Chapter 31 - Family

11 1 12
                                    

Chapter 31

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Aiden nang makasakay na ako sa kotse niya.

"Magpapaalam muna ako kay Tatay, tas punta tayo sa Amitiel" sagot niya at nagseatbelt, tumango-tango nalang at nagseatbelt din.

Tahimik lang kami sa byahe namin, hindi nga sana 'to matutuloy nang sinabi ni Mama na uuwi sila pero sinabi kong mag-a-out of town kami ng kaibigan ko.

Alangan naman sabihin ko nakipag-out of town kami ng jowa ko, baka himatayin yun tas magbeast mode si Papa kaya dinahilan ko nalang na kasama ko ang mga kaibigan ko.

Hindi pa nila nakikilala si Aiden at gusto ko siya ipakilala kapag nakagraduate na kami sa high school.

NAPANGANGA na lang ako nang makita ang mansyon ni Jeffrey! Ang laki!

"Amazed, huh?" tanong ni Aiden at lumabas na sa kotse kaya sumunod na ako sa kanya.

Sanay na ako na hindi ako pinagbubuksan ng pinto ni Aiden, hindi naman yun gentleman.

Hinintay niya ako at sinabayan ako sa paglalakad papunta sa loob, akala ko tahimik lang ang sasalubong sa akin sa loob pero parang nasa palengke yata ako dahil sa ingay.

Parang imagination ko lang yung katahimikan sa labas tas nung pumasok ako naging palengke.

"Bobo mo, Lantz! Cancer ka pala eh!" rinig kong sigaw ng isa sa mga babaero na talagang kilalang-kilala ko.

"Tangna mo, Zay! Pinilit mo lang ako maglaro nito pero sinisisi mo ako?!" sigaw naman pabalik ni Erlantz, hindi pa nga kami nakakarating sa living room naririnig na namin ang ingay nila.

Nakalunok ba ng speaker ang mga 'to?

"Ano ba, Ray?! Ang buhok ko"

"Hindi ko hinila ang buhok mo, Han! Ikaw nga 'tong humihila eh!"

"T-Teka?! Sinong nagtali ng buhok namin?!" narinig kong sabay na sigaw ni Ryder at Yuan, kasabay nang pagkarinig ko sa tawa ni Zyrell.

"Ngayon niyo lang napansin?"

"ZYRELL KEITH GUILLERMO! KAKALBOHIN KA TALAGA NAMIN!"

Nang makarating na talaga kami sa living room, nakita ko si Seb na nasatapat ng electrifan na walang damit pang-itaas at nagpapahangin. Tamad niya lang akong binigyan ng tingin saka bumalik sa pagtitipa sa selpon niya.

Hindi naman sa naaakit ako sa walong pandisal niya'ng sunog pero nakakailang lang kasi. Hindi niya ba alam ang salitang 't-shirt'?

Si Uzriel naman hindi man niya lang kami siguro napansin? O ayaw lang talaga kaming pansinin? Nagbabasa lang naman kasi siya ng libro sa sulok.

Natigil naman sa paglalaro at pagbabangayan yung natitira at napatingin sa amin.

"Nasaan si Kuya?" tanong ni Aiden at umupo sa tabi ni Seb at inagaw yung electrifan.

"Aba! Gago ka ah!" agad naman siyang binatukan ni Seb at binawi ulit ang electrifan.

"Aray! Andamot nito!" sigaw niya kay Seb pero di na siya nito pinansin.

"Hindi mo alam? Susubukan niyang pigilan si Tatay para makaharap si Ciana" napakurap-kurap naman ako sa sagot ni Erlantz, haharapin na ni Jeff si Ciana?

"Done" komento ni Zyrell na sinundan ni Seb at ni Aiden.

"Ayoko makilala ni Aliza si Tatay" tulalang giit ni Erlantz at para bang ang laking problema nun.

"So do I, ayokong mameet ni Impakta si Tatay" kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Yuan, SINONG IMPAKTA?!

"Gentledog talaga 'tong si Nix, hindi man lang pinaupo si Baize" singit ni Uzriel at ibinaba yung libro niya "Umupo ka dyan, Baize" tumango lang ako sa kanya at umupo sa couch na inuupuan niya.

"Eh?! Kasama mo pala si Baize?!" nawindang ako sa tanong ng apat na tukmol, ngayon lang nila napansin?!

"Di ba obvious?" sarcastic na tanong ni Aiden at tumabi saakin.

