Chapter 44 - Drunk

5 1 6
                                    

Chapter 44

"Happy Birthday" bati ko kay Yuan, tipid lang akong ngumiti.

"Baize!" bati ni Yuan sakin, binuka niya pa ang mga braso niya at nag-eexpect ng yakap.

Umirap lang ako sa kanya at pinagkrus ang braso ko.

"Anong pakulo yun?" nakakunot noo kong tanong ko sa kanya, naiisip ko palang na sinadya niyang hindi ako bigyan ng number niya para si Aiden ang sumundo sakin parang gusto ko na siyang sakalin hanggang sa mamatay siya.

"Huh?" nagtataka niyang tanong pero nung pumasok sa kukuti niya yung sinabi ko, mahina siyang napatawa "Hindi pakulo yun, Baize. Para-paraan yun ni Nix, lol" mas lalong kumunot ang noo ko kay Yuan.

Halos maligo na ako sa pawis dahil sa kaba nung sumakay ulit ako sa kotse ni Aiden. Tangina.

"Anyways, enjoy" sambit niya bago umalis sa harapan ko. Napadako ang tingin ko sa lamesang puno ng regalo, ngayon ko lang narealize na wala akong regalo sa tukmol.

I guess, ang pag-attend ko sa birthday niya ang tanging regalo ko. Hindi naman siya humingi ng regalo sakin.

Napalingon ako sa paligid, napabuntong hininga nalang ako nang mapansin na wala talaga akong kakilala dito, except sa natitirang Zephyrus na nandito sa loob venue.

Si Aiden, Yuan, Seb at Harry lang nakikita ko dito sa loob. Nasaan kaya yung iba?

Naglakad ako papunta sa may chocolate fountain at nagkuha ng isang marshmallow at isinawsaw doon. I guess, magdedessert nalang ako.

Nagkakasayahan sila kaya dito nalang ako, magdadagdag ng sugar sa katawan. Sunod kung kinuha yung cupcake sa gilid.

Wala namang makakapansin sa akin dito kong nilalantak ko ang mga dessert, nagsasaya naman sila habang ako nagsasaya sa dessert.

Wala rin naman akong kainoman, tsaka ayokong malasing noh. Lalo na nandito ang kinakatakutan kong tukmol.

Patagal ng patagal ang party at patuloy parin ako sa paglalantak ng dessert, sinusubukan ko lahat eh. Minsan lang naman 'to.

Tsaka ang sarap kaya, at nag-eenjoy ako. Sabi naman kasi ni Yuan na mag-enjoy ako.

Gosh! No one will ruin this for m—

"Lyra" nanigas ako sa boses na tumawag sa akin, nalimutan kong nandito rin pala ang isang 'to "Lumingon ka sakin" sambit niya kaya agad akong napalingon sa kanya.

Agad ko binaba ang baso na may lamang chocolate ice cream at tumayo nang tuwid sa harapan niya.

Kumunot naman ang noo niya at napatingin sa labi ko, ngayon ko lang din naalala na may kutsara pala doon. Kakasubo ko lang kasi sa ice cream nang tinawag niya ako! Kaya nalimutan kong kunin ang kutsara sa bibig ko dahil sa kaba.

Dali-dali ko naman yung kinuha at inilagay doon sa baso.

"L-Lyra" narinig ko siyang suminok kaya napaatras ako.

"No way! Wag mong sabihi—" naputol ang sasabihin ko nang niyakap niya ako bigla, halos hindi na ako makagalaw.

"Lyra, hindi sa m-marupok ako pero bumalik ka na sa akin" sambit niya at nagsimulang humikbi. Tangina! Sinubukan ko siyang itulak papalayo sa akin kaya mas humigpit ang pagyayakap niya sa bewang ko.

"Aiden! Lasing ka!" halos sumabay na ako sa pag-iyak niya. Gago talaga ang isang 'to! Hindi ko magawang makawala!

"Hindi ako lasing, mahal ko" halos maiyak na talaga ako sa pinagsasabi niya. Ano ba kasi ang iniisip niya at naglasing ng ganito?!

"Aiden, pakiusap. Lubuyan mo na ako" bigla akong nanigas nang tumingin siya sa mga mata ko, pansin ko doon ang lungkot at sakit.

"Bakit? May mahal ka na bang iba?" gusto ko na talagang maiyak! Bakit ganun? Tunog telerserye yung pagkakasabi niya.

"Lasing ka lang, Aiden" sagot ko sa kanya at yumuko, pero hinawakan niya ang pisngi ko at pinatingin sa mga mata niya.

"Hindi ako lasing, mahal ko. Gusto ko lang linaw at ipagpatuloy ang ating pag-iibigan" kung mahimatay man ako ngayon, sana walang tumulong sa akin.

Ayoko ng magising at maalala ang kakahiyang ginawa ng gago 'to!

"Pero, ikakasal ka na kay Lisa" sambit ko, gosh! Bakit feeling ko nasa teleserye kami?! Nalalasing din ako sa kagaguhan ni Aiden!

"Sino si Lisa?" tanong niya at parang binatang hibang na hibang sa isang dilag. Napangiti naman ako doon.

"Well, that's a pleasant side effect ng alak" sambit ko.

"What the— anong ginagawa mo kay Baize, Nix?!" gulat na tanong ni Zay na napadaan, sinamaan naman siya ng tingin ni Aiden.

Napapikit nalang ako nang maingat akong niyakap ni Aiden ng mahigpit at nasa ulo ko ang isang kamay niya at ang isa niyang kamay nasa bewang ko habang ako nakasandal sa dibdib niya.

"Hindi mo siya maagaw sa akin, señor. Pagmamay-ari ko ang babaeng ito" sambit ni Aiden, nanlaki ang mga mata ko habang napangiwi si Zay.

"What the fuck?!"

"Gago! Kunin mo na siya, Zay!"

Sabay na sigaw namin ni Zay, ang lakas na ng tama ni Aiden!

"Hindi ko hahayaang matuloy ang inyong kasal ng aking mahal, señor." mukhang galit si Aiden, at hindi na namin siya maintidihan ni Zay.

"Tangina niyo, bahala kayo sa buhay niyo. Dinadamay niyo pa ako" iritadong sambit ni Zay "Mas gusto ko pang mag-alaga ng batang hindi ko maintidihan kaysa makipag-usap sa lalaking lasing at hibang" dagdag ni Zay at napailing-iling, binigyan niya lang ako ng 'good-luck' looks bago siya umalis.

"Zay!" iritado kong tawag sa kanya kaso hindi na lumingon ang gago, napapadyak nalang ako sa inis.

"Mahal ko, naiinis ka ba kasi isa lang akong hamak na kutsero?" tanong ni Aiden at sinapo ang magkabilang kong pisngi.

"Anong pinagsasabi mo, Aiden?" ang lakas na talaga ng tama niya! Gusto ko tuloy siyang tamaan ng kamao ko!

"Wala ka ba talagang maalala? Dahil ba yun sa pagkakabagok ng iyong ulo nung isang araw?" nag-alala niyang sambit, napapikit nalang ako at napakagat sa ibabang labi ko.

"Eh kung yang ulo mo kaya ang ibagok ko" iritado kong sambit sa kanya, bumuntong hininga naman siya at hinalikan ang noo.

Napahawak naman ako sa dibdib ko, dahil parang lalabas na yata ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng kabog.

"Kung wala kang maalala, sasabihin ko sayo lahat. Ang aking ama mismo ang kutsero ng iyong pamilya kaso siya ay agad ng namayapa nung kami'y bata pa lang ng aking Kuya. Kaya ako ang pumalit sa kanyang pwesto. Nagkakilala tayo nung ako'y naligaw sa inyong masyon. At nung araw na yun naging magkaibigan tayo hanggang sa umamin ako ng aking pagtingin sa iyo, at nagagalak mo namang tinaggap iyon. Hanggang sa dumating si Señor Zay at pinagkasundo kayo ng inyong mga magulang. Tutol kayong dalawa nun kaso bilang masunurin bata ay hindi ka tumanggi sa alok ng iyong ama. Si Señor ay hindi rin makatanggi dahil ikakasira ng kanilang reputasyon. Gusto kitang itakas kaso sabi mo na mananatili ka dahil ayaw mong may mangyaring masama sa iyong ama at lalo na sa akin. Lubos akong nagluksa kasi mahal kita"

Hidden ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon