Chapter 36
"Ano?! Anong wala na sa pilipinas si Aliza?!" gulat kong tanong kay Pres. Nag-aayos siya ng papel bago niya ako tignan.
"Pumunta siya sa China. Pagkatapus ang nangyari sa Halloween Party. And you're the next Secretary" sagot ni Pres, napanganga naman ako sa huli niyang binanggit.
"Bakit ako?" nagtataka kong tanong.
"Kasi pinili kita?" patanong na sagot ni Pres at nagkibit balikat "I trust you, Baize. Kaya ikaw ang pinili ko"
"Pero bakit umalis si Aliza? Ano ba talaga ang totoong nangyari sa kanya nong gabing yun?" tanong ko kay Pres, bumuntong hininga muna siya bago ako harapin at hinawakan ang magkabilang balikat.
"I'll tell you, kapag pumayag ka na maging secretary ko" bumuntong hininga ako saka tumango, hindi naman big deal sakin ang pagiging secretary.
Papayag naman ako kahit hindi pa kapalit nun ang pagsabi sakin ni Pres ng totoong nangyari kay Aliza.
"Don't tell Erlantz or one of them, even Nix" matigas na sambit ni Pres, tumango-tango naman ako. Pinagkakatiwalaan ako ni Pres at hindi ko yun bibiguin.
"She went in China because—"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, bakit hindi nila sabihin kay Erlantz baka matulungan siya nito.
"Bakit hindi niya sabihin kay Erlantz ang totoo?" tanong ko kay Pres, umupo nalang siya sa tabing silya at sumandal dito.
"Yan rin ang sinabi ko sa kanya, even Ciana convince her to tell her states to Erlantz" sagot ni Pres, napatulala nalang ako. Hindi ko maintidihan ang sitwasyon nila ngayon "And that Halloween night, hindi naman talaga nasira ang costume niya. Doon niya lang nalaman na may problema na pala si Erlantz"
"And your cousin comfort her?" tumango-tango naman siya sa tanong ko.
"Ciana insist na siya ang maghahanap sa mga taong sumira sa costume ni Aliza, alam mo namang yang pinsan mo. Sulong lang ng sulong kaya sinabihan ko siya sa sitwasyon ni Aliza"
"Then she almost faint?"
"Yes" tipid na sagot ni Pres, napailing-iling nalang ako.
Sana maging okay na si Aliza, sana din sinabi niya kay Erlantz at sa iba ang pinagdadaanan niya.
"ANONG sinabi niyong umalis ng bansa si Tine?!" galit na sigaw ni Erlantz, sumugod lang kasi siya dito sa detention room habang ang iba ay pinipigilan siya sa pagwawala.
Napayuko nalang ako, hindi ko sila kayang tignan. Tanging ako, si Pres, Ciana, Janiah at si Kate lang ang nakakaalam.
"Anong dahilan niya?" tanong ni Lovely na nasa tabi ko, bumuntong hininga naman si Pres at taas noo'ng tinignan si Erlantz.
"Alam kong masakit, Lantz. Na umalis siya at hindi nagpaalam sayo. Pero hindi ka dapat nagwawala, kapag ba nalaman niyanf nagwala ka dito. Babalik ba siya?" sambit ni Pres at hinampas ang dalawa niyang kamay sa lamesa "Diba hindi?" seryoso niyang dagdag.
Napatahimik nalang kaming labing isa dito dahil sa sermon ni Pres, masakit naman kasi ang ginawa ni Aliza pero hindi namin siya masisisi sa ginawa niya.
"Eh bakit niya yun ginawa?!" sigaw pabalik ni Erlantz kay Pres, agad naman hinarang ni Ryder ang sarili niya para hindi na naman magwala si Erlantz.
"Lantz!" suway ni Seb kay Erlantz at hinawakan nito ang isang braso.
"Gusto mo talagang malaman?" tanong ni Pres sa kanya, kaya napaangat kami ng tingin ni Ciana at Kate.
"Ame girl" sambit ni Ciana, hindi ko alam kong sasabihin na ba talaga ni Pres ang totoo. Siya mismo nagsabi sakin kanina na wala akong sasabihin kina Erlantz at sa iba. Baka pinalano niya na kanina na siya mismo magsasabi nito.
"May malalang sakit si Aliza kaya siya umalis ng bansa, Lantz"
"TOTOO ba yung sinabi ni Amethyst kanina?" tanong ni Aiden sa akin kaya napatungo ako saka ako dahan-dahan tumango.
"Naaawa ako kay Erlantz, sana sinabi ni Aliza ang totoo bago siya umalis" sambit ko at tumingin ng diretso kay Aiden, bumuntong hininga naman siya at napasandal sa upuan.
"Ganun rin naman siguro ang reaksyon ko kapag umalis ka ng walang paalam eh" sagot niya at napatingala sa kisame "Pero alam kong makakaya niya yun, pati si Aliza. Malalabanan niya ang sakit niya"
Napatungo ulit ako nang mabanggit niya ulit si Aliza, hindi ko alam kong tama ba na magsinungaling kami sa kanila. Pero desisyon ni Aliza na itago ang lahat, ayaw ko naman na ako ang bubunyag nun.
"May problema ba, Lyra?" napalingon ako kay Aiden sa tanong niya saka tumango.
"A-Ako kasi ang papalit kay Aliza sa pagiging SSG Secretary" saad ko para iwasan ang pagdududa niya na hindi totoo na may sakit si Aliza.
"Ano?! Pumayag ka ba?" gulat niyang tanong, tumango lang ako at napasandal sa inuupuan ko.
"Okay lang naman sakin yun, pero sa—"
"Okay lang din ako" pagpuputol niya sakin at umiwas ng tingin sakin, pinagkrus niya naman ang braso niya.
"Eh, parang hindi naman ah"
"Hindi naman sa nagtatampo ako dahil pumayag ka ng hindi man lang ako tinatanong kong okay lang ba sakin sumali don, pero parang ganun na nga" napailing-iling nalang ako sa sinabi niya. Tinanggal ko naman ang scarf ko at tumayo para ipulupot yun sa leeg niya.
"Kung hindi ka okay, sayo muna yan. Ibalik mo nalang kong okay ka na" sambit ko sa kanya at iniwan siya dun.
"L-Lyra!"
"I can't believe talaga! Did just Ame girl lied?!" maarteng sigaw na bulong ni Ciana sa table namin dito sa canteen. Kaming tatlong lang dito sa table.
"Para naman siguro yun kay Aliza, at ayaw rin naman ni Aliza na malaman ni Erlantz ang totoo" sagot ni Kate kaya napatango-tango nalang ako "Pero ang hindi ko maintidihan ay sinagot na ba talaga ni Aliza si Erlantz"
"Baka sinagot na niya? They made a big problem nga oh" pinandilatan ko ng mata si Ciana, ang daldal eh tas ang lakas ng boses.
Magsasalita na sana ako nang may naglagay sakin ng scarf sa leeg "Okay na ako" napatingala ako sa taong naglagay sakin ng scarf. Nakangisi siya sakin saka niya ako hinawakan ang leeg ko at binigyan ng tipid na halik sa labi.
Nagkatitigan lang kami dalawa, kahit nakabaliktad ang mukha niya. Hindi parin makakaila na ang gwapo niya.
"Ehem, anong okay ka na, Nix?" tikhim ni Kate kaya napaayos ako ng upo at tinago ang kalahati ng mukha sa scarf.
"P-Payag na siyang maging secretary ako ng SSG" sagot ko, tumabi naman si Aiden sakin at kinuha ang sandwich ko na hindi pa nauubos.
"But in one condition" singit ni Aiden matapus niya nguyain ang kinain niya.
"Ano na naman yan?" nakakunot noo kong tanong sa kanya. Bahagya naman siya lumapit sakin at inilagay niya ang labi niya sa bandang tenga ko.
"Kakapa lang ako, Lyra. Kakapa"
BINABASA MO ANG
Hidden View
Teen Fiction[ COMPLETED: November 12 2020 - June 05 2021 ] Baize is an ordinary nerd at Serendipity University kaso nabangga niya ang isa sa mga babaerong lalaki sa university na yun. Since Baize transfered at Serendipity University and after she encountered th...