"Wow, hindi ko maimagine na dadahil ko dito si Aliza" giit na naman ni Erlantz at inaalala na lahat na yata ng malalaking problema ay sa kanya napunta.

"Sana all nalang kay Uzriel, Childhood friend kasi ang pinagtripan kaya ayun approved agad" giit naman ni Ryder habang pinuputol yung buhok niya na nakatali rin sa buhok ni Yuan, bakit naman kasi sila nagpahaba ng buhok "Bye bye, buhok" malungkot niyang giit.

Siya nalang yung nagparaya para hindi lang mabawasan yung buhok ni Yuan, edi wow.

Ngayon ko lang din napansin na hindi pala nakatayo yung buhok ni Seb, nakalugay lang din ito pero mas maikli kesa kina Yuan at Ryder.

"Buti nga hindi tinopak si Fayre nung nagpakita si Tatay, akala talaga ni Fayre nun may nagpakita sa kanyang multo na nanghihingi ng tulong" tamad na sambit ni Seb habang nakatutok parin sa selpon niya.

Agad naman tumawa si Erlantz, Aiden at Zyrell.

"T-Takot nga pala si Pres sa multo noh?" natatawang tanong ni Zyrell.

"Kaya ayaw niya sa office niya eh, kasi katapat ng bintana niya yung puno ng mangga. May mga kapre daw kasi dun" natatawang saad ni Aiden kaya napakunot nalang ang noo ko.

"Mukha naman siyang multo" biglang tumawa ng malakas si Erlantz kaya natahimik si Aiden at Zyrell, lahat yata kami nakatingin sa kanya pero si Seb talaga yung nanlilisik yung mata.

"Pinagsasabi mo, Lantz?" malamig natanong ni Seb sa kanya kaya napatigil sa pagtawa si Erlantz at napalunok sa kaba.

"S-Sabi ko m-mumul—" putol putol na sagot ni Erlantz, pinipigilan naman ni Aiden at Zyrell ang tawa nila.

Para na talaga akong estatwa dito na pinapanood lang ang katarantaduhan nila.

"Ghe, galingan mo sa sagot mo, Erlantz" natatawang giit ni Aiden kay Aiden

"Go Erlantz baby, ah~" bulong  na unggol ni Zyrell pero agad siya binatukan ni Yuan.

"Ayusin mo utak mo, Zay!" sigaw ni Yuan at Ryder sa kanya.

Ito na nga ba ang sinasabi ko?! Anong inosente?! Sinong nagsabing inosente ang lalaking 'to!? Kabaliktaran ng pagmumukha niya ang mga lumalabas sa bibig niya!

"Anong ganap dito?" napalingon kami sa may pintuan nang may nagsalita.

S-Si Harry at si Jeff— na may dalang isang plastic ng snow bear. Seriously?

"Wow Tay, ha. Noon sandamakmak na Eden yung dinala mo, ngayon Snow bear? Ano sunod?" natatawang tanong ni Zyrell at lumapit kay Jeff saka nagmano, sumunod naman ang iba pati si Aiden.

Naiilang tuloy ako, tangna! Ambabait na bata, amp. Hindi ko maimagine na magmano kay Jeff! Baby face kasi ang gagi!

"Wala nang susunod, Zay!" sigaw ni Erlantz at ginawang ekis ang braso niya.

"Agree" sabay na sang-ayon ni Ryder at Yuan.

Napabagsak naman si Harry sa upuan at napabuntong hininga "Pwede na siguro ako mamahinga" giit ni Harry na mukha talagang pagod.

Agad namang tumayo si Seb at dinaganan si Harry "Aray! Amputa mo, Baste!" sigaw ni Harry, sumunod naman si Zyrell at Erlantz sa pagdagan kay Harry "Mga tangina niyo! Pagod ako!" sigaw niya pero tinawanan lang siya ng tatlo.

Pero nawindang ako nang biglang sumali si Jeff at nakikipaglaro na sa kanila, napasapo nalang sa noo sila Ryder, Yuan at Uzriel.

"Pamilya ko nga pala, Lyra" napalingon ako kay Aiden nang binulong niya yun sa akin, nakatingin lang siya kila Seb na nagsasapakan na sa isang couch. Pero lumingon rin siya sakin at ngumiti "Even though his not our real father, nandyan lang siya palagi kapag kailangan namin siya. He's willing to hold our hand when we need him the most. Walang Zephyrus kung wala siya"

Hidden ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon