—CHAPTER 55—
» ASHTON'S POV «
Nasa loob na ako ng classroom ng biglang pumasok ang isang body guard na nagbabantay kay Sophierra.
“Sir Ashton.. si Ma’am Sopphierra po tumakas.” balita nito sa akin.
“Tsk! Di ba sinabi ko na sa inyo bantayan n’yo mabuti ang babaeng ‘yon.” Singhal ko dito.
“Pasensya na po, Sir Ashton.” Paumanhin nito.
Hyss! Pasaway talaga ang babaeng yun kahit kelan.
Agad na lumabas naman ako ng classroom para hanapin ang pasaway na babaeng ‘yon.
» ASHLEIGH'S POV «
Late na ako sa first subject namin kaya naman nagmamadali na akong tumakbo papuntang classroom.
*BLAAAGGGGGG*
Napatayo naman ako dahil may bumangga sa akin na isang babae.
“Hala pasensya ka na, ayos ka lang ba?” Tanong nito habang tinutulungan akong makatayo.
Gulat na gulat naman ako ng makita siya.
A-ANG F-FIANCËE NI ASHTON?...
“A-Ahmm O-Oo.” Mabilis na sagot ko naman at akmang aalis na ako ng mabilis na pigilan ako nito.
“Sandali lang Miss!”
Nagtatakang tiningnan ko naman ito.
“Huh! B-Bakit?”
“Halika sandali.” ani nito at hinila ako papunta kung saan.
Napunta naman kami sa likod ng isang classroom.
“Pasensya na ah, baka kasi makita ako ng mga body guard ko at sorry nga pala kanina.” ani pa nito.
“A-Ahmm okay lang. Sige aalis na ako.” sambit ko at hindi makatingin sa kanya ng diretso.
“Sandali lang, pwede bang dito ka muna.” pigil ulit nito sa akin.
“A-Ahmm may klas—”
Agad na pinutol nito ang sasabihin ko.
“Pwede mo ba ako tulungan makalabas ng school?” Tanong niya.
“Bakit saan ka pupunta? B-Baka h-hinahanap k-ka n-na ni Ashton.”
Bigla naman ako nasaktan ng banggitin ko ang pangalan niya.
“Eh kaya nga ako nagtatago kasi naiinis ako sa pagmumukha ng impaktong yun.” inis na saad pa nito.
Pasimpleng natawa naman ako ng sabihan niyang impakto si Ashton.
“T-Teka kilala mo siya?”
Nabigla naman ako sa tanong niya.
“Huh? A-Ahmm Oo.. k-kasi classmate ko siya.” sagot ko naman.
“Ah kung ganun magka klase din tayo?”
Tumango naman ako upang maging sagot ko.
“Buti naman may kilala na akong isang classmate ko, kasi napapansin ko sa ibang ka klase natin parang ayaw nila akong maging kaibigan eh. Sya nga pala, I’m Sophierra Thompson. Ikaw?” ani niya.
“A-Ahmm Ashleigh Frixia Dein Fortellia.” Sagot ko.
“Woah! Ang astig ng name mo napakahaba hehe.” –Sophierra.
“Ahmm oo nga hehe.”
“So, pwede ka ba maging friend ko?” Tanong niya sa akin.
Hindi ko alam ang isasagot ko pero tumango na lamang ako.
BINABASA MO ANG
𝑻𝑯𝑬 𝑺𝑬𝑽𝑬𝑵 𝑮𝑨𝑵𝑮𝑺𝑻𝑬𝑹𝑺 𝑰𝑵 𝑴𝒀 𝑯𝑶𝑼𝑺𝑬 (𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫)
Teen FictionPaano kung may makilala kang pitong lalaki na ubod ng gwapo na magpapagulo sa iyong buhay. Do you accept it or leave it?