—CHAPTER 22—
» JANE'S POV «
Bwisit na babaeng yun humanda siya sa akin.
I swear pagsisisihan niyang trinaydor niya ako.
Agad na bumalik naman ako sa classroom ko para kunin ang bag ko.
Tss. Nakakainis nawala na ako sa mood pumasok mamaya.
Kaya naman umuwi na lang ako sa bahay.
» ASHLEIGH'S POV «
Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko.
“Hi Bespren.” Rinig ko pang tawag sa akin ni Jace ngunit hindi ko man lang ito pinansin.
Hyss! I'm sorry Jace.
» JACE'S POV «
Kanina pa ako nakauwi dahil nawalan ako ng gana pumasok kanina.
Habang nanunuod ako ay biglang pumasok si Bespren na laglag ang mga balikat.
“Hi Bespren.” Tawag ko sa kanya ngunit hindi man lang ako nito pinansin.
Mukhang malalim ang iniisip ni Dein kaya naman sinundan ko ito sa kwarto niya.
“Bespren galit ka ba sa'kin?” l asked.
“No. But, l think we need some space.” She said seriously.
“What do you mean, Bespren? Okay naman tayo di ba?”
“Okay tayo pero may nasasaktan naman tayong tao sa pagiging sobrang close natin, kaya kailangan mo muna dumistansya sa akin hangga't maaari para wala na tayong masaktan tao.” –Dein
Ngayon ko lang nakitang ganito ka seryoso si Bespren kaya naman sobrang sakit para sa‘kin na makitang ganyan siya.
“May sinabi ba sayo si Jane?” Tanong ko naman.
“Wal—”
“Meron! Pinahiya lang naman niya kanina sa buong studyante si Dein.” Biglang sulpot naman nina Uno at Kairus pati na din ng iba.
“At hindi lang yan, sinabihan din niya ng masasakit na salita si Dein kanina.” –Kairus
“Kairus.. tama na.” Pigil ni Dein dito.
“No Dein. Hayaan mong malaman niya ang ginawa sa‘yo ng Gf niya.” –Kairus
“Correction *EX GF* dude.” Singit naman ni Kib.
“Tss! Whatever.”
“I'm really sorry Bespren for Jane's did to you.” Hinging paumanhin ko.
“It's okay.”
“Don't worry kakausapin ko siya bukas.” ani ko
“Wag na ang mas magandang gawin na lang natin ay huwag ka na muna lalapit sa‘kin.”
Sobrang sakit para sa‘kin ang sinabi niya pero kung ito ang mas makakabuti ay gagawin ko.
“S-Sige! Pasensya na ulit bespren.” Huling saad ko at lumabas na ng kwarto niya.
» ASHTON'S POV «
Naglalakad na ako ngayon sa hallway at napansin kong nasa unahan ko lang si pangit at pinagtitinginan ito ng mga tao.
Yung iba naman ay nag chi-chismisan at nagbubulungan pero dinig na dinig din naman ang kanilang mga sinasabi.
“FLIRTY ARGGGHHH”
“BACK OFF! B*TCH!”
“DESPERADANG BABAE GUSTO MAPA SA KANYA LAHAT NG B.T.S TSK!”
“WAG NYO NA PAGTUUNAN NG PANSIN YAN.. ATTENTION SEEKER LANG ANG NERD NA YAN.”
BINABASA MO ANG
𝑻𝑯𝑬 𝑺𝑬𝑽𝑬𝑵 𝑮𝑨𝑵𝑮𝑺𝑻𝑬𝑹𝑺 𝑰𝑵 𝑴𝒀 𝑯𝑶𝑼𝑺𝑬 (𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫)
Teen FictionPaano kung may makilala kang pitong lalaki na ubod ng gwapo na magpapagulo sa iyong buhay. Do you accept it or leave it?