Chapter 7 - More trouble

15 1 7
                                    

Chapter 7

"Fvck, Nerdy! Calm down!" sigaw ni Aiden habang umaakyat sa pader dito sa eskinita.

"Calm down your face!" sigaw ko sa kanya, halos maiyak na ako ng makita ko na ang guard papasok sa eskinita.

"Nandito lang palang kayo, pinagod niyo pa ako" reklamo nung guard, bakit niya kasi kami sinusundan.

"Nerdy!" sigaw ni Aiden at inabot ang kamay niya, nasa taas na siya ng pader. Agad naman akong humawak sa kamay niya kaso nahawakan ng guard yung paa ko.

"Mahalay!" sigaw ko, malamang nakapalda ako. Pero may shorts ako, sadyang sinabi ko lang yun para may permiso akong tadyakan ang mukha niya.

Napabitaw naman siya sa paa ko at nakaakyat na kami sa pader, at itong si Aiden na isip bata, binilatan pa ang guard bago kami tumalon.

"Okay ka lang?" tanong niya kaya tumango ako, nagkatitigan kami hanggang sa natawa kami pareho.

"Kinabahan ako don ah" natatawa kong saad at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"So do I" sagot ni Aiden habang nakatingin sa akin na may ngisi kaya napakunot ang noo ko.

"What?"

"Wala lang, this is your first time, right?" tanong niya kaya tumango ako "I must be your Flinn then" nakangisi niya saad.

Huh? Sino si Flinn? Diba Phoenix Aiden name niya. Sino naman kaya yun?

And what the hell?! He just said 'your'.

"Sino yun? At anong kagaguhan yung sinasabi mong your" nagtataka kong tanong. Pinitik lang niya ang noo ko "Aray"

"Di ka ba nanonood ng Rapunzel? I thought you know him" napatingin ako sa kanya habang hawak ko ang noo ko, seriously? Nanonood siya ng ganun?

"Nanood naman ako, hindi ko lang alam yung name ng boy" sagot ko, at lumihis ng tingin sa kanya "Bakit mo naman sinabi na ikaw si Flinn?"

"Cause he escape with Rapunzel, right?" napatingin ako sa kanya "Rapunzel lives in that tower at hindi siya lumalabas ng ilang taon, same as you are. This is your first time na lumabas ng university na may program o klaseng ginagawa" napatango-tango naman ako, pero bakit nagpapantasya ang isang 'to.

"Arf Arf Arf" nanigas ako sa kinakatayuan ko ng mapansin na may bulldog na nakatingin sa amin ni Aiden, sa tingin ko ginambala namin siya.

"A-Aiden" tawag ko sa kanya habang hinihila ang manggas ng jacket niya.

"Bullshit..." mura niya at buti nalang di siya kagayan ng iba na ginagawang shield yung kasama kasi siya yung naging shield ko.

Matutuwa ba ako dito o kakabahan?

"Another malas na naman yung humahanol sa atin, taena mo kasi Aiden. Nung umulan ba ng kamalasan, sinalo mo ba lahat?" kapag tumakbo kami, siguradong hahabulin kami ng asong yan at kung tutunganga kami dito siguradong kakagatin kami dito!

"Aba ewan ko" sagot niya saka hinawakan ang pulso ko.

"Ano plano mo?" tanong ko rito, ano ba talaga plano namin? magtitigan lang ba sila ng aso?

"Isa lang ang alam kong dapat nating gawin" sagot niya at dahan dahang umatras kaya umaatras din ako.

"Ano?"

"Tumakbo" kasabay ng sagot niya ang pagtakbo namin! Amputa talaga kapag kasama ko ang isang 'to! Kanina Guard yung humahabol sa amin ngayon Aso!

"Taena Aiden! Di ko na kayang tumakbo!" sigaw ko habang hinihingal, hawak ni Aiden yung kamay ko at hinihila ako pero di ko na kaya sakit ng paa ko.

"Arsh! Kunting tiis nalang Lyra!" sigaw niya, para kaming mag-asawang nasa hospital tapus mangiyak-ngiyak na yung mister niya dahil may taning na yung misis niya, amp.

"A-Aiden!" sigaw ko mawalan ako ng balanse, nasalo niya naman ako pero di ko na kayang maglakad. Gosh!

"Arsh!" halos sabunutan niya ang buhok niya dahil sa irita, kinarga niya ako in bridal style ulit "Ang bigat mo, Nerdy!"

"Tumahimik ka nga!" sigaw ko rito at niyakap ang leeg niya, walang tigil sa pagkahol yung aso.

"Aiden, bilisan mo! Maabutan na tayo!" sigaw ko na ikinangiwi ni Aiden, malamang  sumigaw ako malapit sa tenga niya.

"Shut up, Nerdy! Ang bigat mo kaya!" sagot niya sa akin, napabuntong hininga naman ako ng binaba niya ako sa paanan ng isang jeep at sumakay dito.

"Pwe, muntik na yun" saad ko habang nakahawak ng mabuti sa hawakan, nasa labas kasi kami ng jeep kasi puno na yung nasa loob.

"U-Unforgettable Nutrition Month, right?" tanong niya habang hinihingal, napatango lang ako sa kanya, ng may sumagi sa isip ko.

"Nagdala ka ng pera?" tanong ko, sana naman at nagdala ang isang 'to. Selpon lang dala ko kasi nasa bag ko yung wallet ko.

"W-wait" kinapa niya ang bulsa niya gamit ang isa niyang kamay, napalunok ako ng nanlaki ang mga mata nito. Sheyt! Napatingin ito sa akin na sinasabi na hindi niya na dala.

"W-Wala rin akong dalang pera" saad ko sa kanya, napalunok naman siya sa kaba. Sa amin pa talaga napunta ang lahat ng malas sa araw na 'to! Wait— kasama ko nga pala ang dakilang habulin ng malas!

"Wala rin ang selpon ko" sabi niya at lumihis ng tingin sa akin, aba! Siya ang nagdala sa akin sa sitwasyon na ito! Tapus— arsh!!!

"Tatawagan ko nalang si Ciana" saad ko at dinial ang number ni Ciana, nakayakap si Aiden sa bewang ko habang nagtatayp ako. Dalawang kamay gamit ko, para sure na di malaglag. Malas pa naman tong katabi ko.

"Hindi pa tapus ang Opening, mga 5:30 pa ng hapon yun matatapus at 4:00 palang ngayon" saad ni Aiden habang nakatingin sa selpon ko. Kaka-4:00 palang kaya matagal pa bago matapus ying program.

"Alam ko, Aiden. Alam ko" sarkastiko kong sagot sa kanya, kainis bakit di sumasagot si Ciana.

Napangiti naman ako ng sinagot na niya ang tawag, kailangan ko talaga ang tulong niya.

"Couz?! Where are na ba?! Arsh! Kanina ka pa namin hinahanap ni Lovely dit—"

"Couz, listen. I want you to meet us in the Mall, asap! And please, pakidala rin ng bag ko" saad ko sa kanya, huminto naman ang jeep. May baba yata, kaya napatabi kami ni Aiden.

"Why? The ugly guard won't let us—"

"MAGNANAKAW!"

Hidden ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon