(CHAPTER 66)

394 19 0
                                    

—CHAPTER 66—

» ASHTON'S POV «

Sa totoo lang ay hindi naman ako galit sa kanya dahil sinadya kong pa sunudin siya sa akin dahil may inihanda akong surpresa para sa kanya.

“H-Hoy A-Abo! Wag ka na magalit, ang pagod maghabol eh.” Dinig kong hinihingal na saad niya.

Hanggang sa makarating kami sa dulo ng beach ay sa wakas narating din namin ang exact place na ipinahanda ko para sa kanya.

Dito ang pinili ko dahil walang masyadong tao at wala din istorbo sa amin dalawa.

“WOW!”

Dinig kong reaksyon niya pagkakita sa dalawang upuan na may nakahain na pagkain sa lamesa at pinalilibutan ito ng mga red petals.

“Nagustuhan mo ba ang surprise ko sa’yo?” Nakangiting tanong ko sa kanya.

“H-Hindi ka na galit?” Tanong niya sa’kin.

“Hahaha bakit naman ako magagalit sa babaeng mahal ko? Kung tampo masasabi kong medyo nagtampo ako dahil hindi mo sa akin sinabi, pero wala na yun sa’kin dahil ako naman ang pinili mo sa aming lahat.” Sambit ko pa at bigla naman pumatak ang mga luha niya.

Patakbong yumakap naman siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

“Sobrang swerte ko talaga sa’yo.” Nakangiting sambit pa niya.

“Mas swerte ako sa’yo.”

At mabilis na hinalikan ko naman siya sa mga labi.

“Hoy nakakadami ka na ah.”

“Hahaha hindi ah.”

“Anong hindi, akala mo siguro hindi ko alam na hinalikan mo ako sa kotse kanina nung natutulog ako.” Pambubuking naman nito.

“Hahaha so ibig mo ba sabihin ay nagtutulog tulugan ka lang kanina?” Pambubuking ko din sa kanya.

“Hindi ‘no.. natulog talaga ako kanina, sadyang nagising lang ako nung maramdaman kong may humahalik sa akin.”

“Sus tara na nga kumain na muna tayo.” aya ko sa kanya.

“Sige nagugutom na din ako eh.” ani niya.

» ASHLEIGH'S POV «

Pagkatapos namin kumain ni Ashton ay nakipaglaro kaming dalawa sa mga alon.

Masasabi kong sobrang saya ng araw na ito na para bang ayoko ng matapos ang araw na ito na kasama ko siya.

Natatakot ako na baka isang araw ay kunin na naman siya sa akin at maiwan na naman akong mag isa.

Matapos namin makipaglaro ay umupo muna kami saglit sa buhanginan at nagpahinga.

Maya maya lang ay humarap sa akin si Ashton na seryoso lamang ang mukha.

“ASHLEIGH FRIXIA DEIN..”

Buong pangalan ko naman ang sinabi niya kaya napaharap ako sa kanya.

“Hmm Yes?.. ASHTON BRIX?” Panggagaya ko naman.

May inilabas naman siyang isang maliit na box.

“W-Will you be my Girlfriend?”

Napangiti naman ako sa kanya.

Sa dami ng tanong niya sa akin ay ito ang pinaka nagustuhan ko.

“Hmmm YES!” Nakangiting sagot ko.

Tumayo naman siya sa saya at hindi makapaniwala.

“WOW! AS IN WOW! WOAAAAHHHH GIRLFRIEND KO NA SI ASHLEIGH FRIXIA DEIN.” Nagtatalon na saad niya at talagang mas lalo pa niyang nilakasan ang boses niya.

𝑻𝑯𝑬 𝑺𝑬𝑽𝑬𝑵 𝑮𝑨𝑵𝑮𝑺𝑻𝑬𝑹𝑺 𝑰𝑵 𝑴𝒀 𝑯𝑶𝑼𝑺𝑬 (𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon