—CHAPTER 50—
» SHANE'S POV «
Nandito kaming lahat ngayon sa canteen ng school habang kumakain ng biglang maghiyawan naman ang mga studyante.
“OMG! SI JACE BA YAN NA MIYEMBRO NG B.T.S?”
“OH MEY GESH! AYM GEYTING MEYRID NA HUHUHUHU.”
“SUPER CUTE N’YA KAHIT SA PERSONAL.”
“DI BA SIYA YUNG MEMBER NG B.T.S NA SUPER SIKAT NA GANG?”
“OO, SIYA NGA.”
Napaharap naman kaming tatlo nila Reiza at Sheila sa sinasabi nila.
Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng makita ko na naglalakad si Jace papunta sa direksyon ko.
Jusko ang gwapo nga talaga este paano siya nakapasok dito sa school?
“Hi Shane.” nakangiting bati nito sa akin.
“A-Ano g-ginagawa mo dito? At saka paano ka nakapasok?” Tanong ko naman sa kan’ya.
“Uyy bruha baka gusto mong isara ang bibig mo masyado kang halata hahaha.” mahinang bulong naman sa akin ni Shiela ng mapansin nitong nakanganga pa din ako habang tinitingnan si Jace.
“Oo nga baka pasukan ng langaw.” gatong pa ni Rieza.
Ano magagawa ko? Eh makalaglag panty itong lalaking nasa harapan ko ngayon.
“Hmm! Simple lang umakyat ako sa bakod ng school nyo hahaha.” Sagot naman ni Jace sa tanong ko.
Anak ng tipaklong nakaya niyang akyatin yun? Eh super taas nun.
“Wow! Iba talaga kapag mga gangster bihasa na sa pag akyat haha.” sabat naman ni Shiela.
“T-Teka alam mong gangster siya?” Gulat na tanong ko sa bruha.
“Ahmm hindi hehehe. Narinig ko lang kanina sa ibang studyante haha.” sagot naman ni Shiela.
Humarap naman ako kay Jace na ngayon ay naka ngiti sa akin.
“Gangster ka pala?” Gulat na tanong ko dito.
“Hmm yeah haha.” sagot niya.
“Gaga hindi mo naman sinabi sa amin na si Yohan Jace pala ang kwine-kwento mo sa amin hihihi.” sabat din ni Rieza.
“Kilala mo siya?” Tanong ko kay Rieza.
“Uhmm Oo hehe. Sikat kaya ang Gang nila, crush ko nga si Top sa grupo nila eh, kaso ang daming kumakalat na chismis na babaero daw yun.” Nakapalumbaba saad naman ni Rieza.
“Haha you're 100% correct, Miss.” saad naman ni Jace.
Potek ako lang ba ang walang alam sa B.T.S na yan? Huhuhu.
“Uhmm Rieza nga pala hehe.. kaibigan ni Shane tapos siya naman si Shiela.” Pagpapakilala naman ng bruha.
“Hi Jace.” –Shiela
“Nice to meet you guys.” ani Jace.
“Nice to meet you din. Uyy kapag may time si Top sama mo siya ah.” ani naman ni Rieza.
“Oo nga.. saka sama mo na din si Kib hehe.” –Shiela
“Sure.” –Jace
“Hoy mga gaga wag nga kayong maharot dyan.” suway ko naman sa dalawa.
“Ano kaba naman Shane minsan lang ito, ‘no.” –Rieza
“Oo nga.” –Shiela
Hinayaan ko na lamang kausapin ng dalawa si Jace hanggang sa mag time na kami at ang dalawang bruha wala pa atang balak sumama sa akin sa classroom kung hindi pa nagpaalam si Jace na babalik na sa school nila.
BINABASA MO ANG
𝑻𝑯𝑬 𝑺𝑬𝑽𝑬𝑵 𝑮𝑨𝑵𝑮𝑺𝑻𝑬𝑹𝑺 𝑰𝑵 𝑴𝒀 𝑯𝑶𝑼𝑺𝑬 (𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫)
Teen FictionPaano kung may makilala kang pitong lalaki na ubod ng gwapo na magpapagulo sa iyong buhay. Do you accept it or leave it?