—CHAPTER 39—
» BLUE'S POV «
Habang nag uusap kaming tatlo ay bigla naman bumukas ang pintuan at pumasok ang isang Black na ngiting ngiti at hindi masidlan ang saya nito sa mga labi.
“Anong meron? Bakit mukhang nanalo ka ata sa lotto” sita naman ni Gray dito na siyang napansin din niya.
“Siguro nambabae yan kaya ganyan kung maka ngiti.” ani White
“Ul*l wag mo ako igaya sayo.” –Black
“Sus, palusot kapa eh.” Pakikipagtalo pa ni White.
“Hmm! Kung ganun bakit ganyan ka makangiti ngayong araw?” Tanong ko naman.
Kwenento naman nito sa amin ang lahat at napuno naman ng kantiyawan ang buong bahay.
“Naks! Mas mabalasik ka pa pala sa akin eh.” –White
“G*go paano mo naman nasabi yan, ha?” –Black
“Syempre akalain mo yun wala pang isang oras nagka fiance ka agad.” –White
“At hindi lang yun, ni label nga wala sila ni Jane eh. Isa kang alamat Dude pfft hahahaha.” kantiyaw ni Gray dito.
“Ikaw na ang astig pare hahahaha.” saad ko pa.
“Mga g*go!” ani Black at umakyat na sa kwarto niya.
» ASHLEIGH'S POV «
Lumipas pa ang mga araw at sa wakas ay malapit na din ang Final.
At sa tagal ng hindi ko pag bisita sa aking bahay ay siguradong maalikabok na ang buong bahay dahil sigurado naman akong wala na doon ang B.T.S dahil matagal ng tapos ang kontrata nilang 3 months na punishment.
Kasalukuyang papunta ako ngayon sa sarili kong bahay para bisitahin ito.
Pagkadating ko ay agad na pumasok ako sa loob at ganun na lamang ang pagkagulat ko ng makita kong sobrang linis ng bahay at wala ka man lang makikitang ni isang kalat.
Tiningnan ko naman ang mga frame na nasa gilid at kagaya ng dati ay ganun pa din ang mga pagkakaayos nito.
Nabaling naman ang atensyon ko sa isang frame na malapit sa akin. Kinuha ko naman ito at tiningnan.
Grabe ganito pala kami kasaya noon lahat ng B.T.S dito sa bahay.
Kuha ang litrato noong araw na nasa sala kaming lahat habang nag mo-movie marathon at yung iba naman ay nagkukulitan at nag aasaran.
Bigla naman may pumatak na butil ng luha sa litrato at saka ko lamang napagtanto na kanina pa pala kusang tumutulo ang mga luha ko sa litrato.
“You're back! D*nm! I miss you so much.”
Bigla naman akong hindi nakagalaw ng biglang may yumakap sa akin na lalaki mula sa likudan ko.
Agad na inalis ko naman ang yakap nito ng mapagtanto ko kung sino ang lalaking nasa likudan ko.
Mabilis na tinahak ko naman ang palabas ng pintuan ngunit napigilan agad ako nito.
“Are you mad at me? May nagawa ba ako?” Pa inosente pa nitong tanong.
Humarap naman ako sa kanya at ngumiti.
IBANG NGITI!
“WOW! YOU'RE A GREAT PRETENDER HAHA. Talagang nagmamaang-maangan kapa ha! Bakit hindi mo ulit tanungin yung Nanay mong mamamatay tao.” Diin sambit ko sa kanya habang nagpipigil ng galit.
“What do you mean?” Tanong pa nito.
“Hindi ba't pinatay ng Ina mo ang pamilya ko at alam mo yan kaya wag ka na magmaang-maangan pa.” Dagdag ko pa.
BINABASA MO ANG
𝑻𝑯𝑬 𝑺𝑬𝑽𝑬𝑵 𝑮𝑨𝑵𝑮𝑺𝑻𝑬𝑹𝑺 𝑰𝑵 𝑴𝒀 𝑯𝑶𝑼𝑺𝑬 (𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫)
Teen FictionPaano kung may makilala kang pitong lalaki na ubod ng gwapo na magpapagulo sa iyong buhay. Do you accept it or leave it?