—CHAPTER 64—
» ASHTON'S POV «
Pagkatapos namin mag usap ay masaya akong pumasok ng bahay.
Ano kaya itong regalo niya sa akin?
Naka ngiting saad ko sa isipan ko habang paakyat ng kwarto ko.
Pagpasok ko pa lang ng kwarto ay agad na binuksan ko ang regalo ni Dein sa akin.
Isang set ng bedsheet cover na kulay abo ang regalo niya sa’kin at talagang ibinase pa niya sa pangalan ko hahaha.
Dali dali ko naman pinalitan ng cover ang mga unan ko pati na din ang kumot at bedsheet ko.
Ang aliwalas sa mata ng mga binili niyang pang cover at mas lalo ko pang nagustuhan dahil bawat cover ay may mga tatak ng pangalan ko.
Grabe at talagang nag abala pa siyang patatakan ang mga ito para sa akin hahaha.
» TREY'S POV «
Wala akong natanggap na regalo dahil mukhang hindi sumali yung taong magreregalo sa akin, pero ayos lang dahil nakatanggap naman ako ng regalo mula kay Dein.
At medyo kinakabahan ako dahil baka hindi niya magustuhan ang regalo ko sa kanya.
Siya kasi ang nabunot ko at sobrang natuwa ako dahil sa dami na pwede kong mabunot ay siya pa.
Nasa harap ko ngayon ang gift na bigay sa’kin ni Dein at hindi ko pa binubuksan.
Hindi naman ako ang nabunot niya pero nag abala pa din siyang regaluhan ako.
*TOK! TOK! TOK!*
Maya maya lamang ay may kumatok sa kwarto ko kaya naman pinag buksan ko ito.
“Ohh Dein.. ikaw pala, pasok ka.” ani ko ng makita kong siya pala ang kumatok sa kwarto ko.
“Salamat. Sya nga pala salamat din sa regalo mo, sobrang ganda at sa tingin ko ay hindi biro ang halaga nito.” saad niya at ipinakita sa akin ang necklace na regalo ko sa kanya.
“Haha wala yun, malakas ka sa’kin eh.” tumatawang saad ko.
“Sya nga pala nakita mo na ba yung regalo ko sa’yo?.” Tanong niya.
“Ah hindi pa. Salamat nga din pala sa regalo mo kahit hindi ako yung nabunot mo, nag abala ka pa talaga regaluhan ako hahaha.” ani ko pa.
“Sus wala yun, malakas ka din naman sa’kin eh.” saad niya.
“Hahahaha.”
» ASHLEIGH'S POV «
“Sya nga pala, ayos na ulit kami ni Ashton.” saad ko naman kay Trey at hindi masidlan ang saya na nararamdaman ko.
Napansin ko naman ang mga mata niyang may bahid ng lungkot kahit nakangiti siya.
“Talaga? Haha edi ayos.” saad niya.
“Hindi kaba masaya para sa’kin?” kunwaring nagtatampo tanong ko sa kanya.
“Ano ka ba syempre masaya ako para sa’yo hahaha dahil mga ngiti mo ang nagpapasaya sa akin.” ani niya.
Bakas naman ang pilit na ngiti sa mga labi niya.
“Alam mo sana ikaw na lang yung minahal ko, siguro hindi ko mararanasan yung ganon ka sakit sa kanya.” saad ko pa habang inaalala ang mga masasakit na naranasan ko kay Abo.
“Pero kahit anong gawin ko, alam ko naman na hinding hindi ko mapapalitan ang puwang ng kapatid ko d’yan sa puso mo.”
Nakangiting saad niya kahit halata sa mga mata niya na nasasaktan siya.
BINABASA MO ANG
𝑻𝑯𝑬 𝑺𝑬𝑽𝑬𝑵 𝑮𝑨𝑵𝑮𝑺𝑻𝑬𝑹𝑺 𝑰𝑵 𝑴𝒀 𝑯𝑶𝑼𝑺𝑬 (𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫)
Teen FictionPaano kung may makilala kang pitong lalaki na ubod ng gwapo na magpapagulo sa iyong buhay. Do you accept it or leave it?