—CHAPTER 7—
» KAIRUS POV «
“WOAAAAHHHHH!,”
“BLAZINGGGG TIGERSSS SERPENTTTT,”
“WOOOOOOOOHHHH,”
Sigawan ng buong tao sa loob ng araneta.
Dito kasi naganap ang laban namin ng Devillion Gang, at kasaluluyang duguan na silang lahat ngayon kaya naman paalis na kaming pito.
“Tss. Mga wala naman binatbat mga gago na yun.” –Top
“Tsk! Makauwi na nga, ginutom lang nila ako.” –Jace
“Ako din. Uwi na ako, inaantok na ako eh.” saad naman ni Kib.
Nagkanya-kanyang uwian naman ang tatlong gago, hanggang sa matira kaming apat. (Uno, Primo, Ashton at Ako)
Pasado alas dos na ng madaling araw kaya naman sobrang antok na kami.
Iniwan naman kaming tatlo ni Ashton at sumakay sa sports car niya.
Agad din kaming sumakay sa kotse nito bago pa siya makaandar.
“Ano pang ginagawa nyo sa loob ng kotse ko?” inis na tanong ni Abo.
“Sama kami.” sabay sabay naming saad.
“Tsk!”
Wala ng nagawa si Abo dahil antok na din siya, kaya naman hinayaan na lamang kami nito.
» ASHLEIGH'S POV «
Sabado ngayon kaya naman tinanghali na ako ng gising dahil wala naman pasok ngayon.
Pupungas pa ako ng mata habang naglalakad papuntang kitchen.
Bigla naman akong may narinig na nagluluto si kusina.
Teka si Unggoy nagluluto?
Waaahh pota! Baka masunog bahay ko.
Dali dali naman akong tumakbo papuntang kitchen dahil baka masunog na ang buong bahay ko.
Nadatnan ko namang hindi si Unggoy ang nagluluto kung hindi si... U-UNO?
“Good morning, Dein!” nakangiting bati nito sa akin.
“Luto na ba yan?” seryoso saad naman ng isang lalaking nakaupo sa gilid habang busy sa pagbabasa ng newspaper.
“P-PRIMOOO?,”
“What?” Di tumitinging tanong nito, dahil naka focus lamang sa binabasa niya.
“GOODDDD MORNINGGGG PEOPLEEE!” Bigla naman sumulpot sa likod ko ang isa pang lalaki kasunod si unggoy.
“T-Teka.. K-KAIRUS?” Di pa din makapaniwalang tanong ko.
“Yes ako nga Ms. Transfery!” nakangiting sambit naman nito.
Hala! Sh*t sobrang gwapo niya.
Lalo na kapag ngumiti uwu! Ay teka bakit nga pala nandito ang mga mokong na'to?
“T-Teka! A-Anong ginagawa nyong tatlo dito?” tanong ko naman sa kanila.
“Di ba't nandito naman kami dapat?” pambabara naman ni Primo sa akin.
“Ay oo nga nuh! Sabi nga pala ni Tita Ashtreia hehe.”
“Tss. Tanga!” supladong dagdag pa nito.
“Actually, next week pa kami dapat dito pero nabobored na kaming tatlo sa bahay kaya naman dito na din kami titira.” matinong sagot naman ni Uno sa'kin.
“Yeah! By the way, how did you know my name? Fans ka din ba ng B.T.S?” –Kairus
“Hala! Naku hin—.”
“Pinakilala ko na kayo sa kanya at hindi siya fans ng B.T.S at lalong hindi niya tayo kilala kahit na ang grupo natin.” –Uno
“That's good.” –Kairus
“E-Ehh teka! B-Bakit ano bang meron sa grupo nyo?” Usisa ko naman.
“Tss. Chismosa!” sabat naman ni Primo.
Aray ko ha! Kanina pa ata mainit ang ulo sa'kin ng isang 'to.
“May problema ka ba sa'kin?” diretsong tanong ko naman dito.
“Wala! Ayoko lang sa mga taong mahina ang pag iisip lalo na ang patanga-tanga.” seryoso nitong sagot habang nakatingin pa din sa newspaper na binabasa nito.
Ouch ah! Grabe ang harsh magsalita ng isang 'to.
“Tsk!” –Ashton
Wow ah! Isa pa 'to laki ng naitulong, kanina pa kami dito nag uusap, ngayon lang umimik grabe ang laki ng naiambag ng “Tsk” niya sa ekonomiya.
“Tama na yan, kain na tayo.” suway naman ni Uno sa amin.
Kumain naman kaming limang tahimik at matiwasay hahaha.
» UNO'S POV «
Habang nagkakain kami ay napansin kong tahimik lamang si Dein.
“Dein! Pwede bang samahan mo ako mag grocery mamaya?” Pambabasag ko sa katahimikan.
“H-Huh? O-Ohh sige.” tila gulat niyang saad.
“Sama ako. Gusto ko kasing makilala pa si Dein.” Singit naman ng gago. (Kairus)
“Ge. Ikaw Primo and Abo sasama ba kayo?” tanong ko naman sa dalawa na ngayon ay wala man lang kibo habang kumakain.
“No.” tipid na sagot ng dalawa..
“Pfft! Hahaha asa ka pang sumama yang dalawa.” tumatawang saad naman ni Kairus.
“Oo nga pala hahaha.” gatol ko pa.
Pagkatapos namin kumain ay napagpasyahan na namin maligo.
Makalipas ang isang oras ay umalis na din kami.
Dumaan muna kami sa bahay dahil ako lamang ang walang dalang damit sa kanila, pagkatapos ay dumiretso na kami sa market.
Papasok pa lamang kami sa loob ay halos lumuwa na ang mga mata ng babaeng nakakasalubong namin.
“WOAAAH SI KIM TAEHYUNG AT KIM SEOKJIN BA YAN NG B.T.S ANG MGA SIKAT NA K-POP IDOL SA KOREA?”
“ANG GWA-GWAPO NILA,”
“PICTURAN MO GHORL DALI,”
“TARA SUNDAN NATIN SILA,”
“NAKAKAINIS! SINO NAMAN YUNG PANGIT NA BABAENG KASAMA NILA.”
“OO NGA NAPAKA PANGIT! IWWNESS HA!”
Napansin ko naman nakayuko lamang si Dein at hindi tumitingin sa paligid niya.
Akmang lalapit na ako sa mga babaeng sige ang panlait sa kanya ng maunahan naman ako ni Kairus lumapit sa mga ito.
“OMG! PAPALAPIT SILA SATIN.” Kinikilig na sambit ng isa.
“Hi Miss.” Kairus said while showing his killer's smile.
“H-Hello powww!” pabebeng sambit ng mga 'to.
Tssk! Mga dugyot.
“Gusto ko lang sabihin na ang GANDA nyo.” –Kairus
“YIEEEE! TENKYUUU IKAW DIN ANG POGI MO,” Sagot naman ng isa.
“PERO ANG PAPANGIT NG MGA UGALI NYO PANG BASURA.” Bigla naman naging seryoso ang mukha ni Kairus at iniwan ang mga ito na hiyang hiya sa nangyari.
“Nice one, Kai haha.” saad ko naman pagkalapit ni Kairus sa amin.
Pagkatapos ng nangyari ay dumiretso naman kami sa bilihan ng mga gulay at prutas.
—END OF CHAPTER 7—
BINABASA MO ANG
𝑻𝑯𝑬 𝑺𝑬𝑽𝑬𝑵 𝑮𝑨𝑵𝑮𝑺𝑻𝑬𝑹𝑺 𝑰𝑵 𝑴𝒀 𝑯𝑶𝑼𝑺𝑬 (𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫)
Genç KurguPaano kung may makilala kang pitong lalaki na ubod ng gwapo na magpapagulo sa iyong buhay. Do you accept it or leave it?