(CHAPTER 63)

367 23 0
                                    

—CHAPTER 63—

» ASHLEIGH'S POV «

Papasok na ako ng gate ng school ngayon at dala dala ko na ang regalo ko sa kanya at syempre meron din ang B.T.S pati sila Gray, kaya naman sobrang dami kong dala ngayon at pansin ko din na pinagtitinginan ako ng mga studyante dahil sa dami ng regalong dala ko.

Hayss! Magugustuhan kaya niya ang regalo ko? Sana naman hindi niya itapon.

“Tulungan na kita, mukhang ang dami nyan ah.” Biglang sulpot naman ni Trey mula sa likuran ko.

“Uhmm Oo eh hahaha.. sya nga pala salamat sa pagtulong.” ani ko naman.

“Wala yun haha.”

Buti na lamang ay tinulungan ako ni Trey magdala sa mga regalong pinaghirapan kong ibalot kagabi at eto ang dahilan kung bakit napuyat ako.

» ASHTON'S POV «

Nandito ako ngayon sa bahay at nakahiga pa dahil wala naman akong balak sumali sa christmas party namin.

Para saan pa eh hindi naman si Dein ang nabunot ko kung hindi si Trey. Tsk!

Bigla naman bumukas ang pintuan ng kwarto ko at bumungad sa akin si Mommy.

“Hindi ka sasali ng christmas party niyo?” Tanong nito sa’kin.

“Nope.” tipid na sagot ko.

“Bakit hindi ka sasali? Isang beses lang sa isang taon nangyayari ito kaya mag gayak ka na at baka hinihintay ka na ni Sophierra.” saad niya na nakapag pa init ng ulo ko.

“Tsk! Pwede ba Mom hayaan niyo na lang ako dahil ayoko nga sumali at pwede ba pumunta na lang din kayo sa school para walang storbo sa akin dito.” Inis na saad ko sa kanya.

“Hayss! Sige kung yan ang gusto mo naiintindihan kita.” Mahinahon na sagot niya.

Akmang lalabas na ito ng kwarto ko ng bigla siyang magsalita ulit.

“Kung ako lang masusunod mas pipiliin ko ang kasiyahan mo anak, pero wala na tayong magagawa dahil naka arrange marriage ka na sa kanya. Alam mo anak nakita ko ang pagbabago mo nung makilala mo siya pero bumalik ulit ang dating ikaw nung dumating yung isa.” saad ni Mom bago lumabas ng kwarto ko.

Sobrang na guilty ako sa sinabi ni Mommy dahil kung tutuusin wala din naman siyang alam sa lahat ng ginawa ni Dad.

Hanggang ngayon kasi ay hindi ko matanggap na naka arrange marriage na ako sa iba dahil hindi ko kayang makita si Dein na masaya na sa iba.

» TREY'S POV «

Pagkatapos kong ihatid si Dein sa classroom ay lumabas muna ako saglit para bumili ng maiinom.

Nakasalubong ko naman sa hallway ang kaibigan ni Dein.

“Nakita mo ba si Dein?” Tanong nito sa akin. (Trixie)

“Yeah.. nasa classroom na siya.” sagot ko.

“Sige, salamat.” saad nito at nag diretso na sa paglalakad.

» TRIXIE'S POV «

Pagka pasok ko ng classroom ay agad na sinalubong ako ni Blue.

“Bakit dalawa ang dala mong regalo?” tanong niya.

“Syempre hindi kita malilimutan, ano!” saad ko naman.

“Naks! Kaya ako sa’yo eh.” –Blue

“Ohh eto na yung gift ko sa’yo.”

Binigay ko naman sa kanya yung regalo ko.

“Wow! Salamat ah.. the best ka talaga.” Ani pa niya.

“Mamaya mo na lang buksan kapag nasa bahay niyo na ikaw.” saad ko naman.

𝑻𝑯𝑬 𝑺𝑬𝑽𝑬𝑵 𝑮𝑨𝑵𝑮𝑺𝑻𝑬𝑹𝑺 𝑰𝑵 𝑴𝒀 𝑯𝑶𝑼𝑺𝑬 (𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon