(CHAPTER 53)

422 27 7
                                    

—CHAPTER 53—

» ASHTON'S POV «

Kanina pa ako nandito sa Church ng Hospital at pinag iisipan ang dapat kong gawin at kasama na doon ang pagdadasal ko sa Diyos na sana gumaling na si Dad.

Labag man sa kalooban ko ang pumayag sa gustong mangyari ni Dad pero kung ito din naman ang makakapag pa saya sa kanya ay gagawin ko kahit na sobrang galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya, pero ano magagawa ko tao lang ako.

Kung ang Diyos kayang magpatawad paano pa kaya ako na tao lang?

Kaya na pag desisyunan ko na ang gustong mangyari ni Dad at gagawin ko ito para sa kanya kahit masakit para sa akin.

» ASHLEIGH'S POV «

Ilang araw ng hindi pumapasok sa school si Ashton at sinubukan ko na din siyang i-text o tawagan sa phone pero hindi niya sinasagot.

Sa tingin ko’y may problema nga talaga siya.

At sa loob ng ilang araw na wala si Ashton ay si Trey ang palaging nandyan kasama pa ang ibang member ng B.T.S pati na din sina Gray.

“Hey Beshy.. are you okay?” Tanong naman sa akin ni Trixie ng mapansin nitong malalim ang iniisip ko.

“U-Uhmm Oo.” Pilit na ngiti naman na sagot ko.

“You know what Beshy mag mall na lang kaya tayo after class para naman marelax ang utak mo. I know you're not okay but, I’ll respect you.. kung ayaw mo sabihin sa akin kaya mag enjoy na lang tayo para hindi ka mag isip ng kung ano ano dyan.” ani Trixie na nakapagpagaan ng loob ko kahit papaano.

Tumungo na lamang ako na tanging  tugon ko sa kanya.

Sa tingin ko ay mas mabuting i-relax ko muna ang isip ko baka mabaliw na ako sa kaiisip sa kung anong posibleng dahilan ni Abo kaya siya umalis ng bahay na wala man lang paalam sa akin.

Habang nag uusap kami ni Trixie ay biglang pumasok naman ang Teacher namin at nagulat na lamang ako sa nakitang tao na kasunod nito.

S-Si A-Ashton? At sino yung babaeng kasama niya?

Sa oras na ito’y andaming nabubuong katanungan sa utak ko.

Nagsimula na ang bulong bulungan sa loob ng classroom.

At kahit ang ibang ka klase namin ay nagbigla sa mga nakita.

“OMG! SINO SIYA?”

“GIRLFRIEND BA SIYA NI ASHTON?”

“AKALA KO BA SILA NI DEIN?”

“HINDI BA GF NIYA SI DEIN? PERO SINO YUNG BABAENG KASAMA NIYA?”

Pumunta naman sila sa unahan kasama si Abo.

“Good morning Class! So, alam niyo na siguro na may bago ulit kayong ka klase.. and Ms. Thompson please introduce yourself.”

Agad naman itong sumunod at nagpakilala.

"Morning! I'm Sophierra Thompson." pa cool naman nitong saad at humarap ulit kay Ma’am.

"Pwede na ba akong umupo?" Tanong nito.

"Ahmm sure." Tumingin naman si Ma’am sa direksyon ko.

“And Ms. Fortellia pwede bang lumipat ka na lang ng ibang mauupuan dahil dyan uupo si Ms. Thompson sa tabi ng fiancé niya.” dagdag pa ni Ma'am.

FIANCÉ?...

Nagpanting naman ang mga tenga ko sa narinig ko.

Tiningnan ko naman si Ashton na nagtatanong ngunit umiwas lamang ito ng tingin sa akin.

𝑻𝑯𝑬 𝑺𝑬𝑽𝑬𝑵 𝑮𝑨𝑵𝑮𝑺𝑻𝑬𝑹𝑺 𝑰𝑵 𝑴𝒀 𝑯𝑶𝑼𝑺𝑬 (𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon