Chapter 10 - Friend

28 1 32
                                    

Chapter 10

"Ang masasabi ko lang ay mas magaling parin ako magluto— I mean I can full Lyra's tummy for 9 months" agad nanlaki ang mga mata ko nang binanggit niya ang pangalan ko at tumingin sa akin na may ngisi "Rawr" dagdag niya at kunwari may kinakalmot ang isa niya kamay.

"Waaaaaah!!!"

"Ang cute mo, Phoenix!!!"

"Ako rin, ako rin! Patikim!!!"

"Akin na nga yan! Puro ka kagaguhan!" iritadong sigaw ni Pres at inagaw ang microphone kay Aiden, nagkibit balikat lang siya kay Pres at tinignan ulit ako at kinindatan.

Ang manyak niya! Anong 9 months!? 9 months niya mukha niya!

Nagdaldalan pa sila na puro namang kalokuhan, parang matatanggal yata mata ko sa kakairap. Nag-agawan lang din ang mga judges sa iisang mic.

"At last! Luto na lahat ng hinandang pagkain ng mga contestant!" giit ng Emcee, napabuntong hininga naman ako. Sa wakas, matatapos na ang kalokuhan na pinagsasabi ng Zephyrus kanina.

"Sino gusto maunang maghain ng mga pagkain sa mga judges?" tanong ng Emcee sa mga contestant.

"Ako" representa ni Erlantz, napataas naman ang kilay ko. Para siyang professional chef ah! Sa pagkaconfident!

"Waaah!!! Patikim po fafa Erlantz!"

"Alam kong yummy nyan kasi yummy ka rin Erlantz!!!"

Mas lumakas ang hiyawan ng mga kababaihan ng may tig-iisang plato nang inihain si Erlantz sa mga judges.

"Masarap ba 'to?" ngiwing tanong ni Sebastian.

"Tikman mo para malaman mo, duh?" mataray na sagot sa kanya ni Pres.

"Yak! Ba't antamis na may malambot na ano?!" tanong ni Zyrell, na siyang unang tumikim.

"Marshmallow ba 'to?" tanong ni Ryder at ipinakita kay Erlantz ang marshmallow'ng tinutukoy niya.

"Ah— Oo" sagot ni Erlantz.

"Amputa!" sigaw ng pitong babaero kay Erlantz.

"Tangna! San mo nakuha yung Marshmallow?!" tanong ni Aliza na napatayo niya. Para na silang nagkakagulo sa stage, natigil ang hiyawan at tahimik na nagmamasid.

"Nakita ko sa lamesa, akala ko kasali sa ingredients" sagot ni Erlantz, diba ang galing sa kalokuhan tapus anhina ng utak. Kilan pa lalagyan ng marshmallow ang dinuguan?!

"Ba't antamis na maalat yung sabaw?" nandidiring tanong ni Aiden kay Erlantz, nakatingin lang din siya sa pagkain na parang nagtataka kong anong lasa yun.

"Ah, nilagyan ko ng asin tsaka chuckie" sagot ni Erlantz, napasapo nalang ako sa noo ko! Jusmeyo, Erlantz?!

"Punyawa ka, Erlantz! Kaya pala nawawala ang chuckie ko!" iritadong sigaw ni Aiden kay Erlantz, iritado din siyang napatayo at tinitigan ng masama si Erlantz "Idisqualified niyo ang isang 'to! Binaboy niya yung pagkain! Binaboy mo yung pagkain, Erlantz!" iritado niyang sigaw dito at binato ang kutsara.

At sa kasamaang palad ay natamaan ng kutsara ang side ng plato ni Yuan kaya nahulog ang plato at sinalo ng damit ni Yuan.

"Putangna mo, Phoenix!" iritado siyang napatayo at kinuha ang plato ni Ryder saka niya ibinato kay Aiden kaso umilag ang ibon at ang tamaan ay si Harry!

"Tangna mo rin, Yuan!" iritadong sigaw ni Harry na natamaan sa mukha at alam kong masakit yun. Binato din niya si Yuan ng plato niya pero parang tanga si Harry kung umasinta kasi imbis kay Yuan niya ibinato si Zyrell ang natamaan.

"Ampupu naman ng mga 'to! Kakabili ko lang ng shirt ko!" napatayo na rin si Zyrell at binato din si Harry, hanggang sa madamay na lahat.

Nagkagulo na ang stage at lahat sila nagbabatohan kaso hindi ko makita ang nagpasimuno ng lahat ng ito, nasaan si Aiden?

"Anak ng dinuguan na marshmallow!" gulat kong sigaw ng may humili sa akin!

Napatingin ako sa lalaking humila sa akin, wow paano siya nakatakas?

"Lyra, walang anak ang dinuguan na marshmallow na may kasamang chuckie na ginawa ng gagong si Erlantz" giit niya habang hinihila ako, napairap nalang ako at hinayaan siyang hilahin ako.

"Asan ba tayo pupunta?" tanong ko dito, ba't sinasama pa ako nitong gagong 'to.

"Ipapatikim ko sayo yung tinutukoy ko kanina, masarap yun. Pang 9 months" natatawang sagot ni Aiden.

"Tangna mo!" inis kong sigaw dito at hinampas ang braso niya "Bitawan mo akong manyak ka! Andami daming mong jowa tapus ako nagpatripan mo!"

"Hey, I'm just kidding" natatawa niya giit, napansin kong pupunta ulit kami doon sa likod ng university kung saan kami umakyat para makatakas.

"Oi! Aiden! Di na ako tatakas ulit! Nadala na ako sa kamalasan mo kaya wag ka nang mandamay!" saad ko dito pero tinawanan lang ako ng gago.

"Lyra, dala ko na ang lahat. Pwera na lang sa isa" sagot niya, napakunot ang noo ko.

"Balikan mo! Tsaka wag mo na akong isama!" giit ko dito at binawi-bawi ang kamay ko na hinahawakan niya. Pero malakas siya at ayaw talagang bitawan ang kamay ko.

"Lyra, hindi ko na mababalikan yun" sagot niya sa akin.

"Bakit?" nakunot ang noo ko habang nakatingin sa likuran niya.

"You stole it, okay? Ninakaw mo lang naman ang puso ko, Lyra" napairap nalang ako sa pambobola niya, dito siya magaling. Sa pambobola ng mga babae at in the end, papaiyakin ka lang.

"Okay" tipid kong sagot at parang hindi interasado sa sinasabi niyang 'stole-stole'

"Hey! I'm serious, Lyra!" tamad lang akong tumingin sa kanya, tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Then?"

"Arsh! Lyra naman!"

"Alam mo, Aiden kong wala kang matinong sasabihin sa akin. Bitiwan mo na ako" giit ko dito, pero parang wala siyang narinig at pinagpatuloy ang paghihila sa akin.

"Fine! Kung ayaw mong maniwala! Pero slave kita ngayon, Lyra. At sa ayaw at gusto mo, ako ang masusunod!" iritado niyang saad sa akin. Mas highblood pa yata siya kaysa kay Seb na parang binuhusanan ng malamig na tubig kapag nakikita niya si Pres at Redmond.

"Alam ko, Aiden. Alam ko" tamad kong tugon dito.

"Sumagot ka ng maayos, Lyra!"

"Opo sir!" napatayo ako ng diretso nang sumigaw siya sa akin. Galit yata.

Napahinto siya at hinarap ako ulit kaya napayuko nalang ako at tumitig sa lupa. Ba't parang ako yung may kasalanan?!

"G-Galit ka ba?" tanong ko dito kahit hindi tumitigin sa kanya "S-Sorry"

"I'm not angry, Lyra. It's my 'friend' who's angry with you, honey. Like he wants to stab you right now"

Hidden ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon