Hayss, ayokong isipin na may lalaking aagaw sayo mula sakin. Dadaan muna siya sakin bago ka makuha"
Napalunok naman ako sa kaba, bakit ako yung kinakabahan para kay Aiden. Sana nga kaya ni Aiden yun, hindi nga siya dumaan sa proper ligaw.
Pinakain nga lang niya ako noon ng sopas, sinagot ko agad siya eh.
BINABASA MO ANG
Hidden View
Fiksi Remaja[ COMPLETED: November 12 2020 - June 05 2021 ] Baize is an ordinary nerd at Serendipity University kaso nabangga niya ang isa sa mga babaerong lalaki sa university na yun. Since Baize transfered at Serendipity University and after she encountered th...