Chapter 19 - Promise

14 1 6
                                    

Chapter 19

'A special gift for a special girl, like you. Open it now, princess'

Gusto niyang buksan ko 'to ngayon? Gusto ko sanang buksan 'to sa bahay eh.

Sumunod nalang ako sa sinabi niya at kinuha ang gift. Kumuha muna ako ng isang silya at umupo don saka ipinatong ko sa lap ko ang kahon.

Hindi ko maiwasang ngumiti dahil nag-abala pa siyang gumawa nito. Pero napapaisip ako, paano niya nagawa 'to kong nasa tabi ko siya palagi? Baka inutusan niya ang mga kapwa niya gago?

Pero napawi ang ngiti ko nang makita ang nasa loob. A dried Lilac at picture ko na nakangiti pero may bahid ng dugo.

Agad akong napatalon sa takot nang magsirado ang pintuan ng HUMSS at namatay ang ilaw.

T-They locked me here! They trapped me! Agad akong napatakbo sa pintuan at pilit na pinupokpok ito.

"P-Palabasin niyo ako!" mangiyak ngiyak kong sambit sa kabila, pero narinig ko lang silang tumawa.

"Happy birthday, Baize~. Sana hindi ka na sikatan ng araw" narinig kong usal ng isang babae sa labas, narinig ko pang nagtawanan sila.

"A-Ayoko dito! Palabasin niyo a-ako!" sigaw ko ulit pero naramdaman kong nagsisi-alisan na sila.

Isa-isa nang nagsitulo ang mga luha ko at pawis na pawis na ako dahil sa kakapokpok ko sa pintuan.

"T-Tulong!" sigaw ako ng sigaw kahit alam kong walang makakarinig sa akin.

Napaupo na lang ako at niyakap ang binti ko. Pinatong ko ang ulo ko sa tuhod ko at hindi ko mapigilang hindi umiyak.

Ayoko nito, ayoko na!

Phoenix Aiden's POV

Papasok na sana ako sa kotse ko nang mapansin ko si Ciana na kakalabas pa lang sa University na hindi kasama si Lyra kaya nilapitan ko siya.

"Ciana!" tawag ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin at napangiwi naman siya nang makita ako.

"Why ba?" tanong niya, suplada talaga nito. Hindi ko alam kong anong nakita ni Kuya sa kanya, ang arte pa.

"Hindi mo kasama si Lyra?" tanong ko at luminga-linga para hanapin si Lyra.

"No, Hinahanap ko nga siya, I thought magkasama kayong dalawa" sagot ni Ciana sa akin. Kaya napakunot ang noo ko. Kanina lang nakaalis si Lyra. Pumunta pa nga ako sa Detention at nadatnan doon si Seb at Pres kaya sinamahan ko nalang si Seb para inisin, ganda kasi nang lugar na pinili nilang magdate.

"Sabi niya sabay kayong uuwi?" giit ko sa kanya, tumango siya sa akin at pinakita niya sa akin ang dala niya— birthday gift?

"Yes, I planned nga na ibigay ito sa kanya later. Kaya nga hinahanap ko siya" hindi kaagad ako nakapagsalita, don't tell me—

"Birthday niya ngayon?!" gulat kong tanong, ba't hindi ko alam?! Agad naman kumunot ng noo niya at binigayan ako ng 'you don't know-looks'

"Wala ka naman palang kwentang suitor" pang-aasar sa akin ni Ciana, kaya napakagat ako sa pang-ibaba kong labi.

Pero agad naman napawi ang pang-aasar niyang ngiti nang may dumaan na mga babae sa harapan namin na nagtatawanan.

"Bakit Ciana?" tanong ko sa kanya, nakita ko naman siyang napalunok at tumingin sa akin.

"Then, who the hell na nag-utos to those girls?!" agad naman akong ngumuwi sa kanya. Napatingin ulit ako sa mga babaeng naglalakad papalayo.

"I don't know, sino nga ba?" naguguluhan kong tanong, agad naman nag-init ang ulo ni Ciana at halos bumuga na siya ng apoy. Hindi ko naman talaga alam.

"They approached me kahapon! They asked me what her favorite flower, tapus sabi nila na ikaw yung nag-utos sa kanila!" agad naman nanlaki ang mga mata ko, at parang alam na niya ang ibig kong sabihin sa kanya nang magtama ang mga mata namin kaya sabay kaming napatakbo sa HUMSS dahil alam kong taga HUMSS rin yung mga babae kanina.

Napahinto kami sa mismong pintuan at humihingal. Napatingin ako sa pintuan at agad itong sinuntok nang makita itong naka locked, shit!

"Birdy!" tawag ni Ciana at binigay sa akin yung itak— teka saan niya nakuha yan?! Ambilis naman ng babaeng 'tong. Okay, vote na ako sa kanila ni Kuya.

Hindi ko na siya tinanong nang may narinig akong humihikbi kaya agad ko itong pinokpok hanggang sa masira ang padlock, agad kong binuksan ang pintuan at binuhay ang ilaw dito sa HUMSS saka ko mabilis na pinuntahan si Lyra na nakahiga sa sahig. Sumunod naman si Ciana sa akin.

Humihikbi parin si Lyra pero para siyang nahimatay, napatingin ako sa paligid.

Nakakainis! Naiinis ako sa sarili! Ba't hindi ko alam ang birthday niya tapus yung mga hampas anyong lupa naghanda pa nang ganito para saktan siya?!

"Lyra" tawag ko sa kanya at binuhat siya na pang-kasal.

"Dalhin natin siya sa hospital" saad ni Ciana na halatang nag-aalala na at natataranta.

Lumabas na kami sa HUMSS at pumunta sa kotse ko. Inihiga ko si Lyra sa backseat, pumasok na rin doon si Ciana at pinaypayan si Lyra.

Baize Lyra's POV

Naalimpungatan ako sa sikat ng araw, nasaan ako? Puro puti lang ang nakikita ko. Nasa langit na ba ako? Agad naman akong napangiwi sa naiisip ko, nilock lang sa room namatay na agad. Pero sinong nagdala sa akin dito?

"Lyra" napatingin ako sa taong nagsalita at kakapasok lang sa kwarto, nasa hospital yata ako. Umupo ako ng maayos at napansin kong may dala siya.

Napangiti naman ako nang makita may dala siyang bouquet ng lilac. Umupo siya sa upuan na katabi ng kama ko at inilagay yung box sa table saka ibinigay sa akin yung bouquet.

"Belated Happy Birthday" bati niya sa akin, lumingon ako sa kanya at ngumiti.

"Salamat" giit ko at inamoy ang bulaklak saka ko ipinatong ito sa lap ko.

Nagulat naman ako nang kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.

"I'm sorry" giit niya at ipinatong ang ulo niya sa kamay ko na hawak niya.

"Para saan?" tanong ko sa kanya, wala naman siyang ginawa sa akin ah. Bumuntong hininga naman siya bago niya isinupling ang hibla ng buhok ko sa tenga ko.

"Dahil hindi ko nalaman agad ang birthday mo at hindi kita agad nailigtas kahapon, and I promise from now on. Ihahatid na kita pauwi"

Hidden ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